Chapter 7: New Persona

1426 Words
Ilang minuto ang katahimikan sa hapag-kainan ni Mang Temeong dahil hindi ko alam ang dapat isagot sa tanong niya. Iiwanan ko na ba talaga ang nakaraan ko? “Ayos lang kong hindi mo kayang sabihin. Mas mabuti sa barangay mo na lang ikwento ang lahat para hindi ka mahirapan.” Mungkahi niya at tumayo. Pumikit ako at sinabing, “Ako po si Myra at may humahabol po sakin. Kapag nalaman nila na narito ako, siguradong matutunton nila ako at hindi ko alam kung anong balak nilang gawin sakin. Maawa po kayo.” Hindi ko na naitago ang emosyon ko at tuluyan ng umiyak. Nanginginig ako sa ideya na masakal ako ng tuluyan sa kasal at sa kirot sa puso na kailangan pang humantong sa pagsisinungaling ang lahat. “Bakit ka umiiyak?” Agad lumapit sakin si Manang Ising galing sa kusina. Niyakap ako at hinaplos ang buhok. “Anong ginawa mo sa kanya?!” Na-alarma ako ng marinig ang galit niyang tinig habang nakaharap kay Mang Temeong. I was about to answer when Mang Temeong cleared his throat. Lumapit siya sa asawa at may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata. “Walang akong ginagawa sa kanya, mahal.” Nagulat ako ng biglang naging malambing ang boses ni Mang Temeong habang kausap si Manang Ising. “Napaluha siya dahil kwinento niya sakin ang nangyari.” Sinabi niya sa asawa ang sinagot ko sa tanong niya kanina. Naramdaman ko lalo ang mahigpit na yakap ni Manang Ising habang sinasabi sa kanya ni Mang Temeong ang lahat. Masakit man sa loob loob ko, wala akong magawa dahil kailangan ko nang oras upang makapag-isip at baka sakaling magbago ang isip ng magulang ko. “Kawawa ka naman pala. Mas mabuting dito ka na muna sa Ilocos Norte. Hindi ka nila mahahanap dito. Kaya lang….” Napatingin ako kay Manang Ising at nakita ang bahid ng luha sa kanyang mga mata. Narito na ako kaya kailangan ko nang pangatawan ito. Pinunasan ko ang mukha ko at tumingala sa kanya. “Maraming salamat po.” Hinawakan ko ang kanyang kamay at yumuko ako sa harap nila ni Mang Temeong. “Kaya lang, iha. Pasensya ka na sa maliit namin tahanan.” Mahina niyang sagot. “Ang ganda nga po ng bahay niyo. Nakakahiya nga po na papatuluyin niyo ako rito kahit hindi niyo ako lubos na kilala. Ako po ang lubos na nakakaabala sa inyo.” Sagot ko at lumunok ng ilang beses. Tahimik akong humingi ng tawad sa kanila. Sisiguraduhin ko hindi ako magiging pabigat sa kanila at bagkus tutulong ako sa kanila. “Nakikita ko sayo na may mabuti kang puso at kung ano man ang dahilan ng mga humahabol sayo hindi pa rin tama ang kanilang ginagawa.” Niyakap niya akong muli. “Tama. Kaya iha, huwag kang mahihiya. Isipin mo na parang bahay mo na rin ito.” Nakangiting sagot ni Mang Temeong. Hindi ko mapigilan at napaluha muli ako. Nagsinungaling ako sa kanila pero lubos ang pagtanggap nila sakin. Pumikit ako ng mariin at tahimik na humingi ng tawad. Susukliin ko ang kabutihan nila sakin balang araw. “Tama na at baka pati kami tuluyan ng maluha. Basta Myra, huwag kang mahihiyang magsabi kapag may kailangan ka. Halika ka at paghahanap kita ng maisusuot para makapagpalit ka na.” Inakay ako ni Manang Ising sa kaliwang kwarto. Namangha ako dahil kahit sawali ang nakikita sa labas ng bahay, sa mga silid naman ay nakaayos at naka semento na. May mga flowers wallpaper din sa dingding at mga pictures ng mga sikat na artista. “Pagpasensiyahan mo na ang silid na ito. Kwarto kasi ito ng anak namin ni Temeong. Maganda yun at matalino rin kaso mukha hindi na kami naaalala at nag-stay na doon sa Maynila.” Malungkot na kwento niya. Tahimik akong nakinig sa kanya at nakitang binuksan niya ang malaking cabinet. “Heto suotin mo muna ang mga damit niya.” “Baka magalit po ang anak niyo kapag nalaman niyang pinasuot niyo sakin ang mga damit niya.” May pag-alinlangan kong kinuha ang mga damit. Simpleng mga blouse ito na may kulay dilaw, asul at puti. “Huwag kang mag-alala. Siguradong hindi na niya susuotin ang mga ito. Pasensiya ka na dahil pinaglumaan lang ang mga ito. Heto pa ang mga shorts na pambahay, simpleng mga pants kapag gusto mong pumunta sa may plaza.” Iniabot niya sakin ang mga ito. Napangiti naman ako sa ideyang makikita ko ang plaza nila rito. “Maligo ka na rin, Myra…” Napahinto siya kaya bumaling ako sa kanya. “Teka, tatawagin ko si Temeong para mag-igib ng tubig.” Tumayo ako at umiling. “Ako na lang po.” giit ko. “Pero iha, baka hindi mo kayang mag-igib.” Napatingin siya sa mga palad ko. HInawakan niya ito at umiling. “Halatang hindi ka pa nakahawak o gumamit ng poso. Kailangan mo nang lakas upang may lumabas na tubig doon at sa may gilid ng Casa Hacienda ang poso rito.” Kinuha ko ang simpleng shorts at dilaw na damit. Ngumiti ako sa kanya. “Ituro niyo na lang po ang direksyon. Sigurado pong makakaya ko ito.” Giit ko. Ginusto ko na mag-stay dito kaya dapat hindi ako makakaabala sa kanila. Buo na rin ang loob at isipan ko na pansamantala kong tatalikuran ang pagiging Myrtle Forbes. Mula ngayon ang new persona ko na ang pangangatawan ko. Ang simpleng babaeng si Myra na walang uurungan at matututo mula sa mababa at hirap ng buhay. Nakumbinsi ko rin si Manang Ising. Matapos kong magpalit. Itinabi ko ang mga alahas na suot ko pati ang bridal gown sa gilid ng kama. Lumabas ako sa silid at lumapit sa kanya. “Sigurado ka ba, iha? Tatawagin ko lang naman si Temeong sa may Casa Hacienda para makapag-igib.” Umiling ako kay Manang Ising at ngumiti sa kanya. Itinuro niya sakin ang direksyon papunta sa Casa Hacienda. Walking distance lang naman at siguradong kakayanin ko ito. Naglakad na ko papunta sa Casa Hacienda at hindi ko maiwasan mamangha sa paligid. Ang ganda ng mga tanawin at mga palayan sa labas nito. Ilang saglit lang nakarating ako sa may malaking gate at may pangalang Casa Hacienda. Napangiti ako at sumilip sa loob kaso nawala ang ngiti ko na mapansin ang mga tanim sa malawak na lupain nito dahil tuyo at hindi maganda ang pagkakatubo ng mga palayan. Biglang may malakas na busina ng kotse sa harap ko kayang nagmadali ako tumabi at pumunta sa may gilid ng Casa Hacienda. Nakita ko roon ang dalawang taong nag-iigib. Nakatingin sila sa akin na may pagtatanong. Hindi ko alam kong anong sasabihin. “Bago ka lang ba rito, iha?” tanong nang ale na may sumbrero sa kanyang ulo. Mukhang magsasaka sila. “Opo. Nakatira po ako kinang Manang Ising,” Sagot ko. Tumango na lamang siya at ang kasama niya ay blangko ang ekspresyon at sa tingin ko ay kasing edad ko lamang siya. Hinintay ko silang makaalis bago subukan ang poso. Mukhang madali lang naman pala gamitin ito. Hinawakan ko ang mahabang tubo at nagsimulang ibomba ito. Nadismaya ako ng kakarampot lang na tubig ang lumabas. Dinagdagan ko ang pwersa ko at ganun pa rin. Huminga ako ng malalim at pinagkaskas ang mga palad ko. Pagkatapos sinimulan muling ibomba ang poso. Napahiyaw ako sa saya nang maraming lumabas na tubig. Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang mapuno ko ito. Hingal na hingal ako ng matapos ko ang pagbomba sa poso. Ganito pala kahirap gamitin ito. Napatingin ako sa mga palad ko na namumula. Nagpasya akong magpahinga ng kaunti dahil bubuhatin ko ang timba na may tubig. Ilang minuto lang natural na ang t***k ng puso ko at nawala na rin ang pamumula ng palad ko kaya binuhat ko na ang timba. Malaking tulong din pala ang pag-eehersisyo ko tuwing madaling araw samin. Dahan-dahan akong naglakad nang biglang may mabilis na sasakyan ang dumaan kaya napahinto ako. “Muntik na ko roon,” bulong ko. Binuhat ko na muli ang timba at tinuon ang atensyon dito nang biglang may malakas na matigas na bagay akong nabunggo. Pag-angat ko ng ulo. Napasinghap ako. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong kaperpektong tangos ng ilong at magandang mga mata. Nakakahiptonismo ang kanyang mga titig hanggang sumigaw siya. Ang mga kilay niya ay salubong at kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa nabasa niyang damit. Binabawi ko na ang paghanga ko sa kanya. Akmang hihingi ako ng tawad ng biglang siyang sumigaw, “Bulag ka ba! Bakit mo ko binangga?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD