Hinawakan mo na ni Dominic ang kanyang kamay at ginaya siya paupo sa may sofa ng living room.
“Nagbago ang isip ng babae at hindi dumalo sa kasal,” seryosong sabi nito.
“Oh my. Bakit naman nagbago ang isip niya? Aba'y kay sakit naman pala ng sinapit ni Uncle Leon, kaya siguro naging woman hater, ano?” nakangusong aniya.
“Talaga, napahiya ng todo si Uncle nun at halos ikinamatay na niya ang kanyang sinapit, dahil ang rason pala ng babaeng iyon kung bakit hindi siya dumalo sa kanilang kasal ay dahil sumama sa ibang lalaki,” dagdag na pahayag ni Dominic.
“Aray! Pinagpalit pala siya? Aba'y bakit naman kaya? Dahil ba masyadong strikto ang Uncle mo? At metikuluso?” usisa niya. Na curious siya bigla sa love story nito.
Umaandar ang pagiging writer niya. Malay ba niya baka may makuha siyang ideya sa love story ng Uncle ni Dominic.
“Hindi ganito ang ugali ni Uncle dati. He's the most cheerful and happy go lucky man you will ever meet. Madali siyang pakisamahan at mabilis siyang magtiwala, kaya siguro niloko siya ng babaeng iyon, since the woman had a secret affair with Uncle colleague, ini-approach lang pala siya ng babae para nakawin ang mga designs na ginawa nito para sana sa malaking project,” pahayag ni Dominic.
Parang siya ang nasasaktan habang ini-imagine niya ang sinapit ng lalaki.
“Mala telenovela pala ang love story nila, iyon nga lang si Uncle Leon ang nauwing luhaan,” malungkot na aniya.
“Iyon nga, bata pa din kasi ang babae na iyon kaya siguro mabilis na silaw sa pera, akala ata walang pera si Uncle kasi mahilig iyan dati manamit ng simple at hindi iyan mayabang kaya't dati pinagkamalan iyang mahirap,” dagdag ni Dominic at sinuklay-suklay ang kanyang buhok.
“Baka hindi lang talaga tunay ang pag-ibig ng babae gaya ng sabi mo kanina, una pa lang ay may masama na siyang intensyon,” tugon niya at humiga sa may hita ng lalaki. Medyo nadama kasi siya ng antok sa pagsuklay-suklay ng buhok niya.
“Tama ka. Sana huwag sa akin mangyari ang bagay na iyon pero knowing you. You are the most genuine and kindest soul I've ever met, love. I'm lucky because you chose me over other men,” seryosonh sabi ni Dominic kaya't napabangon siya at ngumiti rito.
“Oo naman. Deserve mo naman ako ‘e kaya't walang problema,” aniya at inabot ang pisngi ng lalaki at hinaplos iyon, kaagad namang hinawakan ni Dominic ang kanyang kamay nasa pisngi nito at dinala sa mga labi.
“I love you,” masuyong pahayag ng lalaki. She smiled.
“I love you too,” tugon niya at yumakap sa kasintahan.
Mabilis lumipas ang araw at nakita na lamang ni Marya ang kanyang sariling mangiyak-ngiyak habang nakatayo sa may gilid ng sasakyan, ngayong araw na kasi ang balik ni Dominic sa Maynila at hanggang bayan lang siya maaring makasama.
“Tahan na, uuwi naman ako rito kapag wala akong pasok, at tatawagan kita palagi, love,” masuyong sabi ni Dominic at hinalikan ang kanyang noo.
“Mang-iingat ka roon ha. Mamimiss talaga kita,” aniya at yumakap sa bewang ng lalaki.
“Oo naman, ikaw rin. Mamiss din kita, love, pero huwag ka mag-alala mabilis lang naman ang mga araw at hindi mamalayan magkasama na uli tayo,” bulong nito at hinalik-halikan ang kanyang ulo.
“Tama ka, hayaan mo't pag-iigihan ko pa ang pagsusulat para mas lumaki ang kita ko at makapag-ipon ng mabilis para makasunod ako kaagad sa iyo,” aniya at tumingala sa lalaki.
“Kaya natin ito, tiwala lang,” sabi naman ni Dominic.
“Dominic kailangan mo na umalis kung Hindi ay gagabihin ka sa daan,” malamig na sabi ni Uncle Leon dahilan para maghiwalay sila ni Dominic.
“Ihahatid ka ni Mang Tonyo, kaya't halika ka na at pumasok na sa loob ng SUV bago ka pa maabutan ng dilim sa daan,” dagdag nito.
Napatingin siya sa itim na motor, malaki, matipuno, at kumikislap sa ilalim ng araw, bawat kurba at linya nito ay nagpapakita ng lakas at bilis na taglay nito.
“Ano kaya trip ng gurang na ito at naisipan mag-motor imbis mag kotse?” bulong ng utak niya.
Umangat ang gilid ng labi ng lalaki ng mahuli siya nito nakatingin rito. Umiwas naman siya ng tingin dahil ang bigat ng tingin na pinataw nito sa kanya na animo'y pinag-aaralan ang buong pagkatao niya.
“Sige, Uncle. Mabuti pa nga'y umalis na ako,” sagot ni Dominic at dahan-dahang lumakad papasok sa loob ng SUV.
Habang siya pigil ang luhang kumaway siya sa lalaki. Lumapit si Uncle kay Dominic ng sumenyas ang lalaki na lapitan ito ng tiyuhin.
“Ikaw na bahala sa nobya ko, Uncle. Huwag mo siya papabayaan ha,” habilin ni Dominic.
Tinapik-tapik lang ni Uncle Leon ang balikat ng binata bago nito isara na ang tuluyan ang pintuan.
Habang siya ay napahawak na lamang sa kanyang bibig upang huwag kumawala ang kanyang hikbi. Tinanaw niya ang papalayong SUV kung saan nakasakay si Dominic hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
“Halika ka na, uuwi na tayo bago pa man tayo abutan ng ulan, mukhang dumidilim at nagbabatyang uulan.”
Siminghot siya at tumingala sa lalaki dahil mataas ito sa kanya. Minasdan niya mo na ang seryoso nitong mukha tapos tumingin siya sa langit, dumidilim nga.
“Huwag ka tumanganga lang diyan, sakay na.”
Napakurapkurap siya sa narinig at tumaas-baba ang kanyang kilay ng makitang nakasakay na ang lalaki sa motor nito.
“Sasakay ako diyan?” hindi makapaniwalang bulalas niya.
“Bakit ano inaasahan mo? Sa akin ka sasakay?” sarkastikong sagot nito.
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.
“Come on hop in, before l lost my patience and leave you here,” giit ng lalaki at pinaandar ang motor dahilan mapaatras siya.
“Ang suplado talaga,” bulong niya at umakyat na sa motor nito.
“Come closer,” utos ng lalaki dahil nasa may pinaka dulo siya umupo.
“Hindi na, dito lang ako,” sagot naman niya. Ayaw niya magdikit silang dalawa.
“Ah!!” hiyaw niya sabay nanlalaki ang kanyang mga mata biglang pinaandar ng lalaki ang motor at bigla iyong umangat at nagdaosdos siya palapit rito, sa takot ay napayakap siya sa may bewang ng lalaki.
“Ano ka ba?!” hiyaw niya pero tila bang wala lang narinig si Uncle Leon at pinaharurot nito ang motor.