Pilit akong tumawa ng malakas habang si Baste matalim ang mga tingin sakin na para bang ano man oras lalamunin na ako ng lupa. Umiling ako at tumayo. Bago pa ako makalampas sa kanya hinila niya ako paharap. “Sino ka ba talaga?” tanong niya. Binawi ko ang kamay ko at nilabas ang kasungitan ko. “Myra ang pangalan ko at pamangkin ako ni tatay Temeong! Matanda ka na ba para hindi mo matandaan?” I arched my eyebrows and pursed my lips, trying to firm my voice. Hindi siya kumibo at naunang maglakad pabalik sa may malaking mesa. Sa sobrang inis kong sinipa ko ang bato sa harap ko at napanganga ng matamaan siya sa may braso. Oh no! Ang paligid ay biglang tumahimik habang nag-slow motion na humarap si Baste. Napakagat labi ako ng makita ang maitim na awra sa kanya at umuusok pa ang kanyang tai

