A/N: Thank you, baby Nicole. Ginamit na ni ate dreamer ang mga gawa mo.
Unedited
Nakahiga si Sophia sa loob ng dati niyang kwarto. Malawak iyon at may balkonahe na ilang hakbang lang mula sa queen size bed nito na nasa gitna ng silid. Alas onse na ng gabi ngunit dilat pa rin at wala yatang balak pumikit ang bilugan niyang mga mata. Nilibot ng paningin niya ang dating kwarto na mayroong purple and white combination.
“Pasensya ka na huh, kung pansamantala man kitang kinalimutan.” Pagkausap niya sa larawan nila ni Luis na nakasabit sa gitna ng dalawang may katamtaman ang laki na bintana ng kanyang kwarto.
Pangalawang gabi pa lang niya sa Pilipinas, ngunit para sa kanya, ang bilis lumipas ng mga araw. Alam niyang hindi magiging madali ang gagawin niyang pakikipag-uusap kay Luis. She is expecting the worst scenario sa oras na magkita sila ng dating nobyo. At hindi nga siya nagkamali.
Pero balewala sa kanya ‘yon. Ang mahalaga, mapapakiusapan niya lang itong makinig muna sa paliwanag niya. Umaasa siya na kapag nalaman na ng binata ang totoong nangyari sa kanya, mapapatawad na siya nito. Mabuti na lang at napakiusapan niya ang sekretarya nito kanina habang kumakain sila.
“Dadalhin natin ang mama mo rito. Pero sa isang kondisyon?” ani Sophia sa dalaga habang kumakain sila.
Napatigil sa pagsubo ang kaharap. “Nakakatakot naman kayo ma’am.”
Ngumiti lang si Sophia sa sinabi ng dalaga. Gagawin niya lahat, kausapin lang siya ni Luis. Kahit pa gamitin niya ang sekretarya nito ay gagawin niya.
“Ano naman po ang gagawin ko?”
“Ganito. Makinig ka. Sabihin mo lahat sa akin kung ano ang schedule ng boss mo. Lahat ng tungkol sa kanya sa abot ng makakaya mo. Kapalit no’n ay ang pagdala ko sa mama mo rito,” seryosong saad niya.
“Bakit niyo po gustong malaman kung ano ang nangyayari kay doc. Luis? Kaano-ano niyo po ba siya?” nagtatakang tanong ng kaharap.
Huminga muna nang malalim si Sophia bago sinagot ang dalaga.
“Sabihin na lang natin na ako ang dahilan kung bakit laging mukhang biyernes santo ang boss mo.” Aniya saka uminom ng orange juice.
“Ikaw po ang dati niyang girlfriend?!” namilog ang mga mata na saad ng dalaga.
Ngumiti nang bahagya si Sophia. “Yeah. Maybe dati na nga.” Saad niyang pinagdiinan ang huling salita. “So, may alam ka rin pala tungkol sa akin?” pagpapatuloy niya.
“Wala naman po. Naririnig ko lang na usap-usapan ng mga kapitbahay.” Nahihiyang sagot ng dalaga.
Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa maubos ana kanilang in-order. Napa dighay pa ang sekretarya sa sobrang kabusugan. Maliit na babae pero kung kumain naman ay napalakas. Hindi nga naubod ni Sophia ang parte nito.
“Ma'am? Huwag niyo po sanang mamasamain ang itatanong ko. Curious lang po,” ani ng sekretarya habang naghihintay sila ng taxi sa labas ng restaurant.
“Go on. Ano ‘yon?” nakangiti niya itong sinulyapan sa kaliwa niya.
“Hhhmmm… okay lang po ba kayo? ‘Yong paglalakad niyo po kasi, napansin ko lang,” saad niya saka bahagyang sinilip ang mukha ni Sophia na panay ang libot ng paningin kung may paparating na bang taxi.
Sinulyapan niya ito bago sinagot. “I’m wearing an artificial leg.” Sagot niya sabay kaway sa taxi na paparating.
Nakaawang ang bibig ng sekretarya ng muli niya itong sinulyapan. “Hey! Okay ka lang? Naghihintay na ang taxi sa ‘yo. Saka close your mouth. Baka pasukan ‘yan ng langaw.” Nakangiting saad ni Sophia na bahagyang tinapik ang balikat ng dalaga.
“Gabi na po ma’am kaya wala ng langaw.” Sagot naman nito bago naglakad patungo sa taxi na naghihintay na sa kanya.
Nang makapasok na ito, binuksan niya ang bintana ng taxi saka kumaway kay Sophia. “Ingat po kayo ma’am. Ako po ang bahala kay doc. Luis, sungit.” Nakangiti niyang saad bago tuluyang umalis ang taxi na sinasakyan nito.
Nakangiti na pinara ulit ni Sophia ang isa pang taxi na dumaan sa harapan niya.
“I will do anything, baby. Kausapin mo lang ulit ako.” Saad niya sa sarili bago muling sinubukang pumikit.
Kinabukasan, hindi magkandarapa si Cecilia. Kinakabahan na excited siya sa unang exhibit nila ng kanyang mga estudyante. Halos hindi na nga ito natulog dahil sa kakaisip niya exhibit na magaganap. Idagdag pa ang pagkikita ulit ng kaibigan niya at ang dating nobyo nito. Hindi magtatagal malalaman na rin ni Luis na sinadya talaga niya ang mapalapit dito para sa kaibigan. Bunos na lang na kaibigang din ito ng asawa niya na isa ring doctor kaya naman hindi na siya nahirapan na mapalapit dito.
Sa isang atrium ng malaking mall gaganapin ang exhibit. Nakasabit sa isang board kung saan kasya ang limang paintings ng kanyang mga estudyante. May inilagay rin siyang ilan lamang sa mga ginawa niya at ng kanyang anak na si Nicole. Ang bawat sentimo na kikitain ng exhibit ay mapupunta sa charity na napili ng mga estudyante niya. Ang home for the blind na isa rin sa mga charity ni Luis.
“Ang aga mo ah!” Aniya saka nakipag beso-beso sa kaibigan na kakarating lang.
“Seyempre! Gusto kong makatulong. Congratulations, Cecilia. Alam kong isa ito sa mga pangarap mo. Sa wakas! Matutupad na rin,” saad niya habang nakayap sa kaibigan.
“Salamat, Sophia. Halika. May ipapakita ako sa ‘yo.” Kumawala siya sa pagyakap sa kaibigan.
“Ano naman iyon?” kunot-noo niyang tanong sa kaibigan.
Ngumiti lang si Cecilia na napakagandang tingnan sa suot niyang red off shoulder mini dress na pinarisan ng three inches at kulay itim na high heels.
Malawak ang atrium. Tamang-tama para sa mga bisita na inimbitahan nila pati na sa mga estudyante na mas higit pa ang excitement na nararamdaman kaysa kay Cecilia. Alas diyes nang umaga pormal na magbubukas ang viewing nila kasabay ng pagbubukas ng mall. Pero dahil nga sa excited ang lahat, nagsipuntahan nang mas maaga ang mga magulang at estudyante niya. Nakahanda na ang lahat two days ago pa. May iilang bagay na lang silang sinigurado at perfect at handa na ang lahat.
“Wow! Sakura! Ikaw ang may gawa nito?” malawak ang mga ngiti sa labi na saad ni Sophia nang makita ang napakagandang gawa ni Cecilia.
“Nagustuhan mo?” may pagmamalaki sa boses na saad nito.
“Oo! Ang ganda niya.” Aniya saka sinulyapan ang kaibigan. Malapad din ang mga ngiti ni Cecilia.
“Sana katulad nitong sakura ang pag-iibigan ninyo ni, Luis. Maganda ang pagsisimula ng pagsibol. Hangad ko ang magandang pagsisimula ninyo ni Luis. Alam kong mahal mo pa rin siya. Nakalimot man ang isipan mo, alam kong diyan sa puso mo ay siya pa rin ang tinitibok nito.”
Nilapitan ni Sophia ang napakagandang sakura painting na nakasabit sa isang stand na kapantay niya lang ang taas. Kagaya ni Cecilia, umaasa rin siya na maging katulad nga ng isang sakura ang naputol na pag-iibigan nila ni Luis. Ang magkaroon ng panibagong simula. Makulay at masayang simula kasama ng kanilang anak. Anak na hindi niya matanggap sa simula.
“Puwede ba na akin na lang ‘to?” saad niya saka sinulyapan ang kaibigan na nakatayo sa likuran niya.
“For free.” Sagot naman agad ni Cecilia.
Inunahan na niya ang kaibigan. Ilang beses man niyang sabihin sa dalaga na para sa pagkakaibigan nila ay nakahanda siyang gawin ang lahat. Dahil hinding-hindi ito tatanggap ng free kapag galing sa kanya dahil tinatanaw na malaking utang na loob ni Sophia ang paglapit nito kay Luis.
Alas diyes na nang umaga. Nagsimula na ring magsidatingan ang mga inimbitahan ni Cecilia mula sa Home for the blind. Mga faculty members ng school kung saan siya nagtuturo at ang mga kaibigan ng kanyang asawa. Paisa-isa ring nagdatingan ang mga kaibigan ni Luis. Nagulat ang mga ito nang makita si Sophia na sumasalubong sa mga bisitang dumarating.
“Sophia? Is that you?” tanong ni Franco nang makita siyang nakangiti.
Malayo pa lang ang mga kaibigan ay agad na niya itong nakilala. Kasama nito si Luigi na hindi rin makapaniwala nang makita siya. Bagamat alam na nila na nasa Pilipinas na ulit siya, hindi nila iniisip na makikita nila ito roon.
“Kumusta na? Namiss ko kayo. Namiss niyo rin ba ako?” nag-aalangan na pagkausap niya sa dalawang lalaki.
Nagkatinginan naman muna sina Franco at Luigi bago siya sinagot ng mga ito. “Yeah! Of course! O--oo naman!” sagot naman ni Luigi sabay yakap sa kanya.
Tinapik naman ni Franco ang balikat niya. “We missed you.” Saka ngumiti.
Pagkatapos ng batian at yakapan, tuluyan ng pumasok ang dalawang lalaki. Bago pa man nakalayo ay muli siyang nilingon ni Franco.
“Nice hair! Pero sa tingin ko, mas gusto pa rin ni, Luis ang mahaba mong buhok.” Saad ni Franco. Maiksi na ang kanyang buhok. Kilala ito tawag na bob cut at kulay Ombre in France. Darker ang kulay ng buhok hanggang sa paunti-unti na itong naging light blonde sa ibaba.
“Sa tingin mo?” ani Sophia.
Hindi na sumagot si Franco. Tumalikod na ito at hinabol ang kaibigan na nauna ng naglakad. Muling ibinaling ni Sophia ang atensyon sa mga bisitang nagsisimula ng dumadami. Binati niya ang mga ito nang may mga ngiti sa labi. Sa pamamagitan no’n, naitatago niya ang kabang nararamdaman sa isipin magkikita ulit sila ni Luis.
Ilang minuto ring nakatayo si Sophia sa entrance ng atrium. U shape ang design ng entrance na nilagyan din ng makukulay na art work ng mga bata na nagsasabing “welcome” at naka-red carpet din ang dadaanan ng mga bisita.
Nakaramdam ng pagbigat ng kanyang puson si Sophia. Nagpaalam ito kay Cecilia na pupunta lang ng banyo.
***
Magkasunod lang na dumating sina Luigi, Franco at Luis. Ngunit malayo pa lang ay nakita na niyang nakatayo sa bungad ang dalaga. Nagkubli muna ito sa isang eyewear shop hanggang sa nakita niyang niyakap ni Luigi si Sophia.
“What is she doing here?” salubong ang mga kilay na tanong niya sa sarili.
“Sir? May napili na ba kayo?” tanong ng sales lady sa kanya. Napansin kasi nito na panay ang silip ni Luis sa salamin kung saan nakalagay ang mga reading glasses.
Inayos ni Luis ang suot niyang light blue na longsleeve na nakatupi hanggang siko. Nakabukas ang dalawang butones no’n mula itaas. Kaya kita kahit papano ang magandang hubog ng dibdib ni Luis.
“May tinitingnan lang ako, miss. Ang ganda kasi. Pero mas maganda siya noon kaysa sa ngayon.” Sagot niya saka bahagyang ngumiti bago naglakad palabas ng shop nang nakapamulsa nang makita niyang umalis na si Sophia kinatatayuan nito.
“Parang familiar sa akin ang tisoy na ‘yon.” Umiiling na bulong niya sa sarili.
Sinubukang sumilip ng sales lady sa salamin kung saan sumilip si Luis. Mas lalo itong nagtaka nang wala naman itong makita na maganda.
“Huy! Ano’ng sinisilip-silip mo riyan?”
“Doc. naman! Ginulat niyo po ako.” Sambit nitong nakahawak sa dibdib bago tumayo nang maayos. “Ang guwapo kasi ng lalaki kanina. Pero parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan.” Pagpapatuloy na saad nito.
Ngumiti ng ubod nang tamis naman ang doktora saka masayang naglakad pabalik sa counter kung saan niya tinitingnan ang mga pasyente na may problema sa mata.
“Si doctor Luis Alcantara, iyon. Siya ang pinaka guwpong doctor ng mga mata sa bansa.” Saad nito sabay upo saka inilabas ang cell phone mula sa bulsa ng puting doctor's gown. “At may picture na niya ako! Ma-upload nga sa f*******: ko.”
Nang marinig ng sales lady ang sinabi ng doktora, mabilis pa sa alas-kwatro itong lumapit sabay labas din ng kanyang cell phone mula sa bulsa ng itim nitong pantalon.
“Sabi ko na nga ba, e! Doc, pa-bluetooth naman!”
Masayang nag-upload ng kani-kanilang picture ang dalawang babae. Mayamaya lang ay inulan na ng comments and likes ang picture ni Luis na kuha nila.
Pabalik na ng atrium si Sophia pagkatapos gumamit ng banyo. Nakita niyang may nakatayo na roon sa tinayuan niya kanina na sa tingin niya ay isa sa mga faculty member ng eskwelahan kung saan nagtuturo si Cecilia.Pumasok na rin siya sa loob. Isa-isa niyang tiningnan ang mga paintings ng mga bata.
Hangang-hanga siya sa mga gawa ng mga ito. Sa edad na apat hanggang anim na taong gulang ay nakakapagguhit na sila. Samantalang siya ay walang kaalam-alam sa pagguhit.
Napahinto ulit si Sophia Sakura painting na may nakalagay ng sold. “Cecilia talaga.” Nakangiti niyang sambit. Hinaplos ng malambot at maputi niyang kamay ang ang sakura. “Beautiful.”
“Like you.” Saad ng malamig na boses sa kaliwa niya.
Napatingin si Sophia rito. Nagulat siya nang matamang nakatitig sa kanya ang lalaki na sa tingin niya ay mataas lang ng tatlong pulgada sa kanya na may taas na five feet and 7 inches.
“Hi! I'm, Carlos Meyer,” pagpapakilala nito sabay lahad ng palad niya.
Nakangiti namang tinanggap iyon ni Sophia. “Sophia Jimenez. Kaibigan ko si teacher Cecilia,”
“Hindi ko alam na may magandang katulad mo pa lang kaibigan si, teacher Cecilia. Ako naman ang isa sa mga guro ng mga bata. I teach mathematics,”
Lingid sa kaalaman ni Sophia, may matalas na mga mata ang nakamasid sa kanila sa may ‘di kalayuan. Kuyom ang mga kamay na nagtatagis ang bagang ni Luis sa nakikita niya.
“Nakangiti ka pa habang kinakausap ang lalaking ‘yan huh!”
“Makakapatay ka ng tao niyan, Luis.” Ani Franco saka inakbayan ang kaibigan. “Ba’t hindi mo kasi lapitan?”
“Para ano? Nakakaistorbo lang ako. Tiningnan mo! Ang saya niyang nakikipag-usap sa unggoy na lalaking ‘yan!”
“Guwapo naman ah!” singit naman ni Luigi na umakbay na rin sa kanya ngunit siniko niya ito sa tagiliran dahilan upang hindi matuloy ang pag-akbay ng kaibigan.
***
Habang nakikipag-usap si Sophia kay Carlos, nakaramdam ito ng pagkahilo. Biglang dumilim ang paningin niya. Pakiramdam niya, umiikot ang paligid niya. Pumikit siya sabay hawak sa stand ng painting sa gilid niya.
“Sophia? Okay ka lang ba?” tanong niya saka hahawakan sana ang dalaga. Ngunit bago paman niya ito magawa, may nauna ng humawak sa magkabilang braso ni Sophia.
“Are you okay, baby?”
Sa gulat ni Sophia, bigla itong napamulat kasabay ng paghawak ni Luis sa kanyang braso nang mahigpit. Nasa tabi na niya ito nakatayo kasama ng dalawa nilang kaibigan.
“Lu---Luis?”
“Yes, baby? Masaya ka yata habang kausap ang lalaking ito. Baka nakakalimutan mong you owe me an explanation,” saad niyang pilit pinapakalma ang sarili.
Itutuloy____
Vote and comment kayo guys. Salamag.
Love… Love…
iamdreamer28
ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
The sakura reminds us, then, how beautiful life can be, and it also reminds us to appreciate what we have, including each moment that we experience. For some people sakura are just a beautiful and short-lived gift from nature, for others they are a reminder each spring that life is precious and short and must not be wasted. The beautiful display is a reminder to focus on what is important and to worry not about the superfluous and the non-essential.
Galing sa internet.