Hindi na maalis sa isip ko ang nangyaring paghalik sa akin ni Sir Levi. Simula ng mangyari yun ay palagi na lang tuloy akong napapahawak sa labi ko dahil parang nararamdaman ko pa rin ang paglapat niyon sa akin. Wala akong nagawa kundi ihatid siya ng naka-taxi sa gabi sa mismong bahay niya. And I think na mayaman siya dahil napakalaki ng bahay niya. Ibinilin ko lang naman siya sa maid niya at umalis rin ako kaagad. Mahirap na. Wala pa naman na akong mask na suot kagabi nung ihatid ko siya sa house niya. Mabuti na lang talaga at lasing na siya. Kinabukasan ay todo iwas nga ako sa kanya. Makakasalubong ko pa lang siya ay lumiliko na agad ako nag-iiba ng daan. Kahit tuloy hindi ako pupunta ng locker dahil kakagaling ko lang ay bigla na naman akong napabalik sa loob. "Oh? May nakalimutan k

