Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay hindi ko pa rin siya pinapansin, at kahit kausapin siya ay hindi ko rin ginagawa. Medyo na-busy na rin siya kay Sab dahil hindi niya ito iniiwan iwinawalay sa kanyang paningin. Siya na rin ang nagpakain at nagpatulog rito dahil ayaw rin ni Sab na wala siya sa paningin nito. Sumulyap pa siya sa akin bago niya ihatid si Sab sa silid nito ngunit nagpatay-malisya lang ako. Naiinis talaga ako sa kanya at kahit na anong gawin ko ay hindi ko maalis ito sa isipan ko. Hanggang sa makalabas siya ng silid ni Sab ay hindi ako umaalis sa tapat ng bintana habang nakatingin sa swimming pool. Rinig ko naman ang pagsarado niya ng pintuan ngunit hindi ko pa rin siya tingnan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagyakap niya mula sa aking likuran. "Hey... why

