Kabanata 17

1701 Words
“Tignan mo ang dalawa parang mag-asawa lang na naghihintay ng apo,” natutuwang sabi ni Ruth nang matanaw nila si Doktora at Uncle Leon na nakatayo sa may babuyan at magkatabi. “Oo nga…” sagot niya na labas sa ilong. Humigpit ang kanyang hawak sa dala niyang lalagyan ng pagkain na niluto niya. “Leon! Dinalhan ka namin ng pagkain kayo ni Doktora, baka gusto ninyo mo na kumain,” wika ni Ruth nang palapit na sila. Kaagad na lumingon si Uncle Leon sa kanilang kinaroonan at nagtama ang mga mata nila, hindi niya alam pero napakagat siya ng kanyang ibabang labi. “Wow, sino ng luto si Nana Rusing ba?” natutuwang bulalas ni Doktora at kinuha sa kamay niya ang lagayan ng pagkain na hindi man lang nagpaalam. “Ay hindi si Marya ng luto ng lahat ng ulam, kanin lang ata ang naluto ko, grabe ang sarap niya magluto pwede na siya magpatayo ng restaurant,” pa biba ni Ruth. “Niluto mo na ba ang duguan?” tanong ni Uncle Leon sabay lumakad palapit sa kanya at nilagpasan lang si Doktora. “Oo… nasa kay Ruth,” sagot naman niya at kinuha kay Ruth ang hawak nitong lagayan ng pagkain at pinakita kay Uncle. “Aba ang bago naman niyan, at mukhang masarap,” pahayag ni Uncle sabay kuha ng hawak niya. “Mabuti pa'y doon tayo sa kamalik, at para hindi masira ang appetite natin,” dagdag ng lalaki at hinawakan siya sa siko para dalhin sa may kamali ng. “Knight, teka hintayin mo ako,” singit ni Doktora at tinakbo pa ang pagitan nila sabay inilagay ang kamay sa braso ni Uncle Leon. “Mukhang mas determinado pa siya kaysa kay Marites,” Sa Isip-isip niya nang napatingin siya sa babae at tinaasan siya nito ng kilay na para bang sinasabing, “Back off, bitch.” Tumikhim si Uncle Leon kaya't naputol ang pagtitinginan nila ni Doktora. At nabaling ang tingin niya sa lalaki. “Mabuti pa'y iwan ko na kayo,” aniya bigla at binawi ang siko sa lalaki pero hindi siya nito bitiwan. “Saan ka naman pupunta?” kunot-noong tanong nito. “Babalik na ako sa mansyon, saan pa ba?’ sagot naman niya rito. “Bakit?” balik tanong ng lalaki. “Oo nga, Marya. Akala ko ba’y kanina ka pa nagugutom kaya’t nagmadali tayong pumunta rito kahit bagong luto pa lang ang mga niluto mo ‘e nilagay na kaagad natin sa tupperware dahil gusto mong makasalo si Leon sa pagkain at manood pag-anak kay Amara,” walang prenong giit ni Ruth at inilagay sa papag ang mga pagkain dala nito. Napayuko naman siya at kinagat ang ibabang labi, hindi niya alam kung na ang sasabihin. “Halika ka na at umupo ka rito sa tabi ko’t makakain na tayo,” giit ni Uncle Leon at hinila siya paupo sa tabi nito. Ang kubo kasi ay parang cottage na medyo malayo sa may babayohan, tapos ay matatanaw mo ang malapad na palayan, mais, niyog at manghan sa harapan, bale sa likod nakapwesto ang babuyan at sa gilid nito ang kwadra ng mga kabayo, baka, kalabaw at iba pang hayop. “Knight o, kain ka na,” sabi ni Doktora matapos lagyan ng kainin at pritong isda ang plato para kay Uncle Leon na ang tingin ay sa kanya. “Gusto mo ba ng gulay?” tanong ni Doktora kay Uncle Leon at umupo sa pagitan nila ni Uncle Leon. Hindi niya alam kung matatawa ba si o maiinis sa inakto ng dalaga. Tumayo naman siya at lumipat sa tabi ni Ruth. “Ayaw mo maging third wheel ano?” bulong ni Ruth sa kanyan pagkaupong-pagkaupo niya. Tumango na lamang siya at kumuha na ng plato at nilagyan ng kainin at dinuguan. Paborito niya kasi ito, lalo pa’t lechon ang ginamit na karne, at preskang dugo kaya’t paniguradong masarap. “Marya, lagyan mo nga rin ako ng dinuguan mo,” biglang sabi ni Uncle Leon kaya’t nabitin sa eri ang pagsandok niya ng dinuguan. Bago pa man siya makasagot ay kinuha sa kanya ni Doktora ang sandok. “Ako na,” sabi nito at ngumiti kay Uncle Leon. Hinintay niya matapos ang babae at bitiwan ang sandok saka niya pinagpatuloy ang pagkuha ng para sa kanya. “Hmmm, masarao nga ang dinuguan mo, Marya,” bigang komento ni Uncle Leon matapos tikman ang kanyang dinaguan. “Mabuti naman at nagustuhan mo,” sagot niya at ngitian ito. “Diba, Leon? Alam mo, Marya, in the future bakit hindi ka magpatayo ng kalenderya o restaurant para bongga?” singit ni Ruth matapos sumubo. Sumulyap siya rito. “Saka na siguro kapag may pera na ako para ikapital, isa pa’y pinag-iipunan pa namin ni Dominic ang pagsunod ko sa Maynila,” aniya. “Oo pala, nag-aaral pa kasi si Dom, hayaan mo’t kapag naging engineer na siya gaya ni Leon paniguradong magiging senyorita ka na rin at hindi na momoblema sa pera,” nakangiting sagot ni Ruth. “Engaged na pala kayo ni Dominic, Marya?” biglang singit ni Doktora. Lumiwalas na ang mukha nito na animo’y natuwa sa nalaman na may namamagitan sa kanila ni Dominic. Umiling-iling siya. “Hindi, magnobyo pa lang kami…” “Pero papayag kang magpakasal sa kanya kung sakali? Gayong sinundan mo na nga siya rito at mukhang may plano pa kayong mag-live sa manila so, I suppose siguradong-sigurado ka na sa kanya,” giit ng babae habang pinaglalaruan ang tinidor nito. Hindi pa din nagagalaw ang pagkain na nasa plato nito na animo’y diring-diri sa pagkain niluto niya. Bumuka-sara ang kanyang mga labi ay hindi niya maiwasang pamapasulyap kay Uncle Leon na ngayon ay blangko ang ekspersyon na animo’y may malalim na iniisip. “Bakit hindi ka makasagot, Marya? Huwag mo sabihing ng bago na ang iyong pasya?” Napakurapkurap siya at napatingtin sa babae. “Hindi sa ganun…sadyang nagulat lang ako at isa pa’y hindi pa namin napag-uusapan ni Dominic ang mga bagay na iyan.” Bumuntonghininga ang babae at binitiwan ang hawak na tinitidor. “Hayy, kakatakot na taaga ang mga kabataang ngayon, pa iba-iba ng pasya at hindi kaya manindingan sa magiging desisyon nila, hindi ba, Knight? Katulad na lamang ni—” “I’m done, excuse me. Maunana na ako sa babayuhan, mukhang kailangan na ni Amara ang aking atensyon,” giit ni Uncle Leon at tumayo ito at tuloy-tuloy na lumakad patungo sa babuyan. “Teka, Knight, sasama ako sa iyo,” habol ni Doktora at tumayo ito at sinamaan mo na siya ng tingin at tumalikod para habulin si Uncle Leon. Habang siya ay napababa na lamang ng tingin at kinagat ang kanyang ibabang labi. “Naku, pagpasensyahan mo na si Doktora, Marya, ganiyan talaga iyan kapag pinagseselosan ka. Isa iyan sa mga ugali niyang ayaw ni Leon ‘e, na halos lahat na lang ay pagseselosan niya kahit wala namang kabuluhan,” pahayag