"s**t talaga, Sabi ko Okay na. Oo na, sige na damn it, I can't believe I'm doing this!" Sabi ni Tyler.
"Weeh! eh bakit may pagsisi sa dulo aber?sige bibigyan kita ng last two minutes. Laban o bawi ?" sabi ni Erika.
Pero ang mga daliri ni Erika ay pinagsalikop niya crossing her finger na sana ay hindi magbago ang isip ng lalaki. Hindi sumagot si Tyler bagkos ay bumaba ng sasaktan, tumawid sa gawi ni Erika at pinababa siya saka siya hinatak pabalik ng bahay niya.
"Paktay na, nauntog ata at natauhan na ata. Anak ng, pagminamalas ka nga naman talaga." sabi ni Erika na biglang nawalan na ng pagasang. Inihatid siya sa pinto ng lalaki, marahil nagbago na nga ang isip nito, sayang talaga.
"Two minutes is up. Now, pack your things at doon kayong magina sa bahay ko pansamantala, doon ka magbayad, may kuwarto doon para hindi nakikita ng bata." sabi ni Tyler na itinulak si Erika papasok loob.
"Anu yun?Teka tama ba ang narinig ko?Anong gimmik 'to?" nalilitong tanong ni Erika.
"Just do what I say," derektang sabi nito.
Pagpasok ni Tyler sa bahay ay dumeretso ito sa silid kung nasaan si Dos. Sinuotan ng jacket ang bata at binuhat saka isinakay sa kotse sa back seat. Pagkatapos ay muling bumalik sa loob ng bahay at tinulungan si Erika.
"Teka lang Sir, seryoso ba ito? Huwag mo naman kaming pagtripan, Sir."
"Mukha ba akong clown sayo? Wala akong panahon sa mga ganyan, Erika. Now pack your belongings!" seryoso pero mahinahon na sabi nito.
"Konting damit na lang ang dalhin mo at yung mga record ni Dos sa hospital. I can provide you with everything pagdating doon.Ipamili ko din kayo ng pajama dahil malamig na ang panahon at bawal kay dos ang papuyat ala mo ba yun." sabi nito.Nalilito at naguguluhan man ay kumilos si Erika at nag impake. Isang lumang Jan sport Bag at isang eco bag ng SM ang napuno nilang mag ina. Kinuha iyon ni Tyler at inilagay sa compartment.
"Pansamantala, i lock mo muna ang bahay nyo. Doon muna kayo ni Dos sa bahay ko habang naggagamutan at habang nagbabayad ka sa akin." tumitig ng mariin si Tyler kay Erika. "Kailangan ni Dos ng sariwang hangin, pagkain at maasikaso ng mabuti. Hindi pwedeng iniiwan ang bata gabi gabi. Ang sabi ko tutulungan ko kayo at kasama doon ang lahat ng kailangan nyo kaya hindi mo na kailangan lumabas para dumiskarte ng pera Erika. About my terms and condition sa bahay ko na idedetalye." sabi pa nito at kinuha kay Erika ang isa pang plastic bag na hawak nito. Saka inakay si Erika papasok ng sasakyan.
Tahimik sa buong biyahe ang dalawa. Si Dos naman ay walang kamalay malay na tulog lamang sa likod. Paminsan-minsan ay nililingon ni Erika ang lalaking abala sa manibela, para itong anghel na hulog ng langit, parang aparisyun na nagsasabing Jesus is alive. Ngunit binabagabag si Erika sa nangyayari, bukod sa napakabilis ay parang panaginip pa. Natatakot siyang baka nga panaginip lang.
"Tao ako hindi Alien, kanina ka pa pasulyap sulyap dyan. Ano? iniisip mo bang nababaliw na ako o sinapian ng mabuting ispirito?Iniisip mo bang baka nananaginip ka lang, tama ba?" sabi sa kanya ni Tyler na nahuli siyang nakatingin dito. Tumango tango si Erika, ngumiti naman si Tyler.
"Try to relax and take a nap, Erika, makikita mo pag gising mo totoo pala. Malayo pa tayo sa bahay ko kaya pwede ka pang umidlip." bilin nito sa kanya
Malayo nga ang nilalakbay ng sasakyan nila at sa toto lang pagandar pa lang ng kotse ay para ng dinuduyan sa antok si Erika at ang lamig ng aircon at malamyos na musika mula sa stereo ng sasakyan ay nagpahinahon sa dibdib ni Erika, nagdudulot ito sa kanya ng kapayapaan. Pati nga mata niya gusto ng pumikit sa sobrang payapa ng kanyang pakiramdam. Hindi niya alam ang plano ng lalaking katabi. Pero kung anuman iyon handa siyang harapin basta ang kapalit ay ang pangako nitong pagdudugtong ng buhay ng anak niya.
Ang tanging nais lang naman talaga niya ay ang huwag yurakan ang pagkatao niya. Awa, pwede namang hingiin yan pero kung may kapalit kang magagawa mas mabuti para hindi ka binabalahura, katwiran pa ni Erika. Kung tutupad ang lalaki sa usapan na gagastusan ang gamot ni Dos. kahit oras oras pa siyang kailanganin nito sa kama, wala siyang pakialam. Kung kinakailangan baliin niya ang pader na itinayo sa sariling pamantayan ay gagawin niya. Ano pa bang mawawala? Payag nga siyang pumik-up lang ng kong sino kahit alam niyang ang iba ay tatawad pa at babaratin siya, ngayon pa ba siya mag iinarte.
Magmula ng matapos ang relasyon ni Erika sa may asawang ginawa niyang sandalan para sa anak ay hindi na muling sumilip si Erika sa maruming nakaraan. May matindi siyang pinagdaanang dagok at salamat sa pagaalaga ng isang kaibigan at nakaraos siya bagamat maraming nagbago at maraming hindi niya maintindihan ay nagpapakatatag si Erika dahil magisa lamang siya ngayon ar kailangan siya ni Dos.
Sa layo ng binabagtas nila malamang aabutin ng gabi kaya maige pa nga na ipikit na muna niya ang mga mata dahil baka mapagod siya mamaya." Bulong ni Erika, naisip kase niya na baka maningil agad ang lalaki mamaya. May munting excitement na kumawala sa damdamin ni Erika at hindi niya napigilang mapangiti kaya ipinikit na lamang niya ang mga mata at isinobsob ang mukha sa gilid ng pinto ng kotse ni Tyler.
Samantala...
Abala naman ang kamay at mata ni Tyler sa manibela at kalsada. Hindi niya maiwasang sulyapan ang mahimbing na babae sa nakatulog na sa tabi niya. Natutuwa siyang pumayag ang babae, pero may pag aagam agam si Tyler.Hindi niya gustong magtanim ng ganitong scenario sa babae. Hindi niya gustong kaya sila naguusap ay dahil sa iniisip nitong dapat ay may kapalit lahat.
"Gusto kong bawat halik niya ay pagmamahal...!" Napaapak si Tyler sa preno dahil sa huling naisip.
"Pagmamahal? Saan galing yun? Are you in love with a hooker?" Sita ni Tyler sa sarili pero hindi na niya nagawang makipagtalo pa dahil nagising si Erika dahil sa pabigla niyang preno.
Nabigla naman si Erika sa biglang preno ng lalaki at muntikan pa siyang masobsob sa side door ng kotse. "Bakit? may nadale ka ba?nakabangga ka ba? Inantok ka ba?" May pagaalalang tanong ni Erika. "Okay ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni Erika sabay hawak sa mukha at noo ni Tyler dahil baka nasobsob ito sa biglang preno. Kinakilabutan naman si Tyler at lalong nalito sa damdamin niya. Bakit dampi lang ng babaeng ito sa noo niya ay para na siyang sumabit sa live na electric wiring.
"Sh*t!!" Sabi ng binata at hinili sng kamay ni Erika, pinigilan ito na magpatuloy sa paghaplos sa mukha niya dahil baka bigla naman niya itong mahalikan. Pero iba na naman ang naging kahulugan nito sa babae.Nakita niyang nalungkot ito at biglang binawi ang kamay.
"Pasensya na. Huwag kang magalala walang STD ang mga kamay ko." sabi ni Erika, sabay bumalik sa pagkakayokyok sa pinto.
"That's not what I mean, hala! damn it..!! Bakit ba lahat sayo may meaning...!" Sabi ni Tyler pero tulog na ulit ang babae kaya muli na lang niyang pinaandar ang kotse at muling binagtas ang madilim na daan.
"What is wrong with you, man? You're a 101 percent idiot, dude!" Sabi ni Tyler sa sarili habang mahigpit ang hawak sa manibela at panay ang sulyap kay Erika.
Sa isang magarang bahay sila huminto bagamat malalim na ang gabi dahil sa malakas na ilaw sa poste at mga munting ilaw sa toktok ng pader na nakabakod sa bahay ay alam ni Erika na malaki at magara ang bahay na hinintuan nila.