Ralph Justin’s Point of View
Nakaharap ako sa pari habang hinihintay ang magiging bride ko. Yumuko ako at bumuga ng hangin. Hindi na nga ako pumunta sa pamamanhikan at hindi nagpakita ng dalawang linggo para umurong na siya sa kasal pero wala pa rin epekto. Ayaw ko talagang magpatali kung hindi lang sa kahilingan ng lola ko bago siya pumanaw hindi ko ito gagawin. Hindi na talaga ako makakalabas sa anino ng Grigsby, which I hate the most. I even blonde my hair today, but my parents shrug their shoulders.
“Relax, huwag kang kakabahan,” Napatingin ako sa best man kong si Regan. Umiling lang ako. Tumawa naman siya. “Huwag kang mag-alala nawala na ang duda ko sayo.” Kumunot naman ang noo ko sa mga pasaring niya. Hindi na talaga siya nagbago.
I never believe in love kaya kahit binibiro nila ako na baka lalaki ang gusto wala akong pakialam. Tumalikod ako at nakita magkatabi ang mga magulang ko sa mahabang upuan. Kinuyom ko ang kamao at umiling. Ang galing talaga nilang magpanggap na ayos pa rin ang lahat. Kaya kahit kailan hindi ko sinubukan magnobya dahil alam kong walang tunay na pag-ibig. Nasa isip lang ng mga tao na love ang nararamdaman nila. Kapag hindi na nakuntento maghahanap na ng iba kaya masaklap kung nakatali sila sa kasal. Kawawa lang ang niloko niya dahil wala itong magagawa kung hindi ngumawa. Ngumiti ang mama ko ng mapansin na nakatingin ako sa kanila. Nilipat ko naman ang tingin ko sa saradong pinto ng simbahan. Umaasa na huwag nang dumating ang bride.
“Ralph!” Napalingon ako muli sa mga magulang ko. Lumapit ang papa at tinapik ang balikat ko. Umiwas naman ako ng tingin. “Anak,” Buntong hininga niyang sabi at akmang magsasalita muli ng bumukas ang pinto. Mabilis akong tumalikod para itago ang galit sa aking mga mata. Ang puso ko ay nadudurog pa rin tuwing naalala ang ginawang pambababae ni papa. Mabuti na lang lumaki ako sa lola at hindi ko sila nakitang nagtatalo araw-araw pero matindi pa rin pala ang galit sa aking puso.
Nagsimula ng tumunog ang musika ng pag-ibig. Hindi pa rin ako lumilingon dahil ayaw kong masilayan ang babaeng naging sunod-sunuran sa gusto ng aming mga magulang. Sa pagkakatanda ko na sinabi sa akin. Mas matanda ako ng apat na taon sa kanya. Does it only mean that she was immature, pero bakit ganun? Bakit pa siya dumating? Bawat segundo kumakabog ang puso ko. Hindi ko alam kong sa galit, galak o simpatiya sa babae dahil wala siya mapapala na pag-ibig mula sa akin. Pumihit ako paharap nang biglang tumahimik ang lahat. Napamaang ang labi ko ng makita ang bride ko na nakatalikod at tinanggal ang suot niyang sandals. Sa isang iglap tumakbo siya ng mabilis palabas ng simbahan. Nakakabingi ang tahimik sa loob ng simbahan. Tumingin ako sa paligid. Halos pigil ng mga bisita pati mga magulang namin ang hininga. Hindi nila inaasahan na tumakbo ang bride. Ngumiti ako at bumulong, “Matapang ka pala. Mali ang pagkakakilala ko sayo.”
Ilang minutong katahimikan napalitan ng sigaw ng babaeng nasa side ng mga bride. Tinitigan kong mabuti. Ito siguro ang ina ng bride. Kawawa naman ang mga Forbes pero hindi na dapat ako makisawsaw sa gulong ito. Habang naghihisterikal ang ginang. Hindi alam ng mga bisita at kamag-anak kong tatakbo na ba sila sa labas para habulin ang bride o itatakbo sa ospital ang ginang.
“Get your phone! Call security!” galit na utos ng aking ama. Sumipol ako at hindi maitago ang ngiti. Ang galing! Uso pa pala ang runaway bride ngayon. “What?!” bulalas ng ama ko. Lahat ng cellphone namin nasa reception na. Masyado kasi nilang ginawang pribado ang kasal na ito na parang may magtitigil ng kasal. Hindi nila na isip na ang mismong bride pala ang magpapatigil nito. Pilit kong tinatago ang aking pilyong ngiti. Hindi na ko nakatiis at lumapit sa ama ko. Kunot pa rin ang noo niya pero hindi ako nagpakita ng takot.
“Deal is a deal, Dad. Alam ko na wala pa rin kayong tiwala sakin.” Mas lalo akong walang tiwala sa inyo. Sigaw ko sa aking isipan, “pero wala akong kinalaman dito. Ang usapan kung hindi matutuloy ang kasal, na sinabi mo pa na malabong mangyari ay makukuha ko ang freedom ko. Hindi niyo na papakialamin ang desisyon ko. Ayaw kong sumunod sa yapak niyo bilang Grigsby. I want to make my own decision in life.” giit ko. Tinaas niya ang kamao na handa na akong suntukin ng biglang humarang si mama.
“Tama na, Clemente. Kaya kong tiisin lahat huwag mo lang saktan ang anak ko!” galit na sabi niya. Nanghihina ako. Gusto kong yakapin ang mama ko at sabihin na iwan na niya si papa at sumama na lang sakin pero alam kong hindi siyang papayag. Nabulag siya sa tinatawag nilang pag-ibig o pagmamahal. Hinawakan ni papa si mama sa braso at lumabas na sila ng simbahan.
—
Hindi ako matahimik sa bahay dahil sa balitang naririnig ko. Even though I quit in business world of Grigsby hindi pa rin ako nakaligtas sa mga tanong nila. Bakit naging runaway bride daw ang napakabait at napakaganda na anak ng Forbes? Who cares?! Gustong kong isigaw sa kanila pero pinili ko na lang manahimik.
Hinagis ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Kahapon lang nangyari ang lahat pero parang ilang linggo nang nawawala ang babaeng yun at hindi pa rin matapos tapos ang mga tanong ng mga tao. Nag-uusisa sila kung nahanap na ba siya. Masyado naman ang mga Forbes. Sa pagkakatanda ko nasa edad na ang anak nila. Papunta ako sa dining room ng marinig ang boses ni mama.
“Tiana, huwag kang mag-isip ng masama. Sigurado ako na marunong sa buhay ang anak mo.” Tumahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita muli. “Huwag kang mag-alala, hindi kami galit sa kanya. Mahahanap din natin siya.” Kunot ang noo ko. Kami talaga? Sabagay hindi naman ako galit natutuwa pa nga ako atlast I have my freedom.
Nang binaba na niya ang telepono lumapit ako. Mapait siyang ngumiti at ginulo ang blonde kong buhok. “Hindi pa kita napapagalitan dyan sa buhok mo! Bakit ka nag-blonde?!” Natatawa na lang ako sa pilit na galit niyang tono. “Malaya ka na pero sana huwag mo akong kakalimutan.” Biglang lumuha ang mga mata niya.
“Bakit ko naman kayo kakalimutan? Hindi ko kaya magagawa yun. Sama ka na lang sakin, Ma.” Suhestiyon ko kahit alam ko ang sagot niya.
“Walang mag-aalaga sa Daddy mo,” sambit niya. Paano naman ako? Gusto ko sanang i-sagot pero hindi ko ginawa.
“Huwag kayong mag-alala. Tatawag pa rin ako sa inyo.” sagot ko at niyakap siya.
“Anak dapat araw-araw,” Napangiti ako sa sagot niya.
“Ma!” Nag- peace sign siya. Natawa naman ako. Lagi siyang masayahin sa harap ko pero alam ko lagi siyang umiiyak kapag nasa kwarto niya.
“Sige na. Alis ka na. Baka hindi na kita paalisin.” Malungkot niyang sagot. Ang mga mata niya ay mugto pa rin. Hindi kaya mali ang desisyon ko na pipiliin ko ang kalayaan ko kaysa magtiis kagaya ng mama ko?