Kabanata 20

1468 Words
Bumuka-sara ang mga labi ni Marya, hindi niya alam kung ano ba dapat niyang sabihin sa naging sagot ng lalaki. “I'm just kidding, don't take it to the heart,” biglang bawi ni Uncle Leon kaya't nakahinga siya ng malalim. “Alam mo sa palagay ko'y gutom lang iyan kaya ka nagkakaganiyan, mabuti pa'y kumain ka na at para makakain na rin ako,” aniya at binaba ang tingin sa kanyang plato. “That's right…” sang-ayon ng lalaki kaya't napa-angat siya ng tingin rito. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito, blangko na at hindi na parang inaasar siya at maaliwalas. Mukhang natauhan na ito at napagtanto hindi maganda ang naging biro nito. Tahimik na silang kumakain hanggang sa makatapos sila ay hindi na muli pang nagsalita si Uncle Leon, tanging tunog ng tinidor at kutsara ang narinig niya. “Wala ka bang tratrabahuhin sa maynila?” basag niya ng katahimikan. Napa-angat ng tingin ang lalaki. “Maybe tomorrow, l must go there…” “Ah…” aniya at nagbaba ng tingin. “Bakit?” biglang tanong nito. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Nais niya sanang hilingin na kung pwede ay puntahan nito si Dominic at dalawin dahil hindi talaga sumasagot sa kanya ‘e. “Ahmm, malayo ba ang pupuntahan mo sa kung saan si Dominic? Hindi kasi siya sumagot mula pa noong umalis siya noong nakaraang araw kaya…” “You want me to check on him?” pagtatapos nito sa sasabihin niya. “Kung pwede…” “I will. I'm done, hintayin na lang kita sa labas,” sabi nito at binaba ang kutsara at tinidor pero nakakalahati pa nga lang ito sa kinakain. “Ahmm, sige…” aniya na lamang dahil alam niyang hindi niya ito mapipigilan. Sinundan niya ang papalayong bulto ng lalaki, at napabuntonghininga siya. Mayamaya pa ay nakita na lamang ni Marya ang sariling nasa kuwadra na ng mga kabayo. “Bakit tayo naririto? Nakapanganak na ba si Amara?” usisa niya sa lalaki na ngayon ay hinihimas-himas ang kabayong itim. “Naipanganak na siya at sumpo ang nailuwal niya, gagamitin natin itong si Dark, para hindi tayo mapagod sa kakalakad papunta sa plantasyon, lalo pa't may mga bitbit ka,” paliwanag ng lalaki. “Sasakay tayong dalawa sa kabayo na iyan?” hindi niya maiwasang ibulalas. “Oo, unless kaya mong mangabayo na ikaw lang mag-isa, pwede mong sakyan si Midnight,” sagot nito sabay turo sa kulay brown na kabayo sa loob ng kwadra. “Eh..hindi ako marunong,” sagot niya sabay ngiwi. Umangat ang gilid ng labi ni Uncle Leon. “Give me your hand,” sabi nito sa kanya. Nalilito man ay inabot niya ang kanyang kamay sa lalaki. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hinila palapit rito at walang pasabing binuhat siya at ilagay sa ibabaw ng kabayo. Tapos ay bigla itong sumampa. “Yahh!” giit nito sabay taas ng lupid para palakarin ang kabayo. Napapikit naman siya sa takot. Ito kasi ang unang pagkakataon na sumakay siya sa kabayo. “It's alright, hindi malaglag nandito ako,” bulong ni Uncle Leon sa kanyang tenga upang pakalmahin siya. Surprisingly ay kumalma naman ang kanyang damdamin at nakita na laman niya ang sariling Ini-enjoy na ang pagsakay sa kabayo habang tanaw niya ang malapad na plantasyon nito. “Grabe, mahirap siguro imanage ang ganito kalawak na lupain at plantasyon,” na mamanghang sabi niya ng makababa na sila sa mula sa kabayo ay nasa ilalim sila ng puno, kung saan kitang-kita ang mga trabahador na ng tratrabaho sa plantasyon. “It is pero may katuwang naman ako kaya't kahit papano’y nakakaya, kahit pa may mga factory rin akong mina-manage,” sagot naman ni Uncle Leon sa kanya at hinawakan ang kamay niya para alalayan siya palapit pa sa mga trabahador nito. “May factory ka? Ano naman ang produkto mo?” gulat na bulalas niya. “Cucunot oil, banana sauce at marami pang iba na galing lang rin sa plantasyon,” sagot ng lalaki. “Wow, kaya naman pala malaki ang mansyon mo, bilyonaryo ka pala Uncle Leon, sayang at walang magmamana, wala ka bang plano mag-asawa?” bigla niyang nasabi huli na para bawiin niya pa. “Ay sorry, huwag mo na lang sagutin,” mabilis