Chapter 53 Sana Ako Parin Francine's POV 6:30PM na nang matapos ang mall show. Nagpromote lang kami ni Steve, pagkatapos nun ay nagkantahan at umalis na din. Pero grabe talaga, hindi mawala sa utak ko yung mukhang umiiyak ni Zaki kanina. Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak ng ganun? Tilian padin ang mga fans, habang papihit kaming dalawa ni Steve sa mall, todo alalay at awat naman ang mga bouncers sa mga nagwawalang mga fans. Nang makalabas naman kami ni Steve ay nakahinga ako ng maluwag. "Grabe, ang sakit ng tenga ko," sabi ko. Natawa sya. "Ako din, sanay na nga ako e," Aniya. "Grabe naman kasi kung makatili ang mga fans," wika ko. "Pano kasi ay kilig na kilig sila sa atin," sabi nya at binuksan na nya ang passenger's door nang kanyang kotse. Agad naman akong pumasok, sya naman a

