Ang pera ay kayang pabilisin ang lahat ng okasyon. Ito ay isa sa kinamulatan ko. Halos dalawang linggo pa lamang ang nakalipas pero dumating na agad ang araw ng aking kasal. Hindi ko man lang nakilala ng personal ang lalaking papakasalan ko na mas lalong pinagtaka ko. Bakit ganoon parang ayos lang sa mga magulang namin na hindi man lang kami nagkita at nagkausap? It indeed indicates it is all pure business. Tumingin ako sa salamin. Kakayanin ko bang maisakatuparan ang aking plano. Maaga akong inayos kanina ng mga make up artist pero ngayon nawala na ang makeup dahil sa mga luhang sunod-sunod na tumulo sa aking pisngi. Kinuha ko ang facial tissues at pinunasan ang mukha ko. Dinampot ko ang red lipstick at nilagay sa aking labi.
“Myrtle, wala nang atrasan ito.” sambit ko sa sarili. Tumayo ako at tinignan ang gown sa tabi. Ang dream gown ko na pure white with a sparkling cyan color pero hindi ko pa rin magawang ngumiti.
“Napakaganda mo, Mam Myrtle,” Maluha-luha na sabi ni Yaya Marie. Humarap ako at yumakap sa kanya ng mahigpit. “Basta lagi mong tatandaan na nasa edad ka na at sundin mo ang puso mo.” Hindi ko napigilan na humagulgol habang haplos niya ako sa likod. “Tama na.” Tinulak niya ako bahagya at kinuha ang panyo sa bulsa. Dahan-dahan niya akong pinunasan sa mukha at ngumiti. “Kaya mo yan,” Tumango ako at nabuhayan ng loob. Biglang may kumatok ng malakas sa pinto. “Kailangan mo nang magpakita sa kanila sa simbahan.” Ngumiti ako ng mapait at nagsimulang magbihis.
Makaraan ang ilang saglit bumaba na ako sa hagdan at nakitang naghihintay ang mga magulang ko. Nakangiti sila sa akin. Ngumiti na lang ako ng pabalik. Sobrang lakas ng t***k ng aking puso. Nagdadalawang isip na ba akong ituloy ang planong pagtakas?
“Napakaganda mo anak. Mana ka talaga sakin,” komento ni Mommy na sinang-ayunan naman ni Daddy. Napangiti ako. Dumating ang dalawang driver at lumapit sakin ang naka asul na uniporme.
“Ma'am aalalayan ko na po kayo,” Tumingin ako kay Daddy pero hindi siya nagsalita.
“Myrtle, sa van kami sasakay, kaya sige na pumasok ka na sa bridal car.” Nawala ang ngiti ko. Nauna na silang lumabas ng bahay nang mapansin hindi ako kumikilos.
“Gusto mo bang sa bridal car na lang din ako sumakay?” Napalingon ako kay Yaya Marie.
“Okay lang po ako, sige po sumabay na kayo kay Manong Berteng.” Ngumiti si Yaya. Sa kanilang mag-asawa ko rin nakita na hindi lang sa libro nangyayari ang true love bagkus nangyayari rin sa totoong buhay. Naglakad ako palabas ng pinto habang hawak-hawak ng driver ang mahaba kong belo sa likod. Nakita ko ang puting kotse na may mga bulaklak sa harap nito. Pure white roses. Tumingala ako sa langit. Mararanasan ko pa ba ang tunay na pag-ibig kung matatali ako sa kasal na walang kasiguraduhan?
“May problema po ba?” Biglang tanong ng driver. Umiling ako. BInuksan niya ang pinto ng sasakyan at sumakay na ako sa loob. Habang papunta kami sa simbahan, maraming sumagi sa akin isipan. Tumalon na lang kaya ako sa kotse at magpagulong gulong? Tanong ko sa aking sarili ngunit na patingin ako sa driver. Siguradong siya ang masisisi. Ayaw ko nang may madamay sa gagawin ko. Umiling ako. Bahala na.
Halos kalahating oras ang byahe namin from Makati to this private church. “Nandito na po tayo,” magalang na paalala ng driver.
“Salamat,” sagot ko. Binuksan niya ang pinto at lumabas na ako. Abot hanggang mata ang ngiti ng aking magulang. Napatigil ako sa paglalakad. Sila naman ang lumapit sakin at yumakap. Ramdam ko ang pagmamahal nila. Itutuloy ko pa ba ang plano ko? Hinawakan nila ako sa magkabilang braso. Tumibok ng malakas ang puso ko. Susuwayin ko pa rin ba sila? Tumingin ako sa harapan ng simbahan. Ang mga puti at asul na mga rosas ay nakalagay sa harap nito. Nakita ko rin ang mga petals sa isang basket na nakatali sa taas ng entrada. Lumunok ako at nilalamon ng konsensya sa buong katawan. Pumikit ako ng mariin at huminto sa harap ng malaking pinto ng simbahan. Bigla naman tinanggal ng magulang ko ang hawak nila sa akin. Dumilat ako at nagtatanong ang mga mata. Sumenyas lang sila na dumiretso na ako sa loob. At that point nawala lahat ng guilt ko at nabasag ang puso ko. In the very end, still business. Giit ko sa sarili at mahigpit na hinawakan ang bulaklak sa aking kamay. Bumukas ang pinto at tumunog ang musika ng pag-ibig. Huminto ako at tumingin sa paligid. Konti lang nga ang guess sa kasal. Nakita ko umupo ang mga magulang ko sa unang upuan at katapat nito ay ang mga magulang ng groom. Wala ngang guard sa loob ng simbahan pati sa labas. Pinagbigyan nila talaga ang hiling ko. Napatingin ako sa harap. Nakatayo ang pari at sa harap niya may dalawang lalaki. Nakatuon ang atensyon ko sa lalaking na ka white tuxedo na makinis ang balat at may magandang hubog ng katawan kahit likod pa lang ang nakikita ko para na akong pinagpapawisan ng malagkit. Natuyo ang lalamunan ko at lumunok ng ilang ulit. Kapag hindi ako aalis ngayon wala na akong takas kaya sa isang kislap habang nakatingin ang lahat sa akin ng puno ng paghanga tumalikod ako. Hinawakan ko ang gown ko sa pinakababa ng aking bewang at tinanggal ang sandals ko. Ginamit ko ang buong lakas ko para tumakbo palabas ng simbahan. Narinig ko pa ang sobrang katahimikan sa loob ng simbahan. Sigurado hindi sila makapaniwala na ang Myrtle Forbes na kilala nila na mayumi, maganda at hinahangaan nila ay naging isang runaway bride. Patuloy ako ng pagtakbo at napahinto sa may lilim ng puno dahil sa sobrang sakit ng paa ko. Siguradong nagkasugat sugat na ito. Luminga ako sa paligid. Konting oras na lang ang mayroon ako. Sigurado ang mga smartphones nila ay pinatago rin dahil sa hiling ng mga magulang kong maging pribado talaga ang kasal.
Lumakas ang t***k ng puso ko nang hindi ko alam kong saang direksyon ako tatakbo. Mali talaga ang naisip ko. Bakit nakalimutan kong isipin kong saan ako pupunta pagkatapos maging runaway bride? Myrtle! Think!! Sigaw ko sa akin isip. Unti-unti nawawala ang pag-asa ko ng biglang marinig ang ingay malapit sa simbahan. Habang litong lito ako kung saan pupunta may huminto na truck sa harap ng gate ng simbahan. Mukha delivery truck ito ng mga gulay. Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo roon. Tumingin mo na ako sa paligid. Ang driver ko kanina ay malapit na sa gate. Buong lakas akong umakyat sa likod ng truck at nasabit pa ang belo ko. Sa inis ko tinanggal ko itong at hinagis. Sumabay ang hangin at nilipad ang belo sa malayo. Napaupo ako sa truck ng biglang umandar ito. Nagawa ko. Sana hindi ko pagsisisihan ito.
"Paalam Mommy at Daddy. Sana maintindihan niyo ako." Tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Saan kaya ako dadalhin ng desisyon kong ito?