na bawi niya nang napatitig sa kanya ang lalaki. “It's alright. Wala sa wala kong plano, sadyang wala pa akong nakikitang tamang babae para maging asawa ko,” sagot nito. “Dahil ba mataas ang standards mo o sadyang sirado na ang puso mo tumanggap ng bago?” mahinang sabi niya. “Pareho,” sagot nito. “How about you, Marya? Sigurado ka na ba talaga sa pamangkin ko?” biglang tanong nito sa kanya. Bigla naman siya natahimik. Kung dati ay alam niya kaagad ang sasagot niya kapag tintanong siya kung sigurado ba siya kay Dominic pero bakit ngayon ay atubili na siyang sumagot? “Mukhang hindi ka pa sigurado, l can't blame you, bata ka ba, hindi malabong magbabago pa ang isip mo. Lalo pa't malayo kayo sa isa't-isa. You don't even know him we'll, especially his parents and siblings,” biglang sabi ni Uncle Leon kaya't napatitig siya rito. Hindi pa nga siya napakilala ni Dominic sa pamilya nito maliban kay Uncle Leon. Dahil ba hindi rin ito sigurado sa kanya? “Leon, nandito ka pala, mabuti at nadalaw ka, pupuntahan pa sana kita sa mansyon,” giit ng isang lalaki na Moreno at may itsura, galing ito sa mga trabahador. “Anton, mabuti at nagkaabot tayo. Ikaw talaga ang sadya ko, kamusta? May problema ba rito? O may kailangan bilhin? O idagdag?” usisa kaagad ni Uncle Leon. “Ayos naman ang lahat. Dahil nabili ko naman na kahapon ang pinapabili mo, ito na ba si Marya?” biglang bumaling ito sa kanya. Ngitian niya naman ito. “Ang galing pumili ng pamangkin mo ‘a. Eh, ikaw kailan ko pa makikila ang Mrs Leon Knight De Luca?” natatawang sabi ni Anton. Ito pala ang mister ni Ruth. Bagay nga ang dalawa parehong bibo at madaldal. “Baka kapag maputi na buhok mo,” balik biro ni Uncle Leon. “Ay huwag naman, pano ka pa makakagawa ng mini Leon niyan kung ugod-ugod ka na,” pagsasakay ni Anton sa biro ni Leon. “Bakit kasi hindi mo pa ligawan si Doktora, o hindi mo na nga pala kailangan ligawan dahil patay na patay na naman iyon sa iyo. Kahit alukin mo iyon ng kasal agad ay papayag iyon ura mismo,” giit ni Anton at inakbayan si Uncle Leon. “I only see her as a friend, nothing more. Alam mo iyon dati pa,” sagot naman ng lalaki. “Hay, mahilig ka pala sa mas bata, hahaha,” biro ni Anton. “Marya, baka may mga kaibigan ka diyan kasing edad mo, ireto mo naman itong kaibigan ko at makapagdeposit na. Matagal nang diet ito ‘e,” baling ni Anton sa kanya. “Ay, baka hindi niya rin magustuhan at ako pa masisi,” sagot naman niya at kiming ngumiti. “Hay, ibaba mo na kasi iyang standards mo Leon, para maibaba na rin iyang boxer brief mo,” pilyong sabi ni Anton. “Tama na nga iyan, nakakahiya na kay Marya,” giit ni Uncle Leon at hinawakan ang kanyang kamay ay pinatabi rito. “Kung hindi ko lang alam na nobya ka ni Dominic, Marya. Sasabihin ko sanang bagay kayo ni Leon,” sabi bigla ni Anton. “Pero sabi nga, kahit gaano pa ka sarap kapag bawal ay bawal,” bulong ni Anton kay Leon pero narinig niya. “Pero may isa rin kasabihan kahit nga ang lupa na may tititulo ay naagaw syota pa kaya na walang resibo,” pabirong dagdag nito at tinapik ang balikat ni Uncle Leon na napailing lang. “Don't mind him, palabiro talaga iyan,” bulong ni Uncle Leon sa kanya. Napatitig siya rito, maaliwalas na ang mukha nito at mukhang enjoy na enjoy na biro ni Anton. Siya kaya ang tinutukoy ni Anton na bawal na masarap? “May nilutong pagkain si Marya, sumabay ka na sa amin kumain,” biglang sabi ni Leon. “Sabi ng asawa ko masarap daw magluto itong si Marya, kaya't hindi ko tatanggihan iyang alok mo,” sagot naman ni Anton. “She indeed cook good,” simpleng sagot ni Uncle Leon na hindi binitiwan ang kamay niya, panay naman sulyap ng mga lalaking trabahador sa kanya. “At maganda pa at seksi, swerte ni Dominic sa iyo, kung ako siya, hindi kita iiwan rito,” pabulong nasabi ni Anton pero umabot sa pandinig niya. “Pero narito naman si Leon, na babakod kaya't walang magkakasalang agawin ka,” natatawang dagdag ni Anton na ang tingin ay sa kamay nila ni Leon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD