Unedited "Where did you, find them?" nagtatagis ang mga bagang na tanong ni Luis sa papalapit na nobya. Na unang naglakad si Sophia sa dalawa dahil sa nakita niyang madilim na anyo ng lalaki. Nang makalapit na rito, agad niya itong hinapit sa bewang. "Let's go. Nasa CR lang sila. Masama raw ang tiyan ni, Alex, kaya sinamahan na muna ni, Hector." Hindi man kombinsido si Luis sa sagot ng nobya, hindi na siya nagtanong pa. Muli niyang nilingon ang kapatid at kaibigan na nasa likuran na nila. Tiningnan niya si Hector na nagsasabing. Kaya niyang maglakad mag-isa. Muli silang bumalik sa mga kasamahan na nagkakantahan pa rin habang ang iba naman ay nag-iinuman. Bumalik sila sa dating puwesto na katabi nina Cecilia. "Mauuna na kami, So. Tingnan mo, tulog na si Nicole, kahit ang ingay-ingay

