Chapter 6: Leave Everything Behind

1200 Words
Myrtle’s Point of View Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko tumakbo palayo sa simbahan. Umupo ako sa gilid ng truck habang tinitignan ang belo ko na tinangay ng hangin at dahil sa sobrang pagod ko sa pagtakbo pinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa gilid ng mga kahon. “Bakit ka tumakbo?” Isang lalaki na naka white tuxedo ang palapit sakin ngunit ang kanyang mukha ay malabo. Kurap-kurap ko ang mga mata ko pero malabo pa rin ang kanyang mukha hanggang nakalapit na siya ng tuluyan. “Hindi mo ba ako gusto?” parang musika sa aking tainga ang kanyang boses at nahihiptonismo ako na lumapit sa kanya. Akmang hahawakan ko ang kanyang pisngi ng bigla akong napaatras. Teka bakit parang kapareho niya ang suot ng dapat na maging groom ko. Napaatras ako habang ang t***k ng puso ko ay nagwawala sa lakas nito. Naabutan nila ako? Hindi ako nakatakas sa kasal? Nilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib habang patuloy ang pagproseso ko ng mga nangyari. Hindi maaari ito. Natatandaan ko na nakatakas ako. Habang nanginginig ang buong systema ko at parang bang umiikot ang sikmura ko patuloy ako sa paglayo hanggang may nararamdaman akong mahinang tapik sa braso ko. Tumingin ako sa paligid at unti unting naglaho ang lalaki sakin harapan. Pagmulat ko ang isang matandang lalaki nakatingin sa akin ng puno ng pagtataka sa kanyang mukha. Nakasuot siya ng simpleng puting damit at maong na pantalon. Napaupo ako at tumingin sa paligid. Bakit kulay ginto ang kalangitan? Doon ko napagtanto na panaginip lang pala ang lahat. “Sino ka?” Tanong ng matanda. Napatayo ako at pinagmasdan ang paligid. Malalaki ang mga puno at matataas ang mga damo. Mukhang wala na kami sa Makati. Saang lugar ito? “Miss, saan ka ba galing? at bakit ka narito sa truck ko?” Nagkakamot na tanong ng matanda. Biglang kumunot ang noo niya nang mapansin ang suot ko na bridal gown. “Teka huwag mong sabihin kahapon ka pa na rito?!” Napasigaw niyang tanong. Sa dami ng kanyang tanong hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Nanatili akong tahimik at tulala. Akmang magtatanong siyang muli ng biglang kumalam ang aking sikmura. Ang kunot niyang noo ay biglang nawala at humagalpak siya ng tawa. “Hay naku, iha. Kung ayaw mong magsalita mapipilitan akong idala ka sa barangay baka may mga naghahanap na sayo.” Binuka ko ang aking bibig at akmang magproprotesta sa sinabi niya ng biglang itinaas niya ang kaliwang kamay. “Huwag mo munang isipin ngayon yan. Sa tingin ko sasabihin mo rin ang dahilan kapag busog ka na. Halika ka at papakainin kita ng agahan.” Huminga ako ng maluwag at hindi mapigilan mapangiti. Ang bait naman niya. Sana marami pang kagaya niya sa mundo. Bakit agahan? Nanlaki ang mga mata ko. Ilang oras akong natulog sa truck?! Lumingon siya sakin at nagpatuloy ng maglakad. Tumalon akong sa truck at napahiyaw. Nakalimutan ko pa lang maraming sugat ang paa ko. Bumalik ang matandang lalaki at nagtanong, “Anong nangyari sayo?” Tumingin ako sa mga sugat ko sa talampakan. “Hay naku, iha! Ising!” sigaw niya habang nakatingin sa maliit na bahay na sawali. Inabangan ko ang tinawag niya at nakita ang matandang babae na may mahabang buhok kahit na may mga linya na ang kanyang noo mapapansin pa rin ang maamong mukha. Napangiti ako. Siguradong mabait rin is Manang Ising. “Temeong sino yang kasama mo? Bakit nakasuot pa siya ng trahe de boda?” Tanong niya at tumitig