Chapter 56 You Won't Let Me Do It Francine's POV Matagal akong nakayakap kay Zaki. Walang nagsasalita sa amin, basta dinama lang namin ang isa't-isa. Sa yakap nya, parang nawala lahat ng frustration sa akin. Nawala lahat ang bigat na aking nararamdaman. Naramdaman ko nalang na hinigpitan nya ang paghawak sa likod nang aking ulo at diniin nya ang kalahati ng mukha ko sa dibdib nya. Dinig na dinig ko ang pagpintig nang mabilis ng kanyang puso. Suddenly, kinalas nya ko sa pagkakayakap sakanya then he caress my both cheeks, ako naman ay tumingala sakanya. Mapupungay at namumugto ang kanyang mga mata ngayon habang matama nya akong tinititigan. "Totoo ba yung mga narinig ko huh? Pinapatawad muna ba 'ko?" Lumambing ang kanyang tono, lumunok ako pagkatapos ay binigyan ko sya ng matamis na n

