Unedited Pagkatapos kumain ng in-order nilang pagkain, nagpaalam na si Luis na pupunta ng clinic. Ayaw man niyang iwang mag-isa si Sophia sa bahay nito, wala siyang magawa. May mga taong umaasa sa kanya na hindi niya maaaring biguin. Isa iyon sa mga sinumpaan niya bilang isang doctor. Ang pagsilbihan ang mga taong nangangailangan ng kanyang serbisyo. "Promise me," nakayakap mula sa likuran ng dalaga na saad ni Luis "pupuntahan mo ako mamaya sa clinic pagkatapos nang pagkikita ninyo ni, Cecilia, okay?" Nakatayo silang dalawa sa likod ng pintuan. Ihahatid sana siya ni Sophia sa labas ng bahay hanggang sa kotse nito nang hapitin niya ito sa beywang. Hinalikan ni Sophia ang kaliwang pisngi niya na nakapatong sa balikat nito sabay sabi ng "promise." Ilang minuto rin silang nakatayo at mah

