Unedited Alas-dos ng hapon saka pa lang natapos ang consultation na ginawa ni Luis ng araw na iyon. Sabagay hindi na bago sa kanya ang matapos ng ganoong oras. Maaga na nga iyon kung tutuusin. Kadalasan natatapos ito ng alas-tres ng hapon bago pa siya makakakain ng pananghalian. Nang sinimulan niyang magtayo ng sariling clinic, pinangako niya sa sariling pagsisilbihan ang lahat ng mga nangangailangan sa abot ng kanyang makakaya. Dahil ayaw niyang maranasan ng iba ang naranasan ng isa nilang kaibigan. Sa loob ng mahigit dalawang taon niya sa panggagamot sa mata, hindi na mabilang ang mga napagaling niya kaya naging matunog ang kanyang pangalan at binasagan itong hottest ophthalmologist in town. Isa sa mga dahilan kung bakit mas nakilala pa ito sa larangan ng panggagamot sa mata, ay dahil