sakin. Mukhang kailangan kong magsalita agad dahil baka pagsimulan pa ito ng away ng mag-asawa. Lumapit siya sakin at yumukod. “Iha, kawawa ka naman. Nagdudugo ang mga paa mo. Temeong kunin mo yung upuan na kahoy para makaupo siya at magamot ang mga sugat niya.” Napalunok ako at hindi mapigilan ang luhang kumawala sakin mga mata. I never imagined that there would be a lot of kind-hearted people here. Ang unang impresyon ko sa lugar ay nakakatakot at sobrang liblib pero mali pala ako. Kinuha agad ni Mang Temeong ang upuan. Pagdating niya agad akong pinaupo ng kanyang asawa. Pumasok naman siya agad sa loob ng kanilang bahay at pagbalik niya may dala ng medicine kit. Pagkatapos ginamot ako ni Manang Ising. Tahimik lang ako at hindi alam kung ano bang dapat kong sabihin. “Bakit hindi ka nagsasalita, iha?” “Baka dahil sa pagod at gutom. Pakainin muna natin siya ng agahan.” Sagot ni Mang Temeong sa asawa. Tumango naman ito at inakay ako sa mahabang kahoy na mesa sa loob ng kanilang bahay. Napangiti ako. Kahit simple at maliit lang ang tahanan nila, maayos ito at malinis. Kahit nahihiya man umupo ako. Masayang kumakain ang mag-asawa at nagsusubuan pa ng tuyo at kanin. Kahit simple lang ang buhay nila at hindi ganoon kabongga ang agahan ang mga ngiti nila ay abot sa mga mata. Magiging mabuti kaya ang buhay ko kung dito na lang ako mamalagi. Am I ready to leave everything behind? Mayaman ang pamilya ko at lahat ng gusto ko ay madali kong nakukuha. Kaya ko bang talikuran ito? Makakayanan ko ba ang simpleng buhay? Walang malaking tahanan. Walang maraming pagkain. Magsimula sa pagiging mahirap na wala kahit na isang katiting na pera. “Iha hindi mo ba gusto ang ulam?” Napatingin ako kay Mang Temeong at Manang Ising. Kahit hindi nila alam kong anong nangyari sakin buong puso nila akong tinanggap dito. Napaluha ako at hindi makasagot. “Mukha sa itsura mo iha, laki ka sa yaman at hindi sanay sa ganitong pagkain.” Malungkot na saad ni Manang Ising. Parang may kumikirot sa aking puso. Sino ba akong para laging maging malungkot dahil hindi ko lang makuha ang gusto kong kalayaan? Lahat na sakin na pero hindi ko ito pinahalagahan. Habang ang mga simpleng tao na nakatira dito ay masaya at kuntento sa buhay. “Hindi po. Masarap nga po ang pagkain niyo.” Hindi ko na napigilan at nagsalita na ako. Masaya kong kinuha ang tuyo at kinain ito. Nanlaki ang mga mata ko. Masarap pala ito. Hindi ko namalayan na naubos ko na agad ang kanin na nilagay ni Manang Ising sa pinggan ko. Napangiti sila habang nakatingin sakin. “Maraming salamat po.” Sagot ko matapos uminom ng tubig. Tumayo na si Manang Ising at niligpit ang pinagkainan. Naalala ko ang sinabi ni Mang Temeong na dadalhin ako sa barangay para makauwi na samin. Lumunok ako at tumingin sa kanya. “Ano bang talaga ang nangyari sayo, iha?” “May humahabol po sakin.” Matipid kong sagot. “Bakit ka nakasuot ng trahe de boda?” Usisa niya. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Anong dapat kong gawin? Kapag sinabi ko ang totoo siguradong ihahatid ako sa Makati. Dumilat ako at tumingin sa kanya. Napakabuti nila sakin. Kakayanin ko bang magsinungaling? Sigurado kapag sinabi ko ang totoo ipipilit pa rin ng magulang ko ang kasal at mawawala lahat ng pinaghirapan kong pagtakas. Masasayang lang ba ang pagiging runaway bride ko o hindi ko sasabihin ang totoo? Tahimik akong nanalangin at humingi ng tawad. Handa na ba akong iwanan ang lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD