Chapter 45

1362 Words

Nang magising ako ay nasa hospital bed na ako. Bahagya akong kumilos at pagtingin ko sa gilid ko ay si nanay na ang nasa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko. "N-nay? S-si Levi po? A-ang baby ko? Kamusta po ang baby ko, nay?" Sunod sunod na tanong ko kay nanay. Naka-dextrose din ako na hindi ko alam kung bakit. "Huwag kang masyadong kumilos, anak. Ang sabi ng doctor ay kailangan mong magpahinga dahil makakasama raw sa'yo kapag gumalaw ka ng gumalaw," sabi ni nanay ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. "Nay? Hindi mo ba ako narinig? Nasaan po ba ang doctor? Gusto ko siyang makausap--ahh!" Tatayo sana ako ngunit nakataramdam ako ng sakit sa bandang tiyan ko kaya napahiga ulit ako. "Sabi naman sa'yo. Bawal ka pang gumalaw, Arianna. Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha?" Ani nanay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD