Nakatuon lang ang mga mata ko sa larawan ni Clara at Daniel. Ang mga ngiti nila ay malapad at magkahawak pa ang mga kamay nila. “Ang pag-ibig ay mapaglaro pero dapat alam mo itong dalhin, kasi may mga oras na nabibigyan mo nang ibang kahulugan ang trato ng ibang tao sayo.” Malamlam ang mga mata ni Clara habang napapaluha. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. “Sige na nga. Sasama na ako sa plaza basta huwag mo akong iiwan.” Ngumiti siyang nakatingin sakin. “Alam mo minahal ko si Daniel pero si Dina ang mahal niya. Okay na sana ang lahat dahil magkaibigan kami ni Daniel mula pagkabata kaso nahulog ako sa kanya at nagtapat ng pag-ibig.” Huminga siya ng malalim at tinago ang larawan sa kanyang bulsa. “Doon na nag-umpisang umiwas si Daniel sakin. Kaya ngayon wala na akong kaibigan at ang masakl

