“Shh, mukha lang iyan mambabarang pero hindi iyan marunong mangbarang,” bulong naman sa kanya ni Uncle Leon at hinigit siya palapit rito.
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano sa sinabi nito.
“Pero, Engineer–”
“Ah, biglang sumakit ang tiyan ko,” bulalas niya sabay hawak sa kanyang tiyan para makaalis na sila at maiwasan si Marites dahil mukhang desidido talaga itong ma-amuhin si Uncle Leon.
“Huh? Bakit naman pabigla-bigla?” bulalas Marites na nasa harap nila. Hindi to makalapit kay Uncle Leon dahil nga nakahawak si Leon sa kamay niya at ngayon ay inaalalayan siya dahil umaakting si na namimilipit sa sakit.
“Hindi ko alam, aray!” aniya at ngumiwi-ngiwi pa.
“Halika lagyan natin ng efficient,” sabi ni Marites at akmang kukunin siya kay Uncle Leon.
Nagkatinginan si ni Uncle Leon, at tila nag-uusap ang mga mata nila. Walang ano-anong nagpatumba siya sabay pinikit ang kanyang mga na kunware ay nawalan siya ng malay.
“f**k! Excuse me, l need to bring Marya to the nearest hospital. It seems this is not just a simple stomachache,” natarantang sabi ni Uncle Leon at kaagad siyang binuhat.
“Huh? Pero teka, Engineer—”
“Bye,” giit ni Uncle Leon at dali-daling umalis sa lugar na iyon.
Nang nasa malayo na sila ay binuksan niya ang kanyang mga mata.
“Okay na, ibaba mo na ako,” aniya rito nang nasa hangdan na sila.
“Mamaya na baka sumunod iyon,” sagot ni Uncle Leon at hinigpitan ang pagkahawak sa kanya.
“Ang oa mo naman, hindi na susunod iyon, ibaba mo ba ako at nakakahiya kapag hanggang sa baba ay ganito tayo,” aniya rito.
“Oo na ito na, ibaba na kita, huwag ka maikot at baka malaglag tayong dalawa,” sagot nito at dahan-dahan siyang binaba nang makarating sila sa malapad na space ng hagdan.
“Mabuti naman at naisipan mo ako tulungan,” biglang sabi ni Uncle Leon sa kanya kaya't napatingin siya rito.
“Alanagan namang hindi ‘e mukhang ayaw ka talaga tantanan ng Marites na iyon, mukhang baliw na baliw sa iyo. Hiningi pa ang number mo sa akin ‘e,” humahaba ang ngusong aniya habang naglalakad na sila pababa ng hagdan.
“Mukha nga, binigay mo number ko?” sagot ng lalaki.
“Pano ibigay ‘e wala naman akong number mo,” aniya sabay tawa.
“Pero kung mayroon ibibigay mo ba?” biglang tanong ng lalaki.
Kaya't napatigil siya sa paghakbang at napatingin rito.
“Hindi rin,” sagot niya.
Lumiwalas ang mukha nito. “Bakit? Pano kung bigyan ka niya ng pera o hindi kaya't regalo?”
“Mas malaki na naman natatangap ko mula sa iyo kaya't sa simpre ako kakampi at isa pa ay ano naman karapatan ko ipagkalat number mo?” sagot naman niya.
“Oo nga naman… mabuti at nag-iisip ka hindi gaya ng iba, nasusuhulan ng pera,” mahina ang boses nito sa huling salita.
“Hayy, hayaan natin iyon tapos na iyon. Oo pala, malayo ba rito ang public market ninyo?” pang-iiba niya ng usapan.
“Medyo, hindi ka pa nga pala na ipasyal ni Dominic rito ano? Matagal na ba kayo ni Dominic?” biglang tanong nito sa kanya.
“Hindi ‘e. Medyo, ay speaking of Dominic, nakarating na kaya siya sa Maynila? Hindi kasi sumasagot sa text ko,” aniya sabay tingin sa cellphone.
Initext niya ito kaninang umaga kung kamusta na ba ito, o nakarating na ba ito, habang nasa lobby siya kanina naisipan niyang itext at tawagan ang nobyo. Ngunit walang sumasagot.
“Probably he arrive last night in Manila, baka may ginawa lang o baka patay ang cellphone,” sagot ni Uncle Leon na hindi tumitingin sa mga mata niya.
Nagkibit balikat siya. “Baka nga…”
Nakarating na sila kung saan naka-park ang motor ni Uncle Leon.
“Halika, suot mo itong helmet baka kasi may mga nagbabantay at madakip tayo dahil wala tayong helmet,” giit ng lalaki at kinuha ang helmet at sinuotan siya.
Hindi niya maiwasan mapatingala rito, seryoso ang mukha ng lalaki habang kinakabit ang ang kanyang helmet. Nang magbaba ng tingin ang lalaki at nagtama ang mga mata nila ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya na animo'y gustong lumabas sa dibdib niya.
“Okay na,” sabi ni Uncle Leon at kaagad na umiwas ng tingin at tumalikod.
“T-Thank you,” aniya at inayos ang helmet sa ulo niya, medyo malaki kasi iyon sa kanya.
“Come, hop in,” sabi ni Uncle Leon na nasa motor na ngayon.
Umangkas naman kaagad siya. Ilang sandali pa ay tumigil na sila sa isang public market, iyong traditional at hindi pa na modernized.
“Oh, Engineer, naparito ka, aba'y may kasama kang magandang dilag ‘a. Nobya mo, Engineer?” salubong ng isang ale sa kanila nang papasok sila sa tindahan.
“Ay h–”
“Oo, Aleng Susan, may mga bagong damit ka ba rito na dumating? Gusto ko sana bilhan itong misis ko, dapat may discount ha,” sagot ni Uncle Leon at hinawakan ang kamay niya at hinigid palapit rito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata at umusog siya palapit rito para bumulong.
“Ano kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo? Bawiin mo iyon,” aniya at pinanlakihan ito ng mga mata.
“Aba'y ang swerte mo naman, batang-bata at maganda pa itong nobya mo. Oo pala, mayroon akong bagong dating tiyak na swak iyon sa magandang dilag na ito, pero Engineer, hihingi ka pa ba ng discount? Marami ka namang pera, kaya't huwag ka na magdiscount at pakyawin mo na itong mga bagong dating na mga paninda ko,” humahaba ang ngusong sabi ni Aleng Susan.
Tumawa si Uncle Leon kaya't lumabas ang biloy nito.
“Ito naman binibiro lang kita simpre bibilhin ko ng buo ang presyo ang paninda mo basta ba't magustuhan nitong nobya ko, at inakbayan pa siya.
“Aba'y ang swerte naman niya sa iyo, gwapo ka na, mapera at maskulado pa,” giit ng Aleng Susan at mukhang bentang-benta rito ang kasinungalingan ni Uncle Leon.
“Sumakay ka na lang, dahil mula ngayon dito ka na magtitinda kaya't mas maigi kung kilala ka nila bilang nobya ko para madali lang sa iyo maipaghalobilo sa kanila kapag ikaw lang mag-isa mamili, dahil paniguradong maraming tutulong sa iyo dahil kilala ako sa bayang ito, walang mag-iisip na dayain ka o lokuhin ka,” bulong ni Uncle Leon sa kanya.