Unedited "Ano'ng binabalak mo Luis?" nag-aalalang tanong ni Franco nang makita ang nakakuyom na kamao ng lalaki. "Mananakal." Aniya sabay hakbang patungo sa kinaroroonan ni Sophia na mariin pa ring nakapikit dahil sa pagkahilo. Nakahawak ang kaliwang kamay nito sa board kung saan nakadikit ang mga paintings ng mga estudyante ni Cecilia. Simula nang dumating si Sophia sa Pilipinas, wala pa itong maayos na pahinga. Malaki ang kaibahan ng oras ng Canada at Pilipinas. Twelve hours ang pagitan ng oras sa normal na araw. Ngunit dahil winter doon nang umalis siya, thirteen hours ang agwat ng oras ng dalawang bansa. Ten thirty ng umaga na sa Pilipinas at gabi naman sa Canada. Sa mga oras na iyon, dapat natutulog pa siya. Hahawakan na sana ni Carlos ang dalaga upang alalayan ito patungo sa bak

