Chapter 3

2542 Words
Unedited Ilang minuto na rin ang lumipas nang makaalis si Luis ngunit nanatili pa ring nakatunganga at nakatayo si Sophia sa labas ng clinic ng binata at siya namang paglabas ng sekretarya nito. "Ma'am? Aalis na po ako. Kayo po?" pukaw ng babae sa naglalakbay niyang diwa. "H--huh? A--okay. Sige miss. Aalis na rin ako." Ani Sophia na bahagyang lumingon sa kanan niya kung saan nakatayo ang sekretarya. Humakbang na palabas si Sophia ng building. Hindi paman ito nakakalayo ay muli niyang nilingon ang sekretarya na nakasunod sa kanya sa 'di kalayuan. May kausap ito sa cell phone at halata ang galit sa boses nito. Nang mapansing nakaharap si Sophia sa kanya, agad itong napahinto sa paglalakad sabay baba ng hawak niyang cell phone. "Matagal ka na bang nagtatrabaho sa kanya?" tanong ni Sophia nang nakangiti. "M--medyo po. Bakit niyo po naitanong?" Sa halip na sagutin ang tanong ng babae, niyaya niya itong sabayan siyang kumain ng hapunan. Nag-aalangan man nang una, ngunit napapayag din niya ang sekretarya nang marinig niyang tumunog ang tiyan nito. "I'll take that as a yes." Nakangiti niyang sabi. Sakay na sila ng isang kulay puti na taxi nang tanungin ni Sophia ang sekretarya. "Saan tayo Kakain? Medyo bago pa lang kasi ako rito kaya wala akong alam na puwede nating puntahan," "May alam po ako, ma'am. Masarap po roon. Dinala kasi ako ni doc. Luis, doon dahil birthday ko," sagot naman ng sekretarya. It give a smile on her face nang marinig ang sinabi ng babae. Hindi pa rin nagbabago si Luis. Maalalahanin pa rin ito. Isa sa mga katangian ng lalaki na nagustuhan at minahal niya. "Sige, ro'n na tayo pumunta." Pagdating nila sa tinutukoy na kainan ng babae, napatulala si Sophia nang makita ang pamilyar na lugar. Lugar iyon kung saan siya unang dinala ni Luis na kung saan naghayag ng kanyang damdamin ang binata. Magkaibigan sila at alam ni Luis na ayaw na ayaw niyang may magkagusto sa kanya ni isa sa mga kaibigan nila. "D---dito ka dinala ng boss mo?" nauutal niyang tanong nang makababa na sila ng taxi. "Yes ma'am. Bakit po?" kunot-noo namang tanong ng sekretarya. "W--wala. Halika na. Pumasok na tayo at gutom na gutom na talaga ako." Pagpasok nila, agad silang iginiya ng lalaking waiter na nakasuot ng itim na pantalon at longsleeve patungo sa cubicle na may pandalawahang mesa. Nasa tabi iyon ng malaking bintana na salamin. May iilan na ring nakaupo roon. Maganda ang ambiance ng restaurant. Mellow ang music na pinapatugtog. Kulay chocolate brown ang maliit na mesa sa gitna habang may nakabitay namang maliit na ilaw na nakatutok sa mesa. Seafoods and Steak naman ang main menu ng restaurant. "Medyo mahal po rito ma'am. Okay lang po ba talaga sa inyo na sumabay ako?" nag-aalangang tanong ng babae matapos makita ang presyo ng mga pagkain. "Pumili ka lang ng kahit na ano'ng gusto mo. Forget the price. Hindi ka mabubusog kapag iyan ang tinitingnan mo." Ani Sophia na sa menu pa rin ang ang atensyon. Pagkatapos nilang maka-order, nagpaalam na pumunta ng banyo ang sekretarya. Naiwan naman si Sophia na pilit binalikan ang masasayang araw nila ni Luis. Lalo na ang pagtatapat nito sa kanya. "Luis! Saan mo ako dadalhin?! Hahanapin tayo nina Franco!" naiinis na sambit niya nang bigla na lang siyang hilain ni Luis. Papasok na siya noon sa isang restaurant kung saan magkikita ang buong barkada nila dahil kaarawan ni Franco. Nakita niyang hindi mapakali si Luis sa labas ng restaurant. Panay ang lakad nito back and forth. "Ako na ang bahala kay, Franco. Basta sumama ka lang sa akin sandali." Sagot nito nang pareho na silang makapasok sa kanyang kotse. Kunot-noo namang ikinabit ni Sophia ang seat belt nito. Nagmamadali na pinaandar agad ni Luis ang kotse at pinasibad na akala mo naman ay may humahabol sa kanila. "Luis! Mababangga tayo sa ginagawa mo! Hinay-hinay lang!" Sigaw ni Sophia habang mahigpit itong kumakapit sa kanyang upuan. Nilingon siya ng binata. Halata ang takot sa mukha nito. "Sophia? Okay ka lang?" Nanginginig na sa takot si Sophia. Malaki ang takot niya sa sasakyan lalo na kapag mabilis ang takbo nito. Bata pa lang kasi siya nang maaksidente ito. Nahulog ang kotse na minamaneho ng kanyang papa sa bangin. Mabuti na lang at hindi iyon gaano kalalim. Papunta sila noon sa field trip niya. Tinanghali kasi siya nang gising kaya napag-iwanan na ito. Kaya naman inihatid na lang siya ng kanyang papa. Simula noon, nagkaroon na siya ng phobia sa sasakyan. Mabuti na lang at unti-unti niya itong nalabanan. Ngunit bumabalik pa rin paminsan-minsan. Naging mabagal ang takbo ni Luis nang makita niyang mariin na nakapikit si Sophia habang nanginginig ito. "s**t!....sorry, Sophia. Nakalimutan kong may phobia ka sa kotse. Sorry baby." Ani Luis saka ginagap ang kamay ng dalaga na mahigpit pa rin ang kapit sa gilid ng upuan. Hindi kumibo si Sophia. Tahimik lang ito sa kinauupuan niya habang ang mga luha naman niya ay walang patid ang daloy. Alas siyete na nang gabi nang dumating sila sa isang restaurant. "Nandito na tayo." Ani Luis pagkatapos niyang mag-park. Nag-angat ng ulo si Sophia. Nilibot ng paningin niya ang kinaroroonan nila. Tahimik sa lugar na iyon. Parang ang sarap lang mag-relax doon. Na unang bumaba si Luis saka siya pinagbuksan ng pintuan. Pagkatapos tanggalin ang kanyang seat belt ay agad din siyang lumabas. "Nasaan tayo?" tanong niya nang iginiya na siya ni Luis papasok sa restaurant. "It's my family's business." Sagot naman ni Luis saka siya sinulyapan. Kilala ang pamilya ni Luis sa larangan ng midisina. Halos lahat ng pamilya ng lalaki ay mga doctor. Mula sa lolo nito sa side ng kanyang ama. Nurses at teachers naman sa side ng kanyang ina. At siya naman ay nagbabalak din na pumasok sa pagiging doctor sa mata. Sinalubong sila ng isang lalaking waiter saka dinala sa cubicle na pandalawahan. Chocolate brown ang kulay ng mesa habang sa gitna naman ay may maliit na ilaw na nakasabit at nakatuon sa gitna ng mesa. Tama lang na hindi nila masagi sa tuwing tatayo sila. Nang makaupo na, hinayaan na lang ni Sophia na ang lalaki na ang um-order ng kakainin nila. Wala siyang alam sa lugar na iyon. At dahil family business naman ng binata ay sigurado siyang alam na nito ang mga pagkain doon. Pagkatapos makuha ng waiter ang kanilang order, umalis din agad ito. "Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. "Bakit mo ako dinala rito?" sa halip na sagutin ay tinanong niya rin ito. Huminga muna nang malalim si Luis saka mataman siyang tinitigan. Nagbawi naman agad siya ng tingin dahil sa hindi maipaliwanag na emonsiyon ang nakikita niya sa mga mata ng kaibigan. Aminado si Sophia sa sarili na may damdamin siyang pilit binabalewala para sa lalaki. Ayaw niyang mabahiran ng hindi maganda ang pagiging magkaibigan nila ni Luis. At nang mga oras na iyon tila nababasa niya ang emosyon na katulad ng nararamdaman niya sa mga mata ng lalaki. Ngunit ayaw niyang mag-assume. Ayaw niyang umasa na may kakaibang nararamdaman din ang kaibigan para sa kanya. "Pero bakit niya ako tinawag na baby kanina?" pagkausap niya sa sarili. "Baby." Rinig niyang sambit ni Luis dahilan para kabahan ito. May kakaiba sa pagtawag nitong baby sa kanya. Malambing na tila isa nga siyang sanggol na dinuduyan sa matipunong bisig ng kaibigan. "L--Luis." Sambit niya nang ginagap ni Luis ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa mesa saka mahigpit iyong hinawakan. Hawak pa lang sa mga kamay niya ay tila binabayo na ang kanyang puso. Ang lakas ng t***k no'n. Baka nga kapag gumawa pa ng ibang hakbang si