Kabanata 3

1075 Words
Bumuka-sara ang mga labi ni Marya sa sinabi ni Uncle Leon, ano ang ibig nitong iparating? Bakit pakiramdam niya'y inaakit siya ng lalaki? “Why? Are you afraid of calling me by name?” bulong ni Uncle Leon at tumingin ng direkta sa mga niya at dahil mataas ito ay kailangan pa nitong isuko ang ulo para mag-label sa kanya. Napayukom siya ng kanyang kamao at bahagyang umatras dahil masyado silang malapit sa isa't-isa ngunit napasinghap siya ng hapitin pa siya lalo ng lalaki. “Answer me, Marya,” seryosong utos ng lalaki na animo'y isang hari na dapat ay sundin at huwag suwayin. “Hindi ako takot sabihin ang pangalan mo ngunit, Uncle. Ayaw kong bastusin ka lalo pa't simula sa lunes ay magiging amo na kita,” sagot niya at inipon ang lahat ng lakas niya para itulak ang lalaki pero hindi pa din sapat dahil parang kadena ang mga braso nito sa kanyang bewang. “Please let me go, ayaw kong maabutan tayo ni Dominic na ganito ang posisyon,” seryosong aniya. Nawala na ang kanyang magiging pilya dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang butihin nobyo. “Do you love Dominic?” seryosong tanong ng lalaki sa kanya. Matapang niyang sinalubong ang titig nito. “Hindi ba halata? Hindi ko naman siguro siya susundan rito kung hindi. I left my homeland for him, is it good enough to prove I genuinely love him?” Natawa bahagya ang lalaki at mabilis siyang binitiwan. “Anong alam mo sa pagmamahal ngayong ang bata mo pa. Magbabago ang iyong isip at damdamin,” pahayag ng lalaki at malamig siyang tinitingnan. Sumimangot siya. “Hindi porke ika'y tiyuhin ni Dominic ay may karapatan ka nang kuwestiyunin ang pagmamahal ko sa kanya,” mariing aniya. Matagal siyang minasdan ng lalaki tapos bumuka ito ng hangin at napailing. “Tama ka. Bakit ko nga ba inaabala ang aking sarili gayong may sarili ka rin namang pag-iisip, at ang iyong pasya ay marahil ay buo na,” seryosong pahayag nito. “Buo na talaga,” sagot naman niya. Dahil kung nagdadalawang isip siya sa pag-iibigan nila ni Dominic hindi siya makakarating rito. “Alright then. You can go now and find the love of your life. I'm done discussing your roles and responsibilities in this house,” mayamaya ay deklara ng lalaki at tumalikod. Matagal niya muna tinitigan ang lalaki tapos napailing siya sabay talikod at humakbang papasok sa mansyon. “Hanep ng trip ni Uncle, pa iba-iba ng mood. Hindi ko tuloy alam kung badtrip ba siya sa akin o na-atttact siya sa beauty ko,” pabulong na aniya habang tinatahak ang daan papunta sa may living room. Napatigil siya ng may narinig siyang pusang nagmiyaw. Napatingin siya sa gawing kusina, at may nakita siyang pusang kulay puti na nagtatago sa may pintuan. “Ay, ang kyut mo naman,” aniya at mabilis na humakbang palapit sa may kinaroonan nito. “Meow!” sabi ng pusa na animo'y binabati siya. Hindi niya maiwasang inangat ang kanyang mga kamay para abutin ang ulo nito, mabilis namang lumapit ang pusa kung nasaan ang kamay niya at ito na mismo kumiskis sa ulo nito sa kamay niya. “Aw ang bait at lambing mo naman,” aniya at hindi na napigilan ang sariling buhatin ang pusa at kargahin. “May pangalan ka na ba?” tanong niya sa pusa na sinagot lang siya ng “Meow” na para bang sinasabing wala pa itong pangalan. Ngumiti naman siya. “Kung ganun ay ako ang magpapangalan sa iyo, mula ngayon ay tatawagin na kitang pokemon, dahil kasing kyut mo ang mga pokemon,” aniya at hinaplos-haplos ang ulo ng pusa. “Meow! Meow!” nasasayang ani ng pusa at kiniskis pa ang ulo sa kanyang mga kamay. Natawa naman siya, mula pagkabata ay mahilig na talaga siya sa mga pusa. “Love, nandito ka lang pala.” Napa-angat siya ng tingin ng marinig niya ang boses ni Dominic, kaagad niya itong ngitian. “Oh, pasesansya na nahirapan ka ba sa paghahanap sa akin?” Umiling ang lalaki at lumapit sa kanya. “Hindi naman, nakasalubong ko si Uncle at tinanong kung nasaan ka pero mukhang hindi ako narinig didiretso lang siya lumakad palabas ng mansyon. Hindi naman kayo ng away hindi ba?” usisa ng lalaki. Kumunot naman ang kanyang noo. “Bakit naman kami mag-aaway?” “Baka kasi pinayuhan ka niya o pinagsabihan at kilala kita, hindi ka nagpapatalo lalo pa kung alam mong tama ka, kaya’t naisip ko baka nagtalo kayo,” sagot ng lalaki. Nagkibit balikat siya. “Medyo lang naman. Mukha kasing ayaw ng Uncle mo ako para sa iyo ‘e,” hindi niya maiwasang sabihin. Natawa si Dominic. “Huwag mo siyang pansinin, lahat naman atang babae ayaw niya. Pasensya ka nga pala ha, kailangan kitang iwan dito,” giit ng lalaki at inabot ang kamay niya hinawakan iyon ng mahigpit. “Hayaan mo’t magsisikap talaga ako makahanap ng titirahan mo para malapit tayo sa isa’t-isa,” dagdag ng lalaki. “Wala iyon. Naiintindihan naman kita, huwag ka mag-alala sanay naman na ako sa gawaing bahay at hindi ko na lang papansinin ang masungit mong Uncle at gagawin ko na lang ang trabaho ko, at kapag nakaipon ako mas mabilis ako maalis rito. Sabi kasi ng Uncle mo’y swelduhan niya ako kaya’t naisip kong makakapag-ipon ako kapag ganun,” pahayag naman niya. “Mabuti kung ganun. Mabait naman iyang si Uncle may pagkastrikto nga lang, iwasan mo na lang na gumawa ng mali para hindi ka pag-initan,” seryosong sabi ni Dominic. Bumuntonghininga naman siya. “Ano pa nga ba,” sagot naman niya at nagkibit balikat. “Mabuti pa’y ipasyal kita sa kabuan ng mansyon,” sabi ni Dominic dahilan para mapangiti siya. “Sige ba,” sagot naman niya at ibinababa mo na ang pusa at sumama sa lalaki. Malawak ang loob ng mansyon, animo’y bente katao ang nakatira. “Wala pa bang asawa’t anak ang Uncle mo?” hindi niya maiwasang itanong dahil napakalawak ng tiniturahan ng lalaki pero parang walang buhay. Puro pictures ng paintings lang ang nakikita niya, at mga antique na vase, walang wedding picture o family pictures nakasabit sa dingding. “Wala ‘e pero alam mo bang muntik nang mag-asawa si Uncle? Pero hindi na tuloy ang kasal nila ng babae,” seryosong sabi ni Dominic habang tinatahak nila ang living room. “Bakit? Anong nangyari?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD