Kumunot naman ang kanyang noo sa pinahayag ng lalaki. "Anong i-continue? Tama ka na, kailang hirit ka na for today's video kaya't awat na. Hindi ba't dadalhin mo pa ako doon sa bridge kung saan may magandang ilaw?" aniya at inayos na ang kanyang sarili at umupo ng maayos. Napatitig sa kanya si Uncle Leon, tinaasan niya ito ng kilay. Akala niya'y magpupumilit ito sa gusto. Nagulat siya nang bigla siya nitong hinila palapit. "Sige awat na, pero kiss mo na ako," ngumuso pa ang loko. Napangiti na lamang siya sa banat nito at inabot ang mga labi nito para halikan. "Oh, ayan, okay na?" aniya pagkatapos ito bigyan ng kiss sa mga labi. Ngumisi ang lalaki at nag-thumbs up pa. "Yes, ma'am," sabi nito sabay sumaludo pa sa kanya na animo'y army o police. Hinampas niya ang dibdib nito.

