Chapter 47 New Beginning Francine's POV Sumapit ang araw ng press conference para sa pagpapakilala ng mga magiging casts nang upcoming na soap opera. Syempre, Introducing me. Ako ang center of attention ngayon dito, kasi imagine napakali ng role na gaganapan tapos ipinagkatiwala sa isang baguhan diba? Kaya hindi mo maalis sa akin ang pressure. Lalo na't sa buong tala ng buhay ko ay hindi ko inakalang mapapasok ako sa showbiz. Nandito kami ngayon sa isang sikat na hotel dito sa Maynila, dito nila naisipang idaos ang press conference. Kagat-kagat ko ang labi ko ngayon habang ilang na nakatingin sa mga sandamukal na cameras dito sa harapan namin. Nakakailang, pero kailangan kong sanayin ang sarili ko. Nakaupo kami ngayon kasama ang mga artistang kasama ko sa soap opera, Grabe lang, para

