“Ow? I thought you are here because, nag-sleepwalking ka naman at gusto mo ako katabi gaya ng nakaraan gabi,” bulong ni Uncle Leon sa kanyang tenga.
Nanlaki ang kanyang mga mata at napasinghap siya at kaagad na lumayo rito, nasa likuran na niya pala ang lalaki.
“Shut up. Alis na ako total naman ay gising ka na, tapos na ang obligasyon ko,” mabilis na giit niya at akmang lalabas na sa silid nito ng bigla siyang hinatak ni Uncle Leon palapit rito dahilan para mapasigaw siya sa gulat.
“Ah, Leon! Ano ba?!” gulat na bulalas niya at mabilis na tumingala sa lalaki.
Nabungo kasi ang kanyang likuran sa matigas na dibdib nito.
“Bakit ka nagagalit? Ako boss rito kaya't ako lang pwede magsabi kung tapos na ba ang obligasyon mo sa akin o hindi pa,” giit ng lalaki sa kanya.
“Oh dear! Bakit ata may tumutusok sa pwet ko? Hindi kaya ang embutido iyon ni Uncle?” bulong ng utak niya at biglang lumikot na naman ang kanyang imahinasyon.
Mabilis na umiling-iling siya para alisin ang kalaswaaan na pumasok sa kanyang utak.
“A-Ano pa gusto mo gawin ko?” pabulong na tanong niya at bahagyang lumayo rito para magkaharap sila.
“Prepare my clothes,” seryosong giit ni Uncle Leon sa kanya.
“Ano ba susuotin mo ngayon, sir-boss-among-tunay? Pasensya na't wala akong ideya kung ano ang gagawin mo ngayon araw kaya't kailangan ko malaman kung ano susuotin mo,” giit niya.
“Just a simple pair of t shirt and pants perhaps, dahil dito lang naman ako sa rancho, at baka mamaya ay pupunta ako sa plantasyon upang tignan kung kamusta na ang mga tanin at kung kulang pa ba,” paliwanang naman ng lalaki at tumungo sa kabinet nito at binuksan iyon, siguro upang ipakita sa kanya ang mga damit nito.
“Okay, dokie,” sagot naman niya.
“By the way, you will go with me. It will be good, kung magluluto nagbabaonin natin,” dagdag nito at lumingon sa kanya.
“Huh? Bakit kasama ako?” hindi niya maiwasang ibulalas.
“Bakit hindi ka sasama?” taas kilay na tanong nito.
“Hindi ba dapat ang katulong ay sa bahay lang? Maglalaba, magluluto, maglilinis at magtutupi ng damit,” hindi niya maiwasang sabihin. Ayaw niyang magkasama silang dalawa.
Baka mapakanta na talaga siya nang, “Ohhh, tukso, layuan mo ako.”
“Nandito naman si Nana Rusong at Ruth kaya't kayang-kaya na nila ang mga sinasabi mong tratrabahuhin mo. Mas kailangan kita mamaya sa rancho man o plantasyon,” giit naman ni Uncle sa kanya.
Nakabalot ng kumot ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya't labis niyang pinagsalamat kasi akala niya'y mag-exhibition lang ito lagi sa harap niya.
“Pero—”
“No more buts, Marya, sasama ka sa akin, sa ayaw at gusto mo,” seryosong pahayag nito at tinalikuran siya para pumunta sa may banyo.
Kinuha niya ang unan at akmang ihahagis rito sa inis pero simpre hindi niya tunuloy dahil biglang lumingon ang lalaki sa kinaroonan niya, ngitaan niya ito at inayos ang unan nito sa ibabaw ng kama.
“Pagkatapos mo diyan pwede ka na bumaba at ihanda ang breakfast at pack lunch natin, magpatulong ka sa dalawa para mabilis at makabihis ka rin, maligo ka ha, gusto ko mabago ang kasama ko,” nakangising sabi ni Uncle Leon bago nito sinirado ang pinto ng banyo.
“Arghh!!!! Sarap niyang hampasin nakakangingil,” aniya at napapadyak pa sa sahig. Huminga siya ng malalim at kumuha ng susuotin ng lalaki. Halos ata lahat ng damit nito ay branded kahait pambahay lang ay mukha pa rin bago kaya’t hindi siya makapili.
“Ito na lang kaya para hindi madaling madumihan,” pabulong na aniya at kinuha ang naka-hanger na black t-shirt nito at kumuha siya ng jeans na blue.
