Hindi ko alam kong anong dapat kong sabihin kay nanay Ising kaya patuloy lang ako sa pag-iyak. Hanggang namalayan ko na lamang na nakayakap na siya sakin at pumikit ako. May musika nakakahalina sa aking tainga at mas lalong naging magaan ang aking pakiramdam ng marinig ang magandang boses na umaawit. Nagbibigay ito ng kapayapaan sakin isipan at pinikit ko ang aking mga mata. Ang kanta niya ay tumatagos sakin puso at isipan. Ramdam ko ang sakit, saya at kilig. Huminto bigla ang pag-awit niya at pagmulat ko nakita ko nakatalikod siya habang nakasuot ng suit. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya. Halos isang dangkal na lang ang aming pagitan ng biglang siyang humarap. Tinignan ko siya mula sa kanyang sapatos hanggang sa kanyang braso at nang mapadako ang tingin ko sa kanyang mukha bigla

