Halos limang oras lang ang tulog ko kakaisip nang plano. Paano ako makakatakas sa sitwasyon ko? Dumilat ako at tumitig sa ceiling. Ilang saglit lang may isang mahinang katok ako narinig na agad naman nagpapikit muli ng aking mga mata ko.
“Buti naman nakatulog siya,” rinig kong bulong ni Yaya Marie. Gumalaw ako at tumagilid sa kaliwa upang itago ang namamaga kong mata. Narinig ko ang tunog ng kubyertos at plato na nilagay sa mesa. Sumunod ang maingat na pagsara ng pinto. Tumihaya ako at huminga ng malalim. Pinilit kong tumayo at lumapit sa mesa. Hindi pwede masayang ang pagkain niluto ni Yaya Marie. Pinilit kong kumain at gumaan naman ang pakiramdam ko. Nililigpit ko na ang pinagkainan ko ng biglang bumukas ang pinto.
“Are you excited?” Abot tenga ang ngiti ni Mommy habang hawak ang pink casual dress. Kunot ang noo ko sa sobrang iksi nito.
“Lalabas po ba tayo?” Tanong ko. Umiling naman siya at bago pa ko magsalita tinulak na niya ako ng mahina papasok ng shower.
“Maligo ka na.” utos niya at sinara ang pinto. Narinig ko pa ang sinabi niya. “Hindi na lang siya sumabay sa breakfast namin kanina,” may tono ng hinanakit sa boses niya.
Napapansin din pala nila ako. Nabuhay ang dugo ko at nagmadaling mag-ayos bago dumating ang mga bisita. Hindi na ko nag-abalang mag-make up at nagsuklay na lang. Sa pagmamadali ko sa pagbaba natapilok pa ko sa hamba ng hagdan. Mabuti na lang nahawakan ako ni Mommy.
“Myrtle!” sigaw niya.
“Sinusunod ko naman po lahat ng gusto niyo baka pwede huwag na natin ituloy ang plano niyo para sa kasal ko.” giit ko habang Iniinda ang sakit ng paa ko. Mukha mapipilayan pa ko. Tumahimik siya at biglang pumasok si Daddy. “Dad,” Baling ko sa kanya.
Halos limang minuto nakiupo ang katahimikan sa amin hanggang inalalayan akong makaupo sa sala. Nagdala naman ng ice pack si Yaya at nilagay sa paa ko. Nang makaalis siya tumayo si Mommy at naiwan nakatingin sakin si Daddy. “Please, I am still young, Dad. Pwede bang hayaan niyo muna ako makapagtrabaho sa labas at maranasan ang buhay sa labas.”
“Myrtle, marami ka nang naranasan sa buhay. You should settle down.” sagot niya.
“Hon!” Sigaw ni Mommy.
“Umayos ka,” bulong ni Daddy. Bumalik si Mommy sa sala na kasama ang gwapong lalaki na black ang buhok na may matangos na ilong pero halata ang mga wrinkles sa noo niya. Pinakatitigan ko siya. Ngumiti naman siya. Mas matanda sakin ang ipapakasal sakin? Naglalaro mga tanong sakin isip nang bigla dumating ang morenang babae na may singkit na mga mata.
Natameme ako sa Filipina Beauty niya at hinawakan niya ang siko ng lalaki. Huminga ako ng maluwag ng mapagtantong sila pala ang parents ng groom ko. Akmang tatayo ako upang magbigay galang, “Umupo ka na lang iha, pasensiya ka na at wala rito ang groom mo.” malumanay na sabi ng ginang. Bakas sa kanya mukha ang kalungkutan. Tumikhim naman ang asawa niya at umupo na sila sa sofa na kaharap namin.
“Okay lang yun, Mariel. Kumusta naman ang byahe niyo ni Clemente mula Baguio?” sagot naman ni Mommy at naghawak pa sila ng kamay.
“Huwag kang mag-alala. Medyo busy lang si Ralph Justin sa business pero siguradong matutuloy ang kasal niyo.” Matindig na sabi ni Mr. Grigsby kaya hindi ko narinig ang sagot ni Mrs. Grigsby sa Mommy. Ngumiti na lang ako. I smell something fishy. Siguro ayaw din magpatali ni Ralph Justin. Ang haba naman ng pangalan para nangangamoy babaero. Sa lahat ng mga nakilala ko mahaba ang name halos mayabang at playboy. Umiling na lang ako at tumingin sa paligid hanggang sakto palapit samin si Yaya Marie. Sumenyas ako na tulungan niya muna akong pumunta sa kusina upang uminom ng pain reliever. Tumango naman siya.
“Excuse lang po,” sagot ko. Tinulungan naman ako ni Yaya. Rinig ko pa na magiging pribado daw ang kasal namin at gusto pa ng parents ko maraming bodyguard hanggang simbahan. Umupo ako sa dining room at yumuko. Umiyak ako ng umiyak. Alam naman ni Yaya ang nararamdaman ko tungkol sa kasal na plinano ng parents ko. I am against it, but my parents continue to ignore my decision. Gusto nila sila laging tama. Kinuyom ko ang kamao ko at pinilit nilakad ang paa ko. Kahit sobrang sakit mas nananaig pa rin ang sakit sa puso ko. Hindi ko na kailangan ng gamot para magmanhid ang sakit ng paa ko. Ito pala ang sinasabi nila kapag kinimkim ang konting galit mas lalaki ito at mas masakit dahil kahit anong oras pwedeng sumabog.
“Myrtle, tulungan na kita,” Giit ni Yaya Marie. Umiling ako at dumiretso sa comfort room. Doon ako sumigaw ng sumigaw hanggang wala nang luha lumabas sa akin mga mata. Naghilamos ako at nagdasal na sana umurong na lang ang Ralph Justin na iyon. Nabuo ang konting pag-asa sakin puso. Sana huwag na lang siyang pumunta. Naalala ko ang itsura ng ama niya ng sinabi na siguradong pupunta si Ralph. Kunot ang noo ko. Lalo tuloy akong na curious kung ano ba ang ugali at itsura ng magiging groom ko. Kung playboy siya I think wala lang sa kanya ang kasal.
“Myrtle, what happened?” Naghilamos ako ng ilang ulit ng marinig ang boses ni Mommy at sunod-sunod na katok. “Come out,” sunod na sabi niya na may halong tuwa. Binuksan ko ang pinto at inabot niya sakin ang bouquet of white roses. Napangiti ako. Marami naman nanliligaw sakin noon pero laging red roses. Wala man sa kanila ang tumama na one of my favorite flower is white rose. For me, it symbolizes purity at maganda ang intensyon ng lalaki kapag binigyan ka nito. Hawak-hawak ko ang white roses habang papunta sa sala. Pilit nilalaban ang konti paghanga sa groom ko. Hanggang nakumbinsi ko ang sarili. Siguradong inalam niya lang ang gusto kong bulaklak.
“My son is so sweet.” Komento ni Mrs. Mariel Grisby habang nakangiti. Mukhang masaya na siya. Habang ang asawa niya walang emosyon pero halata sa awra niya ang inis. Umupo na lang ako sa sulok habang patuloy ang mga usapan nila sa kasal. Para lamang ako anino hanggang may ideya pumasok sa isip ko. It is the only way, kung ayaw kong tuluyan na masakal kailangan kong gawin ito.
"Maaari po ba akong huminga ng konting pabor?" Mahina kong sabi pero nakaharap kay Mrs. Grisby. Ngumiti naman siya at akmang magsasalita ang Mommy ng hinawakan niya ang kamay.
“Ayos lang iyon, Tiana. Pakinggan natin ang bata. Besides, sa kanila naman ang wedding na ito. She might have a better idea.”
Ngumiti ako ng maaliwas at hindi na nagpaligoy ligoy pa. “Tutal po private naman ang wedding namin, maaari po bang huwag ng magkaroon ng mga bodyguards?” Tumahimik silang lahat kaya nagpatuloy ako, “Sigurado naman po ako sa simbahan pa lang na pinili niyo at sa limited guess secure na secure po tayong lahat. Kaya sana po mapagbigyan niyo ako?” Ilang minuto ang katahimikan ng biglang tumawa si Mr. Clemente Grisby. Ang nakakatakot niyang awra napalitan ng liwanag. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ngumiti. Sana pumayag sila.
“Oo naman, iha,” Sabay sabi ng mag-asawa. Napatayo ako at yumakap kay Mrs. Grigsby. Biglang nabuhayan ako ng loob ngunit may kirot sa aking puso. Masyado silang mabait. Makakaya ko bang gawin ang plano ko?