Kabanata 13

1790 Words
“Anyare sa iyo, boss-sir-among-tunay? Bakit ka tulala?” hindi maiwasang sabihin ni Marya nang pansin nakaupo lang sa ibabaw ng kama si Uncle Leon habang nakatulala at yakap-yakap ang unan. Sumulyap sa kanya ang lalaki na kanina ay nakatingin sa ceiling. “If you're done, you can go first in the lobby and wait for me there,” biglang sabi nito sa kanya. “Bakit naman sa lobby pa ako maghihintay kung pwede naman rito?” kunot-noong tanong niya. “Sige kung ayos lang sa iyo makita akong walang saplot, sige dito ka maghintay, at panoorin mo ako magbihis,” sarkastiko pahayag ng lalaki. Tumaas naman ang kilay niya. Aba'y bakit umiinit na kaagad ulo nito? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Gayong kanina may gana pa itong mang-asar at panay ngiti ‘a. Bakit ata mukhang wala na ito sa mood. “May PMS ata si tanda, ganun ata kapag nasa forty ka na,” mahinang bulong niya. “What are you murmuring about?” biglang tanong ng lalaki sa kanya dahilan para mapa-angat siya ng tingin. “Ay wala hu, sir-boss-among-tunay, sabi ko nga doon na ako sa baba ‘e,” aniya at mabilis na lumakad patungo sa pinto na walang lingon-lingon. Mayamaya pa ay nakita na lamang ni Marya ang sarili nakasakay na sa motor ni Uncle at binabaybay na nila ang daan pauwi. “May kailangan ako asikasuhin sa munisipyo kaya't kailangan natin tumigil. Baka may gusto kang bilhin pwede din tayo mag-stop over sa public market,” biglang sabi ni Uncle Leon sa kanya. “Ahmm, ingredients na lang siguro ng dinuguan. At itatanong ko pala, may mga groceries ka ba sa mansyon mo? Kung wala ay mag-groceries na rin sana tayo kung ayos lang, sir-boss-among-tunay,” sagot naman niya. “Ang groceries ay pagbalik na lang natin dahil motor lang ang dala natin baka mahirapan ka mamaya sa paghawak ng lahat ng bilihin at saka para makita mo rin kung ano laman ng ref, at ano mga kulang,” sagot ni Uncle Leon sa kanya. “Oh, sige, walang problema sa akin,” sagot naman niya. Hindi na umiimik si Uncle kaya't tumahimik na rin siya. Sino ba naman siya para makipag chikahan rito ‘e, katulong lang naman siya nito at mukhang wala sa mood si Tanda kaya't mas mabuti pang manahimik na lamang. “Kung gusto mo ay pwede tayo bumili ng mga damit para sa iyo, napansin ko kasi maliit lang ang maletang dala mo,” biglang sabi ng lalaki dahilan para mapasulyap siya sa review mirrors nito. “Saka na siguro kapag may sahod na ako sa iyo,” aniya sabay ngiti para maitago ang pagkahiya. “Kung pera ang pumigil sa iyo, huwag ka mag-alala. Ako na magbabayad, kaya't mamaya ay pumili ka ng mga susuotin mo,” giit ng lalaki sa kanya. “Aba'y nakakahiya naman sa iyo, boss-sir-among-tunay, wala pa akong na umpisahan na trabaho sa iyo pero ang dami ko na nakukuha, libre bahay, tubig, at pagkain. Ayaw ko na pati mga damit ay libre din, baka magmukha kang sugar daddy ko niyan,” aniya at bahagyang tumawa. “Bata pa ako para maging sugar daddy mo. At isa pa, pagtratrabahuhan mo naman lahat ng benepisyong nakukuha mo kaya't walang problema, at saka ako naman ang nag-alok at hindi mo naman hiningi,” seryosong sabi nito. “Swerte siguro ng magiging asawa mo, sir-boss-among-tunay, kasi mukhang provider ka ‘e at mukhang nag-spoil ka pa,” mahinang sabi niya. Hindi umiimik ang lalaki at sumulyap lang sa side view mirror ng motor nito. Kinagat naman niya ang ibabang labi. “Haysst! Bakit kailangan mo pa sabihin iyon? Tanga ka ba!” kastigo niya sa sarili. Tapos ay huminga siya ng malalim at tumingin sa dinadaanan nila, maaga pa kaya't hindi masyadong masakit ang sikat ng araw. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa munisipyo at kaagad na pumasok sila, nagulat pa siya ng sa Mayor office sila dumirekta. “Oh, Engineer, mabuti naman at narito ka na,” biglang salubong ng isang babaeng staff, malapad ang ngiti nito sa lalaki at hindi man lang siya napansin. “Oo, kanina pa ba sila?” sagot naman ni Uncle Leon. “Hindi na masyado, come and follow me, nasa conference room sila,” sagot ng babae at humawak pa sa braso ni Uncle Leon, kitang-kita niyang pinisil pa talaga iyon ng babae. “Sure, oh, by the way, iiwan ko mo na sa iyo itong kasama ko,” sabi ni Uncle Leon sa babae. Saka lang tumingin ang babae sa kanya bahagya pang tumaas ang kilay nito nang tignan siya mula ulo hanggang paa, bahagya tuloy siyang naasiwa. “And who’s this, Engineer?” tanong ng babae kay Uncle Leon sabay tingin sa lalaki at ngumiti. Nawala na kaagad ang asim ng mukha nito ng kay Uncle na nakatingin. “Aba'y ‘e napapaghalataan ang ale,” bulong ng utak niya habang minasdan ang babae na panay haplos sa braso ni Uncle Leon. “Oh, she's my guest. So, could you please accommodate her for me, while I'm in the meeting?” sagot ni Uncle Leon at bahagyang lumayo sa babae. “Oh, sure, don't worry, Engineer,” nakangiting sagot ng babae at inabot pa ang kamay niya. “Ako ang bahala sa kanya, basta't ilibre mo ako ng lunch ha, o mas maganda kung samahan mo ako mag-lunch,” maharot na dagdag nito at inabot na naman ang braso ng lalaki at hinaplos iyon. Habang siya ay nakatingin lang sa dalawa, hindi niya alam kung matatawa o masusuka siya sa kaharutan ng babae. “Oh, l'm sorry, hindi ako pwede mamaya ‘e, kailangan na ako sa rancho, maybe next time,” sagot ni Uncle Leon. “Ayos lang, bakit hindi mo na lang ako imbitahan sa rancho mo? Alam mo mahilig rin ako sa mag-alaga ng mga hayop at halaman,” pangungulit nito. Sumulyap si Uncle Leon sa kanya na para bang humihingi ng tulong. Tinaasan niya lang ito ng kilay, aba'y ano naman maitutulong niya? Hindi ba't siyang isang katulong lamang? Ano naman karapatan niya para bakuran ito. “Oh, Mayor, sorry if l'm late,” sabi bigla ni Uncle nang makita ang isang lalaking sumilip mula sa may conference room. “Sabi ko na nga narito ka na ‘e, l hear your voice inside. Bakit hindi ka pa pumasok?” giit ng lalaki na tinawag ni Uncle na Mayor. Imperness, pogi is Mayor at maskulado rin. Parang Turkey aktor ang atake, brown ang kulay ng mga mata nito. At mukhang may dugong dayuhan. “I was about to, did I keep you waiting?” sagot ni Uncle Leon at bahagya siyang hinila palayo sa babaeng dini-drawing ang kilay. “Ito kasing si Marites, bakit mo ba kasi hinaharangan si Engineer gayong alam mong may importante kaming pag-uusapan,” baling ni Mayor sa babae na kanina nilalandi si Uncle Leon. So, Marites ang pangalan nito? Bagay naman sa kanya, kasi malapad at malaki ang labi nito na animo'y namamaga. “Sorry, Mayor. Na excite lang kasi ako nang makita ko si Engineer,” sagot naman ng babae at humikhik pa na parang baboy. “Tsk, oh, sino pala itong magandang dalagang kasama mo? Siya na ba ang nobya mo, Engineer? Mabuti naman kung naisipan mo nang maghanap ng babae, at hindi puro trabaho at inaatupag mo,” natatawang sabi ni Mayor at tumingin sa kanya. Nahihiyang ngumiti naman siya rito at pilit binabawi ang kamay kay Uncle Leon na, mahigpit ang hawak sa kamay niya. “Oh, shut up, Hardin, she's not my girlfriend. She's my guest, and my nephew's girl,” sagot ni Uncle Leon na tinawag na sa pangalan si Mayor. “Oh, so, she's your nephew girl. Akala ko sa iyo kasi kung nakahawak ka sa kamay ‘e parang takot kang agawin ko,” natatawang sabi ni Mayor. “Tama na nga iyan, pasok na tayo sa may conference room at makauwi na ako,” giit ni Uncle Leon at binitiwan ang kanyang kamay sabay akbay kay Mayor at hinila ito papasok sa may conference room. Habang napakagat naman siya ng kanyang ibabang labi nang tumingin sa kanya si Marites. “So, nobya ka pala ni Dominic?” tanong niyo sa kanya at hindi na ma-asim ang mukha. Dahil ba, nalaman nitong hindi siya kasali sa mga karibal nito kay Uncle Leon? “Ganun nga hu,” simpleng sagot niya. “Oh, okay. Mabuti-mabuti, alam mo ba ang number ni Leon? Alam mo crush na crush ko kasi iyan ‘e kaso ang ilap sa mga babae kaya't swerte mo na lang talaga kung makita mo iyan at makausap kahit sandali lang,” kinikilig na sabi niyo. “Ay pasensya na wala akong number niya ‘e,” sagot niya at umupo sa may gilid. “Ay sayang naman. Kapag nalaman mo sabihan mo ako ‘a, may social ka ba?” giit ng babae sa kanya at umupo sa tabi niya. Umiling siya. “Wala ‘e,” pagsisinungaling niya. Ayaw niya kasi na kulitin siya nito. “Ay naku! Saang bundok ka ba nakatira at wala kang social media? Hindi rin ba uso sa iyo ang cellphone?” nakasimangot na sabi ng babae. Parang gusto niyang isaksak sa bunganga nito ang cellphone niya kaso pinigilan niya ang sarili ayaw naman niyang mag-eskandalo rito at ipahiya ang sarili at si Leon. “Hindi ako mahilig sa cellphone ‘e,” sagot na lamang niya. “Argh!! Sige na nga lang diyan ka na,” sabi nito at biglang tumayo at iniwan siya. Bumungonghininga naman siya. Mukhanh matatagalan si Uncle Leon sa loob dahil may pag-uusapan ang mga ito. Mukhang may upcoming projects ito. Ilang minuto pa ay naririnig na niya ang boses ni Uncle Leon palabas sa may conference room kaya't mabilis na tumayo siya pero bago pa man siya makalapit rito ay lumitaw na sa harap nito si Marites. “Engineer, okay na ba? Tapos na kayo mag-meeting? Kung gayon ay bakit hindi ka sumama sa akin sa canteen, mag-snack tayo,” mabilis na giit ng babae at humawak kaagad sa may braso ng lalaki na animo'y tuko kung nakakapit. Inalis naman ng lalaki ang kamay nito. “Pasesnya na, hind ako pwede. Ang sabi ko nga kanina nagmamadali ako, sila na lang ang alukin mo,” sagot ni Uncle sabay turo sa iba pang kasamahan nito. Tapos ay lumakad palapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya, sinubukan niyang bawiin pero ayaw nito bitiwan. “Ano ka ba, bitiwan mo kamay ko at baka ipakulam ako ng tagahanga mo,” bulong niya sa lalaki dahil nararamdaman niyang matalim ang tingin ni Marites sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD