Chapter 55 You're Still The One Francine's POV Pagkatapos nang pag-uusap namin ng masinsinang dalawa ni Sunny ay tulala akong umuwi na para bang napakalalim nang iniisip. Sabagay, malalim naman pala talaga.. Mabait naman pala talaga si Sunny, napagtanto ko iyon sa saglit na pag-uusap namin. Inaamin nya nagkamali sya pag-iwan sa kay Zaki noon, na mali ang pagiging praktikal nya. Pero nang makilala nya daw ako, parang naisip daw nya na mabuti nalang daw ay ginawa nya iyon, dahil nga don nakilala ako ni Zaki. na ako ang tamang babae para sakanya. Napasinghap ako at bumaba ang aking tingin nang sumagi sa utak ko yung mga pakiusap nya. Pero kasi 'di naman yun kadali.. Kailangan ko nang assurance. Kailangan kong ma-assure na hindi na ako sasaktang muli ni Zaki. Kinabukasan ay maaga akong p

