Hindi ako makagalaw at ang t***k ng puso ko ay sobrang lakas. Napaatras ako at biglang may nahulog sa likod ko. Paglingon ko mga kahoy ito na nakaimbak pala sa gilid ng bahay. “Sinong nandyan?” sigaw ni Dina. Tumakbo ako hanggang makarating sa likod ng bahay. Muntik na ako roon. Sumandal ako sa pader at nanlaki ang mga mata sa nakita. Mga bote ito ng halaman gamot at napasinghap ako ng makitang expired na ang mga ito. Lumapit ako at hinawakan ang isang bote. “Bitawan mo yan!” Napalingon ako at lumunok ng makitang si Dina ito. “Umalis ka nga rito at makabasag ka pa diyan.” Mabilis kong binalik ang bote at humarap sa kanya. “Expired na ang mga halaman gamot na ito, dapat itinatapon na.” Komento ko pero imbas na sumang-ayon tinawanan ako. “Tandaan mo kasambahay ka lang dito kaya huwag k

