Ilang beses kong pinilit mag-relax pero ang puso ko patuloy pa rin ang pagkabog ng malakas. Dapat relax lang ako at huwag pansinin ang mga sinasabi ni Baste. Tama! Masyado lang ako naiinis sa kanya. Nagpaka-busy na lang ako sa kusina at naglinis. Halos kalahating oras na ang lumipas kaya nagpasya akong pumunta sa maid’s quarter at matulog na. Mukha kaya naman ni Baste na maghugas ng plato niya. Kinabukasan maaga akong nagising dahil ang bilin ni nanay pupunta siya ng maaga para maturuan niya pa ako ng mga ibang putahe. Nagsimula na akong maglinis sa kusina at paglabas ko dumiretso ako sa sala. Napamaang ako dahil malinis na agad. Tinignan ko ang oras at 5 pa lang ng umaga. Dumating sigurong maaga si Dina. Palabas na ko sa bakuran ng biglang may nagsalita. “Pwede ka nang maglinis sa ta