Luis ay baka lumabas na sa kanyang ribcage ang kanyang puso. "Hindi ko alam kung paano magsisimula. Pero isa lang ang alam ko. Mahal kita higit pa sa pagiging magkaibigan natin, Sophia. Wala na akong pakialam kung pagkatapos nang gabing ito ay hindi mo na ako papansinin kagaya ng ginagawa mo sa mga lalaking nagpapahiwatig sa 'yo ng mga nararamdaman nila. I know, it may sounds unbelievable but---I love you. Noong una kitang makita na nagpakilala sa harapan naming lahat, nasabi ko sa sarili na, ikaw na 'yong matagal ko ng hinihintay. Ang babae na sa unang beses na nagtama ang mga mata natin ay nagkaroon na agad tayo ng koneksyon. Koneksyon na tanging tayo lang ang may alam." Kumurap-kurap si Sophia. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niyang pag-amin ni Luis. Tama nga si Luis, ganoon din naman siya. Transferred student siya from Canada. Fourth year high school na siya pagdating sa Pilipinas. Ito nga ang una niyang napansin habang nagsasalita siya sa harapan. Ang nangungusap na mga mata ng lalaki. Napaka expressive ang kulay brown na mga mata ni Luis. Sa isang tingin lang ay malalaman mo na kung galit o masaya ito. Clean cut lagi ang gupit nito na mas lalo pang nagpadagdag sa kaguwapuhan niya.May perpektong hugis ng ilong at pantay-pantay ang mapuputi nitong ngipin na halatang alagang-alaga ng dentist. Sa murang edad niya, maganda na ang pangangatawan nito dahil na rin sa mahilig ito sa iba't ibang klase ng sports at linggo-linggo pang nasa gym. "L--Luis? M--mahal mo ako?" nauutal na ulit niya sa sinabi ng binata. "Okay lang kung hindi mo man kayang suklian ang pagmamahal ko, Sophia. Ang mahalaga sa akin, nasabi ko sa 'yo ang nararamdaman ko. Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo sa akin." "L--Luis." Wala ng ibang lumabas na salita sa bibig ni Sophia kundi ang tanging pangalan na lang ng lalaki. Dumating ang kanilang order kaya binitawan na ni Luis ang mga kamay niya. May pagtutol sa kanyang puso ng bitawan siya ni Luis. "Enjoy your dinner, sir, ma'am." Saad ng waiter bago tuluyang umalis. Nang makaalis ang waiter, pinaghiwa na ni Luis ang dalaga ng steak na in-order nila saka iyon ibinigay sa kanya. "Let's eat habang mainit pa." Matamis ang mga ngiti nitong nakatitig sa kanya. Nakita niya kung gaano ka saya ang kaharap. Nakangiti pati ang mga mata nito. "Thank you," ani Sophia. "You're welcome, baby." Sagot naman ni Luis bago sumubo ng hiniwang karne ng baka. Muntikan pa siyang mabulunan dahil sa tinawag na naman siya nitong baby. Kakaibang ligaya ang hatid no'n sa puso niya. Gustong-gusto niya ang pagtawag ni Luis sa kanya ng baby. Habang kumakain, hindi napigilan ni Sophia ang mapangiti na ipinagtaka naman ni Luis. Kanina lang ay parang natuka ito ng ahas dahil wala ng ibang lumabas sa bigbig niya kundi ang pangalan lang ng lalaki. At ito siya ngayon parang baliw na bigla na lang natatawa. "Sophia? May nakakatawa ba?" tanong ni Luis sa kanya. Parang musika sa pandinig ng binata ang pagtawa ng dalaga kaya napangiti na rin ito. "Nothing baby. Kailangan ko na yatang masanay sa baby at hindi na sa, Sophia," aniya sabay kindat sa kaharap. Gulat at wala sa loob na binitawan ni Luis ang tinidor na hawak nito. Nagpunas siya ng mga labi saka tumayo at tinabihan ang dalaga. "Baby?" sambit niya sabay kuha ng dalawang kamay ng dalaga. "Yes, baby?" sagot naman ni Sophia na sadyang pinapungay pa ang mga mata. Walang pasabi na siniil ng halik ni Luis ang mapupulang labi ng dalaga na ikinabigla naman ni Sophia. Ngunit panandalian lang ang pagkabigla nito. Kusa ng gumalaw ang kanyang mga labi upang tungunin ang halik ng kaibigan. Ay hindi, nobyo na pala niya. Bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip ni Sophia nang makaramdam ito ng baghayang pagyugyog sa mga balikat niya. Nakita niya ang sekretarya ni Luis na kunot-noong nakatayo at nakatitig sa kanya. "Ma'am? Okay lang po kayo? Kanina pa po kayo nakangiti riyan," nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Okay lang ako. Sige na. Kumain na tayo. Nandito na pala ang pagkain natin." Nakangiti pa rin niyang sagot. "Kanina pa po ma---" "Sophia. Ate Sophia na lang ang itawag mo sa akin," putol niya sa sasabihin ng babae. "Nakakahiya naman po. Pero sige po. Gusto ko rin na may ate ako. Ako naman po Janah Salvacion. Twenty two years old. Single but not available." Nakangiting saad ng dalaga. "Ganoon? Dapat sinabi mo na lang na taken ka na," Bahagya tumawa ang dalaga. "Kailangan ko po munang alagaan ang mama ko. Saka na ang boyfriend-boyfriend na 'yan. Sana nga madala ko rin balang araw si mama rito. Pero ang mahal kasi ng pagkain dito." Humanga si Sophia kay Janah. Sa murang edad ay kinabukasan na ng kanyang pamilya ang iniisip nito. Hindi katulad ng ibang kabataan ngayon na halos lahat ay nasa galaan. Wala na siyang ama at silang mag-ina na lang ang magkasama. Maagang namatay ang ama nito dahil din sa sakit. At ngayon may sakit din ang kanyang ina. "Gusto mo ba talagang dalhin ang mama mo rito?" Napatigil sa pagsubo ang dalaga saka tiningnan si Sophia. "Bakit po ma'am?" "May iaalok ako sa 'yo kapalit niyon ay ang pagdala ko sa mama mo rito." Ani Sophia sa kanya. Pagkalipas nang isang oras, lumabas na sila ng restaurant. Binigyan ng pera ni Sophia ang dalaga upang mag-taxi na ito pauwi ng makarating agad sa kanila. Wala pa namang kasama ang ina nito sa bahay nila. Pinagbalot din niya ito ng pagkain para sa ina ng dalaga. Pumayag na rin ito sa kahilingan niya. *** "Tarantado ka! Kapag may nangyaring masama sa aso ko, ikaw ang gagawin kong aso!" bulyaw ni Hector kay Luis nang pagbuksan niya ito ng pintuan. Hindi iyon pinansin ni Luis at dere-deretso lang itong pumasok sa bahay ni Hector. Ito lang kasi ang available sa mga kaibigan nila kapag gabi. 'Yong iba, naglipana na sa kung saan-sang bar sa Manila. Pabagsak na umupo sa malawak at kulay puting sofa si Luis habang niluluwagan ang pagkakatali ng kulay blue nitong necktie. "Pinuntahan niya ako sa clinic kanina," "Sino? Si Sophia?" Tumango lang si Luis at mariing ipinikit ang mga mata sabay lapat ng likod sa sofa. "Ano'ng sabi niya? Tinanong mo ba kung bakit bigla na lang siyang nawala?" "Hindi pa ako handang makinig sa mga sasabihin niya." Sagot ni Luis saka huminga nang malalim. Hindi na nagtanong pa si Hector. Siguro maaga pa para mag-usap ang dalawa. Saksi silang lahat sa paghihirap ng kaibigan. Kulang na lang gawin nilang dexterous ang alak at ikabit iyon kay Luis. Lasing ito araw't gabi. Hindi nakikinig kahit kanino maliban na lang sa bunsong kapatid nito. "Kumain ka na ba?" pagkuway tanong ni Hector na sinabayan na ang nakasandal na kaibigan sa malawak na sofa. "Tapos na. Uuwi rin ako mayamaya." Sampung minuto ang lumipas na nakaupo at nakapikit lang ang magkaibigan sa malawak na sala ng bahay ni Hector nang biglang tumunog ang cell phone ni Luis. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kanyang pantalon. Unregistered ang natanggap niyang mensahe. Tinatamad na binasa niya iyo. Bigla siyang umupo nang maayos pagkatapos basahin ang text message na natanggap mula sa isang unregistered number. "Saan naman niya nakuha ang number ko?" "Si, Sophia ba 'yan?" tanong ni Hector na nakapikit pa rin sa tabi niya. "Yes. And she's asking kung puwede kaming mag-usap na dalawa. Magpaliwanag daw siya. Akala naman niya gano'n lang kadali? Puwes, magdusa siya." Nagtatagis ang mga bagang na saad ni Luis. Itutuloy____ Vote and comment kayo guys. Please. Love... Love... iamdreamer28 ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD