"Tingnan mo yung dalawang babae, oh? Tingin ng tingin sa'yo," sabi ko sabay turo gamit ang nguso ko. "Tss! Don't mind them. Ganyan talaga kapag may gwapo kang asawa, agaw pansin. Come on, let's eat," aniya. At talaga namang buhat na buhat ang bangko kahit na sobrang bigat nito dahil gawa sa bakal. "Anong pakiramdam kapag may lantaran na nagpapakita ng pagkagusto sa'yo?" Bigla ay naging interesadong tanong ko. Kinuha ko ang kutsara at ginamit kong panghigop sa sabaw ng ramen. "I thought you know the answer of your own question, Arianna." Napakaplaysafe ng sagot niya. "Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam." Tinidor naman ang kinuha ko at ipinulupot ang noodles roon saka ko isinubo ng buo. "Depende kasi yan. Ako kasi ay sanay na." "So aware ka na? Na palaging may nagkakagu