ni Ruth at tinapik-tapik ang kanyang balikat. “At inungkat pa niya ang tungkol sa ex fiance ni Leon, ayaw na ayaw pa naman ni Leon pag-usapan ang tungkol sa babaeng iyon, nawalan tuloy ng gana ang ferson,” dagdag pa ni Ruth. Bumuntonghininga naman siya. “Mabuti pa Ruth, bumalik na lang ako sa mansyon ay kong pag-initan na naman ako ni Doktora,” aniya habang inaayos ang pinagkainan nila. “Sige, samahan na kita,” sagot naman ng babae. *** Pagdating ng gabi ay inabala ni Marya ang kanyang sarili sa pag-aayos ng kanyang mga damit sa loob ng kabinet habang ang pinamili nila ay nilagay niya sa may laundry basket. “Mabuti pa siguro ay maglalaba ako, total hindi pa naman ako inaantok,” mahinang aniya at tumayo. “Ay, teka parang nauuhaw ata ako ‘a,” bulalas niya sabay haplos sa kanyang lalamunan kaya’t lumakad siya papunta sa may pinto at binuksa iyon, akmang lalabas siya nang makita si Uncle Leon tumatakbo mula sa kabilang kwarto nakatabi lang ng kwarto nito na walang saplot. “Oh my gulay! Ang talong kumakaway!” bulalas ng utak niya nang makita niya ang embutido nito nang bahagyang tumagilid ang lalaki at akmang papasok na sa sariling kwarto. Mabilis na sinirado niya ang kanyang pintuan at napasandal siya roon at hindi maka-move on sa nakita. Anong nangyari bakit wala itong damit? At bakit sa kabilang kwarto ito galing? At mukhang bagong ligo. Hindi kaya nasira ang shower nito sa kwarto kaya’t sa kabilang kwarto ito naligo at nakalimutan magdala ng tuwalya? Tinakpan niya ang kanyang mukha dahil nag-iinit iyon, ikaw ba naman makakita ng lalaking hubo’t hubad, hindi ka matutulala. Pinikit niya ang kanyang mga mata at mabilis din siyang namulat at napasinghap dahil lumitaw sa kanyang isipan ang pustura ng lalaki. “Ahhhh!! Diyos ko patawarin ninyo naawa ako,” aniya at nag-sign of the krus pa. Nang kumalma na siya ay binuksan na niya ang kanyang pintuan at huminga siya ng malalim. Mas lalong nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakita kaya’t kailangan niyang uminom ng tubig. “Hay, salamat,” aniya nang makainom na siya ng tubig. Nasa may kusina na siya hawak-hawak ang baso. “Gising ka pa pala.” Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na baso ng marinig niya ang boses ni Uncle Leon. At nang lumingon siya ay may suot na itong sando na puti at boxer. “Ahmm, oo…” sagot niya at kaagad na tumalikod. “Kung ganun ay nakita mo?” Napaubo siya sa tanong nito. Alam ba nitong nasaksihan niya ang pag exhibition nito kanina? “Marya, nakita mo ba ang—” “Oo, sorry hindi ko sinasadyang makita ang talong mo,” aniya at habang nakapikit at pinagtabi ang kanyang hintuturo. “Talong ko? Ano ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ng lalaki kaya’t napamulat siya at napatingin rito. Tapos unti-unting kumurba ang ngiti sa mga labi nito nang makita ang naging reaksyon niya. “But anyway, ang tinatanong ko sana kung nakita mo ba ang susi ng motor ko? Pero mukhang iba ang nakita mo, did you enjoy the view?” mayamaya ay dugtong nito. Bumuka-sara ang kanyang mga labi. Parang gusto niyang lamunin na siya ngayon rin ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD