Chapter 22 'Talang Hulog Ng Langit'

1263 Words
Hindi naman na nakapagtataka iyon sa isip-isip ni Erika, alam niyang mayaman ang lalaki kaya nga hindi na niya pinakawalan ang pagkakataon na ito na lang ang hingian ng tulong. Simple lamang niyang inikot ang paningin habang nakasobsob pa rin siya sa bintana at kunwari ay tulog. "Hey, were here, wake up Erika...Erika" gising nito sa kanya. Ewan ba ni Erika pero parang anghel ang gumigising sa kanya. Malambing at malumanay ang tapik nito sa balikat niya pati ang paghawi nito ng laylay niyang buhok. Inulit nito ng dalawang beses ang pag gising sa kanya kaya nahiya naman si Erika na magkunwari pang tulog. "Ha! nandito na ba tayo?dito ba ang bahay mo? Sabi na lamang niya. "Yes, were here," sagot nito saka ito may inilabas na maliit na pahaba saka pinindot. Bumukas ng dahan dahan ang malapad na gate at saka nito ipinasok ang sasakyan sa garahe. "Tara na sa loob at ng maituloy mo na ang pagtulog mo malalim na ang gabi."sabi nito pagkatapos ay kinalas ang seatbelt ni Erika bago ito lumabas ng driver seat. Binuhat nito si Dos na himbing pa ring natutulog.Walang imik na sumunod si Erika sa pinto. Ewan niya pero nakakaramdam siya ng kaligayahan sa nakikita. Ang anak niya, himbing na natutulog habang buhat ni Tyler habang siya naman ay nakakapit sa braso ng lalaki. Para silang isang masayang pamilya na pagod galing sa pamamasyal. "Hay, buang ka na Erika nangangarap ka ng tirik ang mata." sabi na lang niya sa sarili. "Ah Erika, pwede mo bang buksan ang pinto? yung susi paki dulot sa bulsa ko" pakiusap ni Tyler. "Hah! sa-sa-b-bulsa mo?"natarantang sabi ni Erika. "Yes, dont tell me, hindi ka sanay dumukot?Nakatitig na tanong sa kanya ni Tyler. Alam ni Erika na pabiro o nagiging honest lamang ang lalaki sa kanya pero pakiramdam ni Erika isa na naman iyong insulto sa kanya. Napayuko na lang siya. Wala siyang karapatang magreklamo lalong wala siya sa posisyun para mag inarte. Ano bang inaasahan niyang magiging trato nito sa kanya eh simula't simula pa lamang ay binabargain na niya ang katawan niya dito. Mababang uri siyang babae. "Sige, sandali at dudukitin ko. Dyan ako magaling eh sa dukutan at kapaan sir," sabi na lamang ni Erika na inalis ang pait sa tono at ginawang parang joke ang lahat. Pero nakita niyang sumeryoso ang mukha ni Tyler. Sa tulong ng mga anito at ligaw na kaluluwang kinapitan ni Erika para sa lakas ng loob, mabilis naman niyang nakapa ang talong este ang susi sa bulsa ni Tyler. Malalim kase pala ang bulsa ng maong nito kaya pala mahirap kapain ang laman bukod pa sa masikip ang suot nitong jeans. Kung tututusin wala naman nakapang iba pa si Erika pero sa isipan niya ay may mga naglalarong samot saring ilusyun na kanya na lamang. Walang hagdan ang bahay pero malawak. Hindi naman nakita ni Erika ang kabuuhan dahil madilim. Malamlam na ilaw lang sa sulok sulok ng kesame ang bukas. Pero malayo ang nilakad nila para makarating sa silid. Para siyang batang paslit na nakahawak sa dulo ng polo ni Tyler habang buhat nito ang anak niya. Sa palagay ni Erika ay sa dulo sila dinala ni Tyler. Eto na ang nag bukas ng pinto saka ito tuloy tuloy na pumasok na hindi man lang binuksan ang ilaw kaya tuloy nangapa si Erika. Pakapa kapa na lamang na sumunod si Erika hanggang makarating siya ng kama. Saka biglang lumiwanag. Binuksan pala ni Tyler ang lampshade sa tabi ng kama kaya nasilayan ng lalaki ang pagkagulat ng mukha niya. "What? Why are you so pale? Bakit parang takot na takot ka sa liwanag Erika? Oh, so you want it light off pala," sabi ni Tyler na ngumisi. Matapos kumutan si Dos ay lumapit sa kanya ang lalaki at tumayo sa harap niya. Biglang nagtunugan ang mga alert hormones ni Erika pero biglang ring nagtunugan ang alarm ng kampana ng simbahan sa tenga niya. "Heto na ..Heto na ahhh haaaa, dubido bido bidobido" awit ni Erika. Masaya siyang maniningil agad ang lalaki. Bagamat nenenerbios ay sapat na indikasyun lang iyon na totohanan ng may sponsor ang anak niya. Sa sandaling patusin ng lalaki ang pang uuto niya, magkakaroon na siya ng karapatang mag demand dito, kahit wala silang kasulatan. Agad umayos ng upo si Erika pagkatapos ay biglang hinablot ang unan at inilagay sa paanan pagkatapos ay lumuhod doon. Saka mabilis na kinalas ang sinturon ni Tyler. Ibababa na sana niya ang zipper ng pantalon nito ng hawakan ni Tyler ang kamay niya. "What are you doing!?" Bulong ni Tyler. "Uhm, sorry Sir medyo mabilis ba? rough ba ang dating? Okay, sige dadahan-dahanin ko na po," sagot ni Erika na. Hinimas niya ang ilalim na bahagi ng punja ni Tyler na ikinanigas naman nito saka niya dahan-dahan na ibinaba ang zipper ng pantalon ng lalaki. Napatingala si Tyler ng himasin ni Erika ang ilalim ng kanyang punja sapol ang dalawang christmas balls ni Hercules na gustong gusto ng mag umpugan. Ang kilabot na nararamdaman niya sa dahan-dahang pagbaba nito ng kanyang zipper ay nagdudulot sa kanyang ng fruit salad na emotion. "Bakit may ganitong epekto sa kanya si Erika? Bakit parang ayaw niya itong tangihan? Samantalang nagagawa naman niya sa iba? Bakit kinasasabikan niya ang bawat himas nito? samantalang wala naman especial dito? "And the woman is a hooker for Christ's sake. Hindi siya ganoon katigang!" Sa isip isip ni Tyler. Biglang na alerto ang binata ng mabukas na ni Erika ang zipper ng kanyang pantalon at ngayon ay hinihimas na nito ang ibabaw ng kanyang brief kung saan unti unting nagigising ang dragon. "Stop!?" Biglang inalis ni Tyler ang kamay ni Erika sa ibabaw ng kanyang nabubuhay ng anaconda.Saka mabilis niyang isinara ang pantalon pero hindi na nag aksayang isara ang sinturon. Sa malamlam na liwanag ng ilaw ng lamp shade nakita niya ang takot at pagkapahiya sa mukha ni Erika. Punong puno ng anxiety ang babae at nababalot ng pagaalala ang buong mukha. Bigla siyang nakaramdam ng awa dito. "Not in front of your son, Erika? Mag isip ka naman minsan. Magpahinga ka na." sabi ni Tyler. Ewan niya pero sumama ang timpla niya na ginagawa ito ni Erika para makabayad agad. Lumakad si Tyler patungo sa pinto pero sumunod bigla si Erika. Isang hakbang na nagbigay kay Tyler ng kakaibang apoy at init ng damdamin lalo na ng pigilan ni Erika ang braso niya na buksan ang saradong pinto. Bigla niyang hinablot si Erika at naisandal niya sa dingding ng silid. Saka niya dinaganan na halos sing nipis na lamang ng papel ang pagitan ng mga labi nila. Mahabang katahimikan ang namayani. Lumaban ng titigan si Erika. Si Tyler din ay titig na titig kay Erika. May nilalabanang pakiramdam si Tyler, may iniiwasang bugsong alam niyang pagsisisihan niya. May damdaming alam niyang hindi niya kayang tanggapin. Pero ang mga mata ni Erika ng mga sandaling iyon ay nangungusap,nagmamakaawa, nanghihingi ng assurance at naghahanap ng kapayapaan at hindi iyon kayang tiisin ni Tyler. Ang mga matang iyong ay hindi niya kayang tangihan. Unti unting bumaba ang mukha ni Tyler na nanatiling nakatitig kay Erika hanggang sa tuluyang bumigay ang rumaragasang damdaming pinukaw ni Erika kanina pa. Lumapat ang mga labi ni Tyler sa naghihintay na labi ni Erika. Hindi pinalagpas ni Erika ang tagpong iyon. Pagkakataon na niya iyon upang maging malalim ang konektion niya dito, para kay Dos..Kailangan niyang maakit ang lalaki para sa kaligtasan ni Dos. Pinalalim ni Erika ang mga halik, sinikap na maging kaakit-akit atmasarap, malinamnam at nakaka torete ng utak ang kanyang mga halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD