Hindi ko na nagawang ilagay ang isang box na condom sa drawer at inihagis ko na lang ito kay Levi. Tumakbo ako palabas at nabunggo ko pa nga ang balikat ni Carla na nakangisi sa akin at bahagyang ngiti. Waring natutuwa yata sa nakitang reaksyon ko. Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko at kahit na may nakakakita pa sa akin wala akong pakialam. "Oh? Yanna? Bakit ka umiiyak? Pinagalitan ka ba nung guest?" Tanong pa ni Kat na nakasalubong ko sa pasilyo ngunit hindi ko na siya nagawang sagutin. Hindi ko pa kayang humarap sa mga tao kaya naman dumiretso ako sa cr at dito ko ibinuhos ang luha ko. Buong akala ko ay magiging okay na ako dahil hindi ko na siya nakikita. Ngunit mas masakit pa pala ang ganitong senaryo na nakita mo siya ngunit kasama niya sa iisang kama ang ex niya at

