Dinala niya ako sa walang gaanong estudyante! "T-teka lang, Sir? Sorry na po talaga. Hindi ko po sinasadya. H-hindi na po mauulit--" "Hindi na mauulit ang ano, Arianna?" Aniya habang unti-unting mas lumalapit pa sa akin. Kinakabahan ako sa ginagawa niya kaya naman napapahakbang ako patalikod para maka-agwat sa anya. "Y-yung pagbunggo po. Promise po! Iiwas na ako palagi!" Nagtaas pa ako ng kanang kamay ko bilang patunay pero hindi pa rin siya humihinto sa paglapit sa akin. Isang hakbang ko patalikod ay isang hakbang niya rin papalapit sa akin na para bang sinasabayan ang galaw ko. "Iiwas? Do you really think na makakaiwas ka?" Hindi ko sigurado sa nakita ko but I see him smirking. Hanggang sa natigilan ako ng pader na pala ang malalapatan ng aking likuran. Napatingin na akong bigla

