Pagkarating ko sa parking ng hospital ay agad ko siyang binuhat at dinala sa ER. "Doc! Help! She has a high fever!" "Okay, just put her down first--" "Doc, kindly check up her first--" "Okay, just please calm down first..." Hindi ako magkaintindihan. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. I just want to hold her pero inilayo muna ako saglit ng nurse at pinaupo. "Nurse, please, my baby..." "Yes, ma'am. Don't worry. She will be okay." Medyo kumalma ako. Tumango ako sa nurse at tiningnan si Sab habang chine-check up na ng doctor. "Mommy..." rinig kong boses ni Sab, kaya naman tumayo ako at agad na lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya para malaman niyang nasa tabi niya lang ako. "Hey baby... mommy is here..." tugon ko habang pinipisil-pisil ang kamay niya. "Kailangan mu

