Chapter 52 Chase Francine's POV Pumihit ako nang mabilis pagkatapos sabihin yun ni Zaki, wala akong sinagot. Tinikom ko lang ang bibig ko. Hanggang kailan kaya kami magiging ganito? na sa tuwing nagkikita kami ay puro panghuhungkat ng nakaraan, pagsusumamo nya, pagtataboy ko sakanya ang palaging eksena. Hanggang kailan nya ko kukulitin? Pero ang ikanaiinis ko lang sarili ko, pag nakikita ko syang umiiyak at nakikita ko ang kanyang mukhang sising-sisi ay parang may kung anong lumalaslas sa puso ko. Para bang pag nakikita ko syang yumuyuko, nababara at nanlulumo ay nanghihina ako. I hate that kind of feeling, kahit anong galit at sumbat ko sakanya ay may natitirang parte padin na naaawa ako at ang gusto ko nalang ay ang patawarin sya. Tinext ko si papa, agad-agad naman ay natunton nya

