"Salamat po ulit sa paghatid sa akin, Kuya Roger!" Magiliw na wika ko rito. "Walang anuman, hija. Palagi kang mag-iingat, ha? Kung pwede nga lang na ako rin ang sumundo sa'yo ng madaling araw ay ginawa ko na." Ngumiti naman ako kay Kuya Roger. "Naku, ayos lang po yun. Alam ko naman po may gagawin pa po kayo! Bye na po!" Kumaway pa ako sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng club. Kung meron mang isang nakakaalam kung anong trabaho ng isang tulad kong estudyante pa lang ay si Kuya Roger yun. Parang sa kanya ko nakita ang pagiging isang ama na sana ay si Tatay ang gumagawa. Anyways. Bago akong na naman ang haharap sa mga tao rito at mga guest na pupunta. "Magandang gabi, Madam Doray!" Bati ko sa manager ko. "Magandang gabi, Arianna. Siya nga pala. Yung first costumer mo k

