“Naman, pero tama nga iyan, halika doon tayo sa kubo may pag-uusapan tayo,” seryosong sabi ni Uncle Leon at bitiwan ang kamay niya. “Dito lang ako, ayos lang ba?” aniya nang tumingin ito sa kanya dahil hindi siya umaalis sa kinakatayuan niya nang akmang aalis na ito kasama si Anton. “No, you should go with us, dahil hindi na ako babalik rito,” seryosong sagot nito at inabot ang kamay niya para hawakan. “Come one, Leon. Let's her watch the plantation, at makihalo bilo sa mga trahador, masyado ka namang mahigpit,” singit ni Anton at tinapik ang balikat ni Leon. Ngunit hindi nakinig ang lalaki. Nakatingin lang ito sa kanya at hinigpitan pa ang paghawak ng kanyang kamay. “I need her with me, so she can't stay here,” seryosong giit nito. Umangat lang ang gilid ng labi ni Anton at hin

