Chapter 54 Paghaharap Francine's POV "Huy.... Ba't antahimik mo?" Ani Camille, habang inaayusan ako. Batid nya siguro ang pananahimik ko magsimula kanina, ewan ko din sa sarili ko e, wala talaga ako sa mood. "Don't mind me Cams," sabi ko nalang at impassive na tumitig sa salamin sa harap na madaming ilaw na nakapaligid. Kita ko sya sa salamin na halatang binabasa ako. "Sure ka huh? Baka meron ka lang hindi sinasabi?" untag nya sabay pahid nang pressed powder sa ilong ko. Todo make up sya sa akin ngayon dahil kasal yung eksenang mangyayari mamaya. Beach wedding ang mangyayari, kunyari ay ikakasal kami ni Jake, sa katunayan ay nasa isang tanyag kaming beach ngayon Batangas. "Wala.. Ano kasi, sinasaulo ko lang yung mga linya ko mamaya," giit ko. I heard her sighed, pagkatapos ay nagkib

