Kabanata 16

1695 Words
Dahilan para mapakurapkurap siya at mabalik sa wisyo ang kanyang utak. Umatras siya papalayo dito, sabay yuko, at dahil hindi tumitingin sa ina-atrasan niya ay bigla siyang nawalan ng balanse bang mabunggo ng likod ng paa niya ang isang matigas na bagay. “Ah!!!” tili niya sabay pikit ng nga mata sa takot na baka mabuhok ang ulo niya. Matigas pa naman ang semento na la-landingan niya kung sakali. “Got you.” Mabilis siya napamulat ng kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ni Uncle Leon at ang pagpulupot ng braso nito sa bewang niya, pagkatingin niya sa mukha nito ay, umangat ang gilid ng labi ng lalaki. “Binibiro lang kita, bakit naman na taranta ka bigla,” kakangising sabi nito sa kanya. “Muntik ka pa tuloy masaktan, huwag ka na sa susunod magkape at masyado kang nerbyosa,” dagdag pa nito at tinulungan siyang makatayo. Tinulak niya naman ito papalayo. “Heh! Bakit ka naman kasi mga ganiyan ang mga biro mo,” aniya at nagpatiunang lumakad pero kaagad din siyang tumigil dahil hinawakan ni Uncle Leon ang kanyang kamay. “Hindi diyan dito,” sabi nito at hinigpitan ang pagkahawak sa kamay niya. “Huwag matigas ang ulo, para rin ito sa iyo, bago ka pa lang sa palengke na ito at maraming tao sa loob kaya't mas mabuti kung magkahawak kamay tayo,” dagdag nito ng subukan niya bawiin ang kamay mula rito. “At sa tanong mo, mukha kasing gusto mo tikman ang labi ko ‘e kaya't tinulungan na kita at ako na mismo nag-alok,” nakangising pagtatapos nito sa sinabi. “Masyado ka naman atang feelingero, Uncle Leon. Tinitignan ko lang ang labi mo dahil masyado siyang mapula para sa isang lalaki,” pagsisinungaling niya para ipagtanggol ang sarili. Umangat ang gilid ng labi ng lalaki. “Ganun ba? Eh, ano magagawa ko ito ang kulay niya mula pa noon, maganda din naman ang kulay ng labi mo parang katulad ng nasa monika, pinkish, hindi ka niyan nag-lipstick?” Napatitig siya rito. Dahil hindi niya inaasahan na ino-obserbahan pala siya ng lalaki. “Hindi ‘e, mas gusto ko pang ibili ng libro ang pera ko kaysa sa make-up,” aniya at natawa. “Kung gusto mo ay ipasyal kita sa book sale dito sa bayan, kung iyan ang iyong hilig magkolekta ng libro,” wika ng lalaki kaya't napatingala siya rito. “Saka na kapag sumahod na ako sa iyo. At kung may matira, dahil may utang ako sa iyo,” sagot naman niya. “Utang? Wala akong maalalang utang mo,” nagtatakang sabi ng lalaki habang binabaybay na nila ang daan papasok sa may meat section na ang katabi ay gulayan. “Iyang mga damit na pinamili natin,” sagot naman niya sabay nguso sa bitbit nito. “Oh, this? Come on, l told you, bigay ko ito sa iyo, hindi ito utang, mukha ba akong bombay sa paningin mo?” giit ng lalaki. Hindi niya maiwasang matawa kasi kinumpara nito ang sarili sa bombay. “Mas gwapo ka kaysa sa bombay,” bulalas niya. Dahilan para napatitig ang lalaki sa kanya at napatigil sa paglakad. “Say it again,” sabi nito gamit ang seryosong tono. Kumunot naman noo niya. Bakit tila apektadong-apektado ito? “Ang sabi ko mas gwapo ka kaysa sa bombay, okay na?” aniya na at umiwas ng tingin. Nasabi na niya ‘e kaya't wala nang saysay kung ibabawiin pa niya. Kumurba ang ngiti sa mga labi ng lalaki. “Mabuti naman at alam mong gwapo ako,” anito. “Ewan ko sa iyo, bilisan na nga natin nagugutom na ako ‘e,” aniya at nagpatiunang lumakad habang tawang-tawa naman na sumunod si Uncle Leon sa kanya. **** Pagdating nila sa mansyon ay may hindi inaasahang bisita si Uncle Leon na naaabutan nilang nakaupo sa may living area. “Oh, doktora, naparito ka?” salubong ni Uncle Leon sa babaeng morena, matangkad, kulot ang buhok at maganda. “Pinatawag ako ni Anton, manganganak na raw si Amara,” sagot ng babae at sumulyap sa kanya, at binalik ang tingin kay Uncle Leon. Kinuha naman niya ang mga plastik na bitbit ng lalaki. “Akin na,” aniya kay Uncle Leon. “Hindi na, ihahatid na kita sa kwarto mo,” sagot naman ni Uncle Leon sa kanya. “May bisita ka kaya't mas mabuti kung ako na magdadala ng mga ito, huwag ka mag-alala, kahit parang buto-buto na itong kamay ko ay malakas ako,” aniya sabay ngiti at kinuha na rito ang mga plastic. Bumungonghininga si Uncle Leon. “Alright then,” sagot nito at hindi maalis ang tingin sa kanya. “Knight, magpapasama sana ako puntahan si Amara, wala dito si Anton ‘e, pwede bang ikaw ba na lang? Hindi ba't nasasabik ka na rin makita siyang manganak?” singit ng doktora para makuha ang atensyon ni Uncle Leon. Napatingin naman ang lalaki rito. “Right, let's go then,” giit ni Uncle Leon at lumakad palapit sa babae at ginaya ito palabas. Nagtama ang mga mata nila ng Doktora, ngumiti siya dito, ngunit hindi ito ngumiti sa kanya pabalik na para bang galit ito sa kanya. Napabuntonghininga naman siya. “Oh, Marya, mabuti naman at dumating na kayo, akala ko'y napano na kayo sa daan,” salubong sa kanya ni Nana Rusing ng makita siya. Galing ang babae sa kusina at may sumunod na babae rito. “Oho, na stranded po kasi kami sa daan. Nana, may mga pagkain pinamili si Leon, at ang lechon na natira ay nais ko sanang lutuin, ayos lang bang pakialam ko ang kusina?” magalang na sagot niya. “Aba'y oo naman, ito pala asawa ni Anton na anak ko, si Ruth, kakauwi lang galing Maynila,” biglang sabi ni Nana Rusing. Ngumiti naman siya sa babae. So, anak pala ni Nana Rusing si Anton? Ito siguro ang katiwala ni Uncle Leon sa Rancho. “Nice to meet you, Ruth. Ako nga pala si Marya, ang nobya ni Dominic, at bagong katulong ni Uncle Leon,” pakilala niya naman sa sarili. “Nobya ka ni Dominic? Akala ko'y si Leon ang iyong nobyo,” gulat na bulalas nito. “Ruth! Ano bang pinagsasabi mo, tulungan mo na nga lang si Marya iakyat ang mga pinamili nila at ako na bahala sa mga pagkain at rekados na ito,” pahayag ni Nana Rusing at kinuha sa kanya ang ibang plastic. “Sige, nay, tara na, Marya,” sagot ng babae at kinuha rin sa kanya ang ilang plastic nalaman ay mga damit niya. “Pasensya ka na sa bibig ko minsan talaga walang preno,” biglang sabi ng babae sa kanya habang paakyat sila ng hagdan. “Ayos lang hindi naman ako ganun kabilis ma-offend, oo pala, sino ba si Amara? Narinig ko kanina ‘e manganganak na raw,” hindi niya maiwasang itanong. “Ah, ang baboy iyon ni Leon, na matagal nang hindi nabubuntis kaya't tuwang-tuwa ang loko ng malamang sa wakas ay nabuntis at manganganak na. Akala mo naman siya ang tatay,” natatawang sagot ni Ruth. “Ngek! Akala ko kung ano na, may pagka-weirdo din pala si Uncle,” aniya at hindi maiwasang matawa na iimagine niya kasi ang mukha nito. “Sinabi mo pa pero kahit ganiyan iyan mabait naman iyan at mapagbigay kaya't malaki talaga ang utang na loob naming mag-asawa kay Leon. Kung hindi dahil sa kanya ‘e wala magiging trabaho si Anton at paniguradong hindi ako makakauwi rito. Alam mo bang, binigyan niyan kami ng bahay at lupa? At pinapa-swelduhan niya rin si Anton buwan-buwan, ayaw nga nun sana na tumulong ako rito sa mansyon pero ako nag-insist kakahiya naman at isa pa wala namang akong gagawin sa bahay namin,” kwento ni Ruth. Kaya naman pala sabi ni Uncle ay si Nana Rusing lang katulong niya rito. At ngayon tatlo na sila, masaya nga siyang hindi lang ang matanda ang makakasama niya sa loob ng mansyon na ito. “Gusto mo bang manood pano magpa-anak ng baboy? Pwede tayo sumunod roon sa piggery, hindi naman kalayuan iyon rito,” biglang sabi ni Ruth sa kanya nang makarating na sila sa kanyang silid. “Pwede naman, tatapusin ko na lang paghanda ng pagkain. Hindi pa kumakain si Uncle, mabuti siguro kung dalhan ko na lang rin, sa palagay mo, Ruth?” aniya habang inalalagay ang mga pinamali sa ibabaw ng kama. “Magandang ideya iyan. Tulungan na lang rin kita sa paghahanda para mapabilis, mag-aalas nuwebe na rin kasi,” sagot naman ni Ruth. Napangiti siya. “Salamat, ipagluto na lang rin natin iba pa niyang kasama roon.” “Ah, si Doktora lang naman kasama niya roon, dahil may inasikaso si Anton sa plantasyon,” sagot Ruth. Napatango naman siya. “Paniguradong kinilig pati kipay ni Doktora gayong masosolo niya si Leon sa piggery,” biglang dagdag ni Ruth. “May gusto ba siya kay Uncle?” hindi niya maiwasang itanong. “Aba'y oo, matagal na. Palagi nga kinikwento sa akin ni Anton ang nakaraan ng dalawang iyan,” sagot ni Ruth. “Mag-ex sila?” nanlalaki ang mga matang tanong niya. “Hindi naman pero matagal nang nagpaparamdam si Doktora kay Leon, naputol lang noong nagkaroon ng nobya ang lalaki at umabot pa sila kasalan na hindi naman na tuloy, siguro ngayon ay mag-first move na talaga si Doktora dahil single and ready mingle na si Leon,” humikhik lang sabi ni Ruth. Nagbaba naman siya ng tingin at kinakagat ang kanyang ibabang labi. Hindi niya alam pero parang gusto niyang lumipad papunta sa kinaroonan ng dalawa. “Marya? Baka mapunit mo iyang damit na hawak mo.” Napakurapkurap naman siya nang marinig niya ang boses ni Ruth. Tapos bumaba ang tingin niya sa damit na hawak niya hindi niya alam na kumuha na pala siya ng damit galing sa plastic. “Ayos ka lang ba?” Tumingin siya sa babae. “Oo naman, pasensya na nagugutom lang siguro ako.. Mabuti pa'y bumaba na tayo at magluto.” “Mabuti pa nga,” sagot naman ni Ruth at lumabas na sila sa kanyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD