"Grabe, hindi ba natutulog mga tao rito sa Maynila?" hindi niya maiwasang ibulalas nang nakaupo na sila sa gilid ng tabing ilog at napansin niyang marami pa ring tao sa paligid. "Well, what you expect? This is city.." sagot naman ni Uncle Leon kaya't napatingin siya rito. "Sa amin ganitong oras tulog na mga tao at tanging aso na lang maririnig mo gumawa ng ingay tapos gigisingin ka ng manok sa umaga," natatawang sabi niya. "Do you miss your province life?" biglang tanong ni Uncle Leon sa kanya. "Oh baka naman naiisip mo lang si Dominic na pumunta sa probinsiya para hanapin ka," dagdag ni Uncle Leon. She could hear bitterness in his voice. Huminga siya ng malalim at napatitig sa lalaki. Bakit bigla na naman nito nasali si Dominic? "Hay naku, kung namimiss ko siya edi sana sinunda

