Episode 18: Panaginip sa Panaginip

1611 Words
Lizley's POV Pinatapos lang namin ang ilang oras at sabay sabay na kaming umalis sa Bagayan Beach kasama ang mga kaklase ko. Nalaman na din nila ang nangyari sakin kaya kinomfort nalang nila ko, may ibang nainis kasi daw ang taba taba ko tas feeling may nagkakagusto daw sakin. Masakit na marinig tin sa iba pero pinabayaan ko nalang, wala naman silang magagawa, tapos na eh. Nangyari na. Pagka pasok sa bahay, dumiretso na ko sa kwarto ko para magpahinga kahit saglit. Maya maya lang, dun ko na nilabas ung nararamdaman ko kanina pa. Natatae na kasi ako. Biro lang!. Iyak ako ng iyak hanggang sa mahimas kawan at nakatulog na. Bang! Bang! Nakita ko si Marc na tumatakbo palapit sakin kaso bigla na lang sya natumba dahil sa pagbaril ng lalaki na di ko matukoy ang mukha. Agad agad naman akong lumapit sa kanya at napayakap. "Marc, di ka pwedeng mamatay!". Pagsusumamo ko sa kanya habang napayakap. Hindi na sya nagsasalita hanggang sa hinalikan ko na lang ito ng mabilis an. Napadilat naman sya sakin sabay halik nya pabalik. Naramdaman ko ung lasa ng laway nya na pumapasok sa bibig ko. Napakalamig ng labi nya at napakabagal nyang humalik dahil na rin siguro sa kahinaan ng katawan. Pagkatapos nya kong halikan, napayakap ulit ako sa kanya. Napalingon ako sa ulo han namin at nakita si Rainne na nakatingin lang at walang pake kung anong nangyayari sa kasintahan nya. Biglang naglaho ang mga tao at bigla ring tumayo si Marc sabay alis na parang walang nangyari. Napatulala na lang ako sa pangyayari at unti unting limalabo ang paningin ko. Tsk!, panaginip ang putik!. Napatingin ako sa orasan at napag-alamang 1: 23 pm na. Umaga kami umalis sa resort at mga wala pa sa tanghali kami naabot dito. Napatingin lang ako sa kisame at inaalala ang mga pangyayari kani kanina lang. Yiee... Bakit ganto, kahit may galit ako sa kanya ng slight kasi napatawad ko na sya, may impact parin sya sa puso't isip ko. First kiss ko yun, Pre!. FIRST! Kiss. Bat kasi ang bait nya eh. Bat kasi mahal na mahal nya ung gf nya eh. Sana mahal din sya ni Rainne. Malakas na pwersa sakin kung malalaman kong ginagamit nya lang pala si Marc. Naku!.. Pag nangyari talaga un...... Basta pag nangyari un—ewan!. [may karanasan tayong akala mong totoo na ung pangyayari ngunit nasa loob ka parin pala ng panaginip] – sana gets nyo, hehe! ㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇ Dalawang araw ang lumipas at ngayon ay pasukan na ulit. Kaunting pahinga lang naman dahil sa ganap nung Retreat namin. Actually, masaya ang retreat. Grabe! Maaga akong nagising para sa pagpasok ko at magbihis pagkatapos. Bumaba. Kumain. Nagpaalam. Pumasok. Same routine. Ganun naman talaga ang buhay single, yiieee. Kahit kailan naman di pa ko nagkakaroon ng totoong nobyo kaya single parin ako hangang ngayon. Like what we called it NBSB. Masaya ko ngayon kaya wag nyo kong babadtripin. Papasok ako ngayon dahil ayaw kong mag pa apekto sa ginawa sakin ni Rainne pati Marc. Alam kong may dahilan sya kum bakit nya ginawa iyon sa akin. Kahit na ang mama nya ang may kasalanan kum bakit namatay ang papa nya—ko. Nandoon nga kami sa pangyayari ng time na yong, pero masyado pa kaming bata nang mga oras nayon para maalala na amin ang bawat detalye. Wala na si papa. At wala na akong pake. Tanggap ko na naman. Bat ko pa pahihirapan ang sarili ko na balikan ang isang bagay na alam naman nating tapos na. :::::::::::::::: Marc 's POV Nandito ako sa bench nakaupo malapit sa canteen. Katabi ko ang mga halaman at maaliwalas na kapaligiran. Gusto ko lang muna magpahangin pagkatapos ng nakakakonsensyang pangyayaring ginawa ko Kay Liz. Hindi ko naman kasi ninanais na patagalin pa. Wala akong nararamdaman kay Liz umpisa pa lang. Kesyo magkaibigan kami simula pa sa una, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Tinuturing ko na sya kaibigan para sakin, matalik na kaibigan. Mahal ko sya, pero mas mahal ko si Rainne kaya lahat ng sinasabi nya, sinusunod ko. Spoil na nga kung ituring ang ginagawa ko sa kanya. Lalong lalo na nung nakita ko syang umiiyak nung time na nalaman nya na ung tungkol sa pamilya nya. Sinabi nya sakin ang lahat, pero sa tingin ko kulang kulang at pili lang ang binigay nya sakin na impormasyon nung araw na yaon. Pero dahil mahal ko sya, kung ano na ung sinabi nya, susundin ko. Mas nadurog ako nang nakita ko syang umiiyak kaya sinabi ko sa kanya na gagawa ako ng paraan para lang kalutasan ang problema nya. Kasi diba nga. Kapag nasa isa kang relasyon, hindi lang dapat iisa ang may galaw bagkus kayong dalawa. *FLASHBACK* Pagbaba ko sa taxi. Naabutan ko si Rainne na umiiyak sa gilid ng pinto nila bago mag gate. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya agad agad. "babe, anong nangyari....". Nagaalalang tanong ko sa kanya habang patuloy parin sya sa pag iyak. Napatingin naman sya sakin sabay yakap pabalik, mas lalo tuloy syang humagulgol. "shhh... Tahan na...". Pagpapatahan ko sa kanya. Nahimasmasan naman sya ng kaunti sa ginawa ko g pagbago sa kanyang likod. Nagpunta muna sya ng mukha gamit ung panyo na binigay ko dito. Humingi sya ng malalim bago nagsalita. "babe... Alam ko na... Ang lahat lahat..". Sabi nito ngunit hindi nya masyadong matuloy dahil bumalik ulit sya sa pag pag iyak. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya kasi wala pa ko masyadong alam sa kanya. Minahal ko sya hindi base sa background nya, kundi sa pinakita nya sakin kabaitan. Ang alam ko lang na sinabi nya sakin nung nag usap kami about sa sarili namin, ay ung patay na ang papa nya dahil sa aksidente base daw sa kwento ng mama nya. Pinipilit nyang mag ayos ng sarili kahit pautalutal ito dahil sa pag iyak. "kani kanina lang... Nakita ko si mama na may kausap sa cellphone nya..*singhot*.... Narinig ko ung pinag usapan nila... Tungkol kay papa... Nag sinungaling sya sakin, sabi nya pinatay sya ng di kilalang tao... Pero ang mama ni Liz at si Liz.... Dahil sa kanila!.. Namatay si papa! ". Palakas na Palakas ang sigaw nito dahilan upang bumalik ito sa pag iyak. " *singhot*.. Tulungan mo ko *hik*... ". Pagmamarka awa nya sakin. " saan... Paano?.. Sabihin mo lang, tutulungan kita... Wag ka lang umiyak.. Shhh.. Tahan na". Nagaalala ng asal ko sa kanya. Mas nahihirapan ako kapag nakikita ko syang ganyan. Dati rati, maayos sakin ung umiiyak sya ng tama lang dahil sa malilit na bagay.. Pero ngayon, parang sobra na ang iniiyakan nya at nahihirapan ako dun. "diba mahal mo ko?...". Paawang sambit nito sakin. "oo naman, at lahat gagawin ko basta maging ayos ka lang.." "gusto kong maghiganti, Babe." "babe...alam mo namang masamang maghiganti diba?" "ayaw mo?!.... Mas mabuti yatang maghiwalay nalang tayo, tutal tutol ka sa mga disisyon ko!". Pagbabago nito ng expression. "babe naman..." "umalis kana.".matigas na usap nito habang naka turo pa sa daan. "o cge.." "anong o cge?.." "gagawin ko na lahat ng ipauutos mo, basta wag ka lang mawalay sakin..". Nagmamakaawa ng tugon ko. "talaga?..". Kumikinang na mata ang tugon nito sakin. "mahal na mahal talaga kita, babe..". Sabay yakap nya sakin. Napangiti na lang ako dahil ngumiti na rin sya pagkatapos. "mahal na mahal din kita". Tugon ko. Bumitaw na sya sa pagkaka yakap. "ang gusto ko lang naman.... Pa ibigin mo si Lizley.. Ung kaibigan mo. Pagkatapos noon, ako na ang bahala, wala ka nang dapat ipagalala, babe.. Gagawin mo naman un diba?". Masayang wika nito. Napakunot nalang ako ng noo ko at napaisip. Basta para sa mahal ko, gagawin ko. Ngumiti ako at tumugon ng tango. Napangiti ito ng malaki at napayakap ulit sa akin ng mahigpit." maraming salamat, babe! ". Sana.... Sana maganda ang kalalabasan ng desisyon kong ito. Sana.... *END OF FLASHBACK* Alam ko... Nagkamali ako ng desisyon. Dahil lang sa pagmamahal, kaya mong sumira ng pagkakaibigan. Sana mapatawad ako ng kaibigan ko. Si Lizley...... Kailangan kong malaman ang totoo kahit ungkatin ko pa ang mga nakaraan para lang maayos ang lahat at malaman kung sino sa kanila ang tama. Tatanggapin ko kahit na si Rainne ang may kasalanan, maayos lang ang mali sa tama. ******** Tumayo na ko sa kinauupuan ko dahil tumungo na ang Bell, hudyat na maghanda na sa pagdating ng mga guro. Mamaya ko na lang ka kausapin si Rainne dahil nag away din kami pagkatapos ng ginawa nya. Sobra naman kasi ung pinapatawan nya sa akin. Bago kasi nangyari ung pangyayaring ginawa ni Liz, dinugtungan nya pa yung sinabi nya. *FLASHBACK * Tumakbo palayo si Lizley habang umiiyak dahil sa nalaman. Napatingin naman ako kay Rainne pagkatapos. "mag makagawa ka na lang sa kanya na mag balikan ulit kayo, para makapag hi ganti pa ko sa kanya sa—" "tama na nga!". Pagpapatigil ko sa kanya nya kina bigla nito. "pinagbigyan kita na sundin ang mga sinasabi mo, kasi mahal kita!. Lalong lalo na ayaw kitang umiiyak!.... Pero ano to?!". Pagpapatuloy ko. Nakita ko namang may tumulo sa mukha nya dahilan upang panlambutan ako ng puso. "sorry...". Sabi ko sabay yakap sa kanya. "sorry... Wag ka nang umiyak please...". bwiset!. Ito yung kahinaan ko eh. Yung umiiyak sya ng ganyan, dahilan para panlambutan ako ng puso. "ang gusto ko lang naman—hik!. Mabigyan ng hustisya ang papa ko gamit ang pananakit mo sa kanya... Sa totoo nga, maliit lang yun na pananakit kesa sa pagpatay bilang kabayara—hik !. Mahirap ba yun? ". Sambit nito sabay nagpatuloy sa pag iyak. Naiintindihan ko naman sya eh. Kaso mali. *END OF FLASHBACK *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD