Kabanata 15

1567 Words
“Mukha ba akong mabilis magpaloko?” taas kilay na bulong niya sa lalaki habang si Aling Susan ay malapad ang mga ngiting nakatingin sa kanila habang binubuksan ang malaking sako bag. “Naku, ang sweet ninyo tignan na dalawa. Natutuwa akong malaman na sa wakas ay may nagpapasaya na sa iyo, Engineer at hindi ka na mag-iisa,” natutuwang sabi ni Aling Susan sa kanilang dalawa kaya’t hindi natuloy ang pagpapaliwanag kung sana ni Major sa naging sagot niya. “Ay naku, ito kasing nobya ko ay natural na malambing at laging gustong dumukit sa akin kaya’t pagpasensyahan ninyo kung dikit na dikit kami sa isa’t-isa,” nakangiting sabi ni Uncle Leon kaya’t hindi niya maiwasang kurutin ang tagiliran nito. “Aray!” daig ng lalaki dahilan para mapalayo siya rito. “Oh, ano nangyari, Engineer?” nag-alalang tanong ng matanda na kaagad na dinaluhan ang lalaki. “Wala hu, kinagat lang ako ng langgam, dahil siguro masyado kaming sweet sa isa’t-isa at pati langgam ay hindi maiwasang makuha ang pansin,” natatawang sabi ni Uncle Leon at umakbay sa kanya. “Diba, sweetheart?” giit nito sa kanya. Napatingala siya sa lalaki, dahil nga mataas ito sa kanya, napakagat siy ng kanyang ibabang labi nang magtama ang mga mata nila at tila ba’y hinuhukay ang sikmura niya at bumilis ang t***k ng puso niya kaya’t mabilis siyang bumawi ng tingin at inalis ang pagka-akbay ni Uncle Leon sa kanyang balikat at humakbang patungo kay Aling Susan. “Tulungan na hu kita,” aniya sa matanda nang mapatingin ito sa kanya. “Aba’y naku inang, ang bait mo naman, maraming salamat. Pwede ka na rin mamili ng gusto mong bilhin, bagong dating kasi ito kaya’t hindi ko pa nailabas, at ikaw pa lang ang unang makakapili kaya’t napaka-swerte mo,” pahayag ng matanda sa kanya. Sinuklian niya ito ng ngiti. “Ganun hu ba?” “Aba’y oo, kung gusto mo ay pwede mong isukat, mayroon kaming dressing room rito para malaman mo kung kasya ba sa iyo o hindi. Mayroon akong ternong pantulog, pambahay at panglakad. Kung mahilig ka sa bestida, palda, at shorts ay mayroon din ako. May spaghetti at t-shirt din pambabae kung iyon naman ang iyong hilig,” salaysay ng Ginang sa kanya. “Kumuha ka ng limang pares kada isa,” singit ni Uncle Leon nakatayo sa may gilid nila habang nakatungkod ang mga kamay sa ibaba ng mga damit na animo’y naaliw na nood sa ginagawa nila ni Aling Susan. “Oh, narinig mo ba iyon, ineng? Aba’y huwag kang mahiya at sundin mo ang sinasabi ni Engineer,” natutuwang sabi ni Aling Susan sa kanya. Ngiti lang ang naging tugon niya. “Oh, heto, ineng, off shoulder na bestia paniguradong babagay to sa iyo, dahil sa hindi ba’t sa rancho ka ni Engineer tumutuloy? Mas komportable itong suotin at hindi ka pa maiinitan at mabilis lang hubarib,” kumitdat pa sa kanya si Aling Susan. Hilaw natawa ang lumabas sa kanyang mga labi. “Oo nga hu, sige idagdag ninyo iyan,” aniya para wala nang maraming diskasyon. “Do you have any pair of undergarments here, Aling Susan?” biglang tanong ni Uncle Leon sa Ginang. Kaya’t napatingin rin siya sa gawi nito na ngayon ay nililibot ang tingin sa mga iba pang paninda na nasa loob ng tindahan ni Aling Susan. “Of course, I have, Engineer. Bakit nais mo bang bilhan ang iyong nobya?” sagot ni Aling Susan kay Uncle Leon na kinagulat niya dahil magaling ito mag-intindi ng ingles kaysa sa kanya. “Opo, pakita ninyo nga po kay Marya para makapili siya,” giit ni Uncle Leon. Bumaling naman sa kanya ang matanda at umusog pa palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Gusto kang bilhan ng pnnty ni Engr, aba’y nagpa-panty ka ba, Marya? Kung ako ang syota ni Engr, aba’y hindi na ako mag-panty,” bulong nito sa kanya sabay humikhik. Hindi niya akalaing hindi lang madaldal ang ale kundi napakapilya rin. “Ah, eh, hindi naman po kasi Marie ang pangalan ko na hindi nag-p-panty araw man o gabi, si Marya po ako at kailangan ko ng panty, hehehe.” Tumawa ang Ale. “Aba’y gusto ko iyang humor mo.” Tapos hinampas ang kanyang balikat na animo’y teenager na kinikilig. “Hehehe, sige na hu, bilisan na natin sa pagpili para makabili na kami ni Leon ng mga ingredients ng duguan,” aniya mayamaya dahil kumakalam na rin ang kanyang sikmura. “Aba’y marunong ka pala magluto?” gulat na tanong ng matanda. “Oho, lahat ng gawaing bahay ay alam ko,” sagot niya sabay kiming ngumiti rito sabay sini-seperate na ang mga nais niyang kunin sa hindi. “Aba’y Engineer swerte ka pala sa nobya mo, dahil hindi lang basta maganda, seksi, bata kundi marunong pa sa gawaing bahay, madalang na lang ang babaeng ganiyan sa panahon ngayon,” giit ni Aling Susan kay Leon na nakamasid pala sa kanila. Ngumiti ang lalaki kaya’t lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi. “Talagang swerte ako diyan sa sweetheart ko,” pagmamalaking sagot ng lalaki at hinila pa siya palapit at inakbayan. Aba’y ang loko na wili na ata ‘a. Mukhang kinaka-career na ang pagpanggap nila. Ngunit nagtataka siya sa kanyang sarili dahil imbis na mainis ay nakuha pa niyang ngumiti. Natutuwa ba siya sa set-up nila? “Kung ako sa iyo, Engr, papakasalan ko na si Marya, at baka makuha pa ng iba,” dagdag pa ni Aling Susan na ngayon ay binabalot na ang mga pinamili nila. “That’s right, bulag na lang ang hindi makakita kung gaano ka good catch, itong sweetheart ko. Hayaan ninyo’t kapag pumayag siyang pakasalan ako ay gagawin ka naming ninang,” pababidang sagot ni Uncle Leon. Hindi niya maiwasang mapatingala rito. Hindi niya alam pero parang gusto niyang itanong kung pagpapanggap pa rin ba ang mga ginawa at lumalabas sa mga labi nito o hindi? Masyado kasing kombinsing. Kahit kay Dominc ay hindi niya nga narinig ang mga salitang iyon. Teka, bakit niya naman pinagkumpara ang magtiyuhin? Piniling niya ang ulo. “Umayos ka, Marya! Magdadalawang araw mo pa nga lang nakasama ang lalaking ito ay nagagawa mo nang ikumpara sa iyong nobyo? Nababaliw ka na ba?” tahimik na kastigo niya sa kanyang sarili. “Oh, siya, heto na ang mga pinili ni Marya,” giit ni Aling Susan at binigay kay Uncle Leon ang plastic bag na may kalakihan, akmang aabutin niya ang isa pa kung saan nakalagay ang box ng underwear ay mabilis na inagaw iyon ni Uncle Leon. “Ako na,” sabi nito at inalis ang pagka-akbay sa kanya tapos kumuha ng pera sa pitaka nito at inabot kay Aling Susan na tuwang-tuwa dahil limang libo iyon ay pina-keep the change na lamang ng lalaki. “So, pano mauuna na kami,” sabi mayamaya sabi ni Uncle Leon kay Aleng Susan na kaagad namanng tumango. “Sige, humayo na kayo at magpakarami,” pilyang sabi nito at kumaway pa sa kanila. Natawa lamang si Uncle Leon at saka ginaya siya palabas sa may tindahan nang nasa labas na sila ay malayo na sa tindahan ni Aling Susan ay binawi niya ang kamay sa lalaki ngunit napahiyaw siya ng hinigit siya palapit ng lalaki. “Narinig mo sabi ni Aling Susan? Humayo raw tayo at magpakarami,” bulong nito sa kanyang tenga. Nanlaki naman ang mga mata niya sabay siniko ang dibdib nito. “Tumigil ka nga, masyado mo nang kina-career ‘a,” aniya at binawi ang kamay rito at lumayo. Tumawa lamang ang lalaki. “Ang kyut mo talaga mapikon, namumula ang mga pisngi at ilong mo, selosa ka siguro no?” Tumaas kilay niya. “Bakit mo naman nasabi iyan.” Inabot nito ang tungki ng ilong niya pinisil iyon. “Namamawis ang ilong mo ‘e,” giit nito bago bitiwan ang ilong niya. Sumimangot siya. “Nawiwili ka na talaga sa kakaasar sa akin ano?” “Bakit bawal ba?” balik tanong nito at sumeryoso ang mukha. Umiwas siya ng tingin. “Hindi naman…” pabulong na sagot niya. Inakbayan naman siya nito. “Iyon naman pala ‘e, tara na at bumili ng rekados, hindi na ako makapaghintay ang diguan mo.” “Leon! Bitiwan mo nga ako, ang bigat kaya ng braso mo, pwede naman tayo maglakad na walang akbay-akbay ‘a,” aniya at akmang aalisin ang pagka-akbay nito. “Hayaan mo na ako, at saka makakatulong ito sa iyo kapag makita ng mga lalaking tindero sa pupuntahan natin, hindi ka nila popormahan, dahil alam nila ako makakalaban nila,” bulong nito sa tenga niya. Pakiramdam niya’y tumayo ata lahat ng balahib niya sa kanyang katawan dahil tumama ang mainit na hininga ni Uncle sa kanyang tenga at maging malambot nitong labi. At hindi niya maiwasang mapaisip, ano kaya ang pakiramdam kapag ang malambot na labi nito ay tumama sa kanyang mga labi? Magaling din kaya ito humalik? Matamis din kaya ang laway nito? “Ah, hindi!” biglang bulalas niya sabay iling-iling pa. “Anong hindi?” takang tanong ni Uncle Leon sa kanya. Napatingala siya rito, tapos bumaba ang kanyang mga mata sa may labi ng lalaki, pakiramdam niya’y hindi na siya ata humihinga habang nakatitig sa mga labi nito. “Gusto mo tikman? Libre lang iyan,” pilyong sabi ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD