"Mommy! Look! They're coming here!" Ani Sab. Hinila pa ang kamay ko pa humarap sa gawi ng mga ito. "Ow Em Gee! Parang malaki yata ang kikitain ni Miss Ferrer sa gabing ito! Imagine? Napatayo niya ang 2 VIP's!" Malakas na sabi ng emcee, habang ako ay hindi malaman ang gagawin. Hindi na ako mapakali at parang gusto ko ng tumakbo papunta sa kinauupuan ko. Sinenyasan ko si Adel. Naintindihan naman niya agad ako dahil tumayo agad siya at kinuha sa akin si Sab. "Behave muna ikaw kay Yaya Adel mo, ha?" "Yes, mommy! Pero ang cute po ng mask niya. Can I touch it po?" Ani Sab, hindi ko nga alam ang isasagot ko perp hindi pa ako nakakapagsalita ay tuluyan ng lumapit ang isa sa naka-masked patungo kay Sab. Bahagya itong pumantay kay Sab. Kinuha ang dalawang kamay nito at inihaplos sa mask niya

