"Saan po tayo pupunta, mommy? Bakit na po nag-iimpake ng mga damit natin?" Napatingin ako kay Sab na nakabantay sa pag-aayos namin ni Yaya Adel ng mga gamit na dadalhin namin. Ilang araw lang naman kami dun but I'm planning na ipasyal ko na rin dun si Sab. Susulitin ko na dahil first time niyang makakapunta sa siyudad. Isasama ko rin si Yaya Adel para naman may mag-alaga at may magbantay pa rin sa kanya sa hotel na tutuluyan namin doon. "Papunta tayo sa Manila, sweety. Mommy needs to attend a year end party. And, guess what? Makakakuha na rin si mommy ng bonus. Malaki-laki rin yun kaya pwede tayong mamasyal ng ilaw araw." "Talaga, mommy? Excited na po ako! Yehey!" Tuwang-tuwa na sambit niya saka nagtatalon pa. Napangiti ako dahil alam kong matutuwa siya. Kapag narinig niya kasi ang s

