Unedited Alas onse ng umaga. Nasa simbahan na sina Luis at Sophia. Simula nang dumating ang dalaga, hindi pa niya ulit nadadalaw ang paborito niyang puntahan na simbahan ang “Quiapo church.” Nagsimula na ang misa nang dumating sila. Sa dami ng tao na nagsisimba, hindi na sila nakapasok sa loob ng simbahan. Tumayo sila malapit sa sindihan ng mga kandila. Habang nag-ho-homily ang pari, tiningan ni Sophia si Luis. Kanina pa ito tahimik at malalim ang iniisip. Nagtataka rin siya dahil iniwan nila si Alex sa bahay nang mag-isa. Hindi nga rin nila ito kasabay na kumain ng almusal dahil tulog pa raw ang dalaga. Napaigtad si Luis nang hapitin ni Sophia ang kanyang beywang. Tama nga si Sophia na wala ito sa kanyang sarili. Ngumiti ang nobyo sa kanya. Ngumiti na rin siya rito. Nang mag-anu