“Teka, hindi siya nag-brief? Puros boxer lang ito ‘a,” mahinang bulong niya nang hanapan niya ang lalaki ng susuotin nitong brief pero puros boxer brief lang nakita niya at XXL lahat ng sizes.
“Kaloka, hindi naman talaga kakasya ang embutido niyang hindi na normal ang laki sa regular brief lang kaya’t no wonder, hindi siya nagsusuot ng ganun,” bulong niya at kumuha ng kulay blue na boxer brief at ilagay sa ibabaw ng kama.
“Okay na siguro ito,” aniya nang naayos na niya ang lahat.
“Makababa na nga,” dagdag niya at lumakad patungo sa pintuan.
Pagdating niya sa kusina ay na luto na ang kanin maging ang ulam na hotdog, itlog, tapa at longganisa.
“Oh, Marya, narito ka na pala, kamusta ang tulog mo?” salubong sa kanya ni Ruth na galing sa dining room. Siguro ay inahanda na nito ang breakfast nila.
“Okay naman, ahmmm, may mga rekados pa tayo rito? Nais ni Uncle Leon na magluto ako ng babangunin namin para mamaya,” aniya at sinilip ang ref.
“Mayroon pa namang mga karne riyan at manok, ano ba nais mong lutuin? At tama ba narinig ko, aalis kayo ni Leon? Saan naman kayo pupunta?” usisa ni Ruth.
Napatingala siya rito. “Dadalaw daw siya sa rancho ‘e at sa plantasyon at nais niya akong isama, ayaw ko nga sana kaso mapilit,” sagot naman niya.
“Aba’y bago iyan ‘a, hindi namimilit ng babae si Leon, ikaw pa lang ata nalaman kong pinilit niya,” natatawang sabi ni Ruth.
Napatitig tuloy siya sa babae. “Ewan ko sa kanya bakit niya ako nais isama.”
“Baka gusto ka lang niya ipasyal, gayong wala naman masyadong gagawin rito sa mansyon dahil narito naman kami ni Inay, kayang-kaya namin ang mga gawin kaya’t huwag ka mag-alala. Alagaan mo na lang si Leon, minsan lang lumambing iyan pero hinay-hinay lang sa pag-alaga at baka saan mapunta ha,” giit ni Ruth na may naglalarong ngiti sa mga labi nito.
“Alam mo na ang tukso minsan ay hirap iwasan at lalong mahirap na labanan pero sa pagkakilala ko kay Leon ay hindi naman iyan maloko sa babae, hindi uso sa kanya ang fling-fling at laro, kapag gusto ka ay talagang ipaglalaban ka at lalo hindi siya sulutero kaya’t paniguradong safe ka,” dagdag ni Ruth.
Safe? Parang hindi naman. Kailang beses na siyang tinukso ng lalaki, kagabi nga’y hinalikan pa siya nito kaya’t pano safe siya? Kaya nga sana ayaw niya magsama sila ng sila lang, pano kung matukso muli siya’t makalimot?
“Sige, Marya, itutuloy ko mo na ang paghahanda ng agahan at maiwan na kita rito,” giit ni Ruth at tinapik ang balikat niya dahilan para makapakurapkurap siya.
****
Pagkababa ni Leon ay hinahanap kaagad ng kanyang mga mata si Marya, ngunit wala ito sa living room kaya’t dumiretso siya sa dinning room, wala rin doon ang babae pero nakahanda na ang mga pagkain para sa agahan.
“Oh, Leon, mabuti naman at bumaba ka na, maupo ka na’t handa na ang pagkain,” salubong sa kanya ni Nana Rusing na galing sa kusina.
“Nasaan si Marya? Nasa kusina pa ba siya?” hindi niya maiwasang itanong bago pa man niya mapigilan ang kanyang sarili.
Napatigil naman ang matanda sa paglagay ng kanin at tumingin sa gawi niya. “Nasa kwarto niya, pero huwag ka mag-alala natapos na niya ihanda ang mga dadalhin ninyo.”
“Ganun hu ba,” aniya. Naligo siguro ang dalaga.
“Oo, mamaya lang ay baba na rin iyon,” dagdag ng matanda.
“Sige hu, Nana, hihintayin ko na lamang siya, kayo hu ba’y nakakain na?”
“Mamaya na kami ni Ruth, alam mo namang mas gusto ko magkape at kumain ng tinapay sa umaga kaysa kumain ng kanin,” natatawang sabi ni Nana.
“Oh, Nandito na pala si Marya,” dagdag ng matanda bago pa man niya sagutin ang sinabi nito. Mabilis na tumingin siya sa may handan at nakita niya si Marya napababa.
Basa pa ang buhok nakalugay. Off shoulder na bestida ang suot nito na umabot hanggang sa may ilalim ng tuhod. Ito ata ang binili nila kay Aleng Susan. Kulay yellow iyon ay may mga bulaklak na desinyo, at bumagay ng todo sa kutis ng dalaga ang kulay at desinyo.
“Damn! I can’t look away!” bulong ng utak niya.
She was beautiful and sexy at the same that, l would rather want to lock her in my room instead of bringing her outside and let the other men see her, looking this way.
“Mabuti naman at nandito ka na, dahil hinintay ka ni Leon para saluhan mo siya sa pagkain,” giit ni Nana Rusing kay Marya dahilan para makurapkurap siya at napaayos ng upo.
“Pasensya na—”
“It’s alright, umupo ka na at makakain na tayo,’ mabilis na putol niya sa paghiningi nito ng pasesnya.
Tumalima naman ang dalaga at umupo sa may gilid na upuan malapit sa kanya.
“Oh siya, ikaw na bahala magsilbi kay Leon gayong narito ka naman na, at ako’y babalik na sa ginagawa ko,” habilin ni Nana Rusing kay Marya kaya’t natayo muli ang babae. At tumango para sumang-ayon sa matanda.
“Gusto mo ba ng kape?” biglang tanong ni Marya sa kanya.
Minasdan niya ang dalaga. Litaw na litaw ang kurba ng katawan nito sa suot nitong bestida, and he must say, she have a perfect body, tapos ay natuon ang kanyang tingin sa dalawang bundok nito na bahagyang nakausli.
“What a perfect pair of boobs she has. I wonder if Dominic has touched them? But she said, she’s a virgin, so maybe Dominic has not yet touched and felt them.”
“Sir-boss-among-tunay, tinatanong po kita gusto ba ng kape? O mas gusto mong titingan na lamang ang dalawang pakwan ko maghapon?”
Napakurapkurap siya at napatingin sa magandang mukha ng dalaga. Magkasalubong ang kilay nito.
“Oh, my bad, I can’t help but to admire them. Bakit naman kasi iyan ang suot mo?”
“Dahil wala ako masuot na iba, ito pa lang natuyo sa kanila at halos dala kong damit ay hindi rin pwedeng pang-alis ng bahay, at bakit mo sinisi ang kasuotan ko? Ang mata mo iyang sawayin mo at kung saan-saan nakatintingin,” matapang na turan ng dalaga at pinaikot ang mga mata.
Imbis na mainis ay natawa lang siya. “Oo na, ako na may kasalanan, ngayon pwede mo na ba akong bigyan ng kape?”
“Mabuti pa nga, iyan umiinom ka damihan mo para naman kabahan ka sa kung ano mang kalokohang gagawin mo,” giit ni Marya matapos nito lagyan ang kanyang mug at umupo sa upuan nito. Natawa na lang siya.
“Lagyan mo ako ng kanin at ulam,” biglang utos niya. Tinagnan siya ng dalaga. Hindi niya alam pero nawiwili talaga siya panoorin ang reaksyon nito sa tuwing naiinis ito sa kanya.
“Wala ka bang mga kamay?” taas kilay na tanong ng dalaga.
Tumaas baba ang kilay niya. Ito lang ata ang katulong na matapang sumagot-sagot sa kanyang amo, and supringly he find it amusing.
“Mayroo, pero hindi ba’t dapat lamang na pagsilbihan mo ako? Gayong amo mo ako?” sagot niya.
Huminga ng malalim ang babae. “Sabi ko nga,” sagot nito at nilagyan ng kanin ang kanyang plato. Himdi na ito tumayo dahil abot naman nito ang mga pagkain, kaso lang ay kailangan nitong yumuko kaya’t aliw na aliw naman siyang panoorin ang bawat paggalaw ng pakwan nito.
“Oh ayan, nalagyan na ko na, kaya’t siguro naman kakain ka na o baka naman gusto mong subuan pa kita?,” giit ni Marya at umayos ng upo.
Umangat ang gilid ng kanyang ibabang labi. “Why not? Subuan mo ako.”