(LEVI'S POV) "T-teka nga! Saan mo ba ako dadalhin!" Pasigaw pang sabi niya habang inaagaw ang kamay niyang hawak-hawak ko. Hindi ko kasi siya binitawan hanggang sa mailayo ko siya sa mga kaibigan ko na alam kong unang tingin pa lang ay nagustuhan na siya. Hindi ko kayang pinagmamasdan siya ng iba bukod sa akin dahil naiinis ako. "I miss you, Arianna..." tanging nasabi ko na lang. Niyakap ko agad siya ng mahigpit. Oh, how much I missed her. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na malapitan siya at mayakap ng mahigpit kagaya nito. "Ano bang ginagawa mo? Baka may makakita sa atin dito, sabihin naman nang-aagaw ako ng syota ng may syota!" Halata pa rin ang inis sa boses niya ngunit napangiti ako dahil dun. I know she's jealous. Pero wala naman kaming relasyon na ni Carla. Hindi

