Chapter 51 Regret Francine's POV Matama kaming nagkatinginang dalawa ni Steve pagkarating ko sa location ng shooting namin ngayon. Nangungusap ang mga mata nya na tila ba may gustong sabihin. Kinagat ko ang labi ko at naglakad ako patungo sa kinaroroonan nya. "Hi, Steve," pambungad kong sabi. Suminghap sya at tsaka nya ako hinarapan. Kaya mas lalong high definition kong nakikita ang mukha nya ngayon. "Hmm... Nag-usap ba kayo ni Zaki nang iniwan namin kayo ni mama sa labas ng bahay namin kagabi?" Pagkatapos sabihin yun ni Steve ay tumingin ako sa kawalan. Sa biglaang pagdating ni Zaki, sya palagi ang nagiging topic. Yumuko ako, "Oo.." sabi ko at binaling ko ang tingin ko sa aking mga kuko, at muli ding nagflashback sa utak ko yung puno ng sama ng loob kong pagbibitaw ng mga salita sak